LP 51: Sapatos
March 26, 2009 by admin
Filed under LP entries
GETA model scale
Magandang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat, mga kasama! Excited na ba kayo para sa tema nating ‘Sapatos’? Tiyak magkakalabasan ng sikreto ang mga Imeldifica/o nating mga miyembro *wink* Ilan ba ang pares ng sapatos mo? Lahat ba naman ay nagagamit mo? Komportable ba silang ilakad? Tiyak may paborito kang gamitin sa araw-araw at mayroon ka rin namang ginagamit lang tuwing may importanteng lakad, hindi ba?
Gaya ng mga sinaunang hapon at mga sumo wrestlers sa ngayon, kaya mo bang magsuot ng kahoy na sapatos? Isipin ko pa lang , parang namamaltos na ang mga paa ko!
Aking nasubukan nang ilakad ang “klompen” o wooden shoes na magpahanggang ngayon ay ginagamit ng mga magsasaka sa Holland (Netherlands) pero talagang matigas kaya’t ilang minuto lamang ay hindi ko na nakayanan ito. Palagay ko ay malalaki at matitigas na ang kalyo sa paa ng mga magsasakang iyun!
Walang pa ring tatalo sa adidas!
source
“Geta” is a pair of Japanese raised wooden clogs worn with traditional Japanese garments, such as the kimono. A clog thong is attached to the base wooden board, “dai”=stand (台), that the foot is set upon, and it divides the toes of the foot between the big toe and next largest toe. The supporting pieces below the base board, “ha”=teeth (歯), are also made of wood, and there are usually two of them per pair. They are often worn with the informal yukata.
Geta are most often seen these days on the feet of sumo wrestlers. One will most likely hear them before you see them as they make a distinctive clacking noise as the wearer walks. This is sometimes mentioned as one of the sounds that older Japanese miss most in modern life. (It can also be regarded as the sound that a sumo wrestler will miss least, as only those ranked in the lowest two divisions must wear them.)
In Japan, there is a saying, “You don’t know until you have worn a geta.” This means, you can’t tell the results until the game is over.
Because wearing geta makes one look taller, the figurative meaning of wearing geta is to show something to have more amount than it actually has.
Patingin na kami ng sapatos mo!!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
MAHALAGANG PAALALA:
1) Sa darating na Biyernes, Marso 27, 2009 ay atin pong ilalathala ang paraan ng pag-order ng t-shirt kaya’t bumalik lamang sana kayo. Palalagpasin lang natin ang kaukulang Huwebes na ito.
2) Sa darating na Unang Anibersaryo ng Litratong Pinoy (April 3) ay mayroon po tayong PPP o Panauhing Propesyonal na Potograpo kaya huwag ninyong kakalimutan na sumali! Itataon po nating BIYERNES, April 3 mismo ang Litratong Pinoy kaya’t huwag po ninyo kalilimutan!
3) Kung maaari sanang i-request sa inyo na pagdulutan natin ng konting panahon na basahin ang akda sa darating na Abril 3 bilang pasasalamat sa ating panauhin na nagbigay ng kanyang permiso na ilathala ang kanyang mga larawan. Sa araw na ito ay ‘moderated‘ lahat ng komento kaya po walang ‘unahan’ na mangyayari.
Maraming salamat po.



