Attention all Litratong Pinoy members!
February 2, 2009 by admin
Filed under General, News & Updates
Sa mga hindi nagbabasa ng ating panuntunan, ipinapaalala ko lamang sa inyo na basahin ninyo ito at huwag ipagwalang bahala. Paunawa lamang na ginagawa ko ang lahat sa abot ng aking makakaya upang mapanatiling maayos ang daloy at matagumpay ang ating grupo. Subalit kung may mga miyembro tayo na hindi susunod sa ating patakaran ay inuulit ko: May karapatan ang Litratong Pinoy na alisin ang mga ito sa listahan ng miyembro.
Marami sa inyo ay hindi ako kilala pero ipinapaalam ko na lahat kayo ay sinisikap kong madalaw tuwing may bagong tema ang L.P. Nagbabasa ako ng mga mensahe natin sa isa’t isa sa ating mga blogs. Isang mensahe ang nakatawag ng aking pansin kaya ito ay isang babala.
HUWAG ninyo gamitin ang pangalan ng LITRATONG PINOY kung may balak kayong EB o ano mang “foto workshop” na hindi ninyo ipinapaalam sa akin, sa akin na nasa likod ng Litratong Pinoy.
“Kung may mga hinaing, panukala o katanungan, ipadala lamang ang mga ito sa ating email”
Nakasaad iyan sa ating ‘Paano Sumali’ na pahina. Ano man ang gusto mong sabihin ay ipadala mo lang sa akin: admin@litratongpinoy.com at tiyak na bibigyan kita ng oras at pansin.
Sa madaling salita, mga EB at future activities ay DITO lamang sa Litratong Pinoy manggagaling ang mga balita, impormasyon at anunsiyo ukol dito. Maliban dito ay walang kinalaman o pananagutan ang Litratong Pinoy. Ang mga ganitong bagay ay nangangailangan ng maayos na pagpa-plano at ang kakulangan nito ay maaaring makasira sa pangalan ng Litratong Pinoy. – admin

