LP 44: Tsokolate
February 5, 2009 by admin
Filed under LP entries
TSOKOLATE!!!!
Konti lang yata ang kilala ko na walang hilig sa tsokolate! Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila ng tsokolate samantalang masarap ito, mapa-candy, cake, cookies o inumin, malamig o mainit ay talagang ahahahay sa sarap! Pero kanya-kanyang panglasa lang talaga yan, maaring masarap sa akin ay hindi sa iba.
Ang nakatutuwa nyan ay pag nakatanggap ka nito mula sa iyong kabiyak sa darating na Valentine’s Day o di ba?!
*mga mister, huwag po kalilimutan ang tsokolate ni misis sa Araw ng mga Puso dahil tiyak, madaming pogi points ang aanihin nyo!*
Ang tsokolate na ito ay tumagal ng isang buwan sa loob ng aming bahay bago ko nabigyan ng pansin. Nakakalula kasi sya sa laki at dami. Bigay ito ng isang kaibigan nuon kapaskuhan.
Maaring nakikita nyo na iba’t-iba ang tsokolate sa loob ng kabibi na ito, na hanggang ngayon ay 2 pa lamang ang natitikman ko. Dahil sa kabibi ako mas nasarapan! Talaga namang ang sarap ng puting tsokolate na ginamit at tipong titirik ang mga mata mo sa unang kagat pa lang! Yum!
Tsokolateng ipinamamahagi sa ating mga miyembro na nagdiwang at magdiriwang pa lang ng kanilang mga kaarawan:
Dinah: 1 | Inyang: 3 | Emir: 4 | Jerome: 6 | Jeanny De Jesus: 15 | Aggietha: 16 | Ettey: 17 | Buge: 21 | Maru: 27
Maligayang Kaarawan sa inyo, mga kasama! Kuha lang kayo ng tsokolate, oh.
Magandang Huwebes sa inyong lahat!



