LP 46: Tipanan

February 19, 2009 by panauhing_litratista  
Filed under LP entries

tipanangzel

“Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw na kayo ay pukaw sa galit…” (Efeso 4:26)

Sa isang pagsasama hindi nawawala sa magkatipan ang pagkakaroon ng tampuhan, minsanang sama ng loob at ilang punto ng pagkakagalit. Kung paano maaayos ang gusot ay nakasalalay sa pag-unawa at pagtanggap ng bawat partida.

Sana sa pagtago ng araw ay kasama ding lumubog ang galit na nararamdaman. Laging isaisip na ang iyong katipan ay di-sakdal na tao lamang…laging takpan ng magagandang alaala ng inyong mga tipanan ang ano mang di pagkakaunawaan. May kinalaman sa nakaraang linggong tema ay baka ang pagkagalit ang maging dahilan sa pagkakaroon ng maitim na puso!

————
Saan ang paborito ninyong tipanan ng inyong mga anak? Mga kaibigan? Kasintahan? Pamilya? O asawa?

————
Isang magandang araw ng huwebes po mga KaLitratista. Ako po si Gizelle na kilala din sa tawag na Mirage, na mula sa bayan ng mga musikero ay bumabati ng may kalagakan sa pagkakataong maging panauhin para ngayong linggong ito. Ang litrato ay kuha mahigit 4 na taon na ang nakakaraan sa tabi ng Ilog Danube.

Happy LP!

« Previous PageNext Page »