Litratong Pinoy sa Facebook!

February 22, 2009 by admin  
Filed under News & Updates

UPDATE (added on May 28, 2009) :

BUKAS NA PO ANG L.P. MEMBERSHIP SA FACEBOOK PARA SA LAHAT!

++++++++++++++++++++++++

Mga kasama, nasa Facebook na po ang Litratong Pinoy kaya kung may FB (Facebook) account na po kayo ay magpadala lamang kayo ng request mismo sa Facebook .

Paano:

  • Magiwan ng komento dito kung saan ay isulat mo ang pangalan na ginagamit mo sa Facebook.
  • Iwan mo ang link ng iyong blog/s.
  • Pumunta sa Facebook at hanapin ang  “Litratong Pinoy” sa searchbox.
  • Magpadala ng request.
  • Ipagpaumanhin ninyo na hindi ko kayo maidadagdag kapag hindi ninyo ito susundin. Kailangan kong mapatunayan na lehitimong miyembro kayo ng Litratong Pinoy, at sa dami po natin ay hindi ko alam ang mga tunay na pangalan ninyo (o pangalan na ginagamit sa FB) at blog/s.


Importante na iwan ninyo  ang link ng inyong blog/s dahil  L.P. MEMBERS  LANG ANG PWEDE SUMALI.

Bakit po tayo nagsimula ng grupo sa FB? Napansin ko lang na marami sa atin ang gumagamit ng FB at dahil sa iilan lang sa atin ang nagkaroon ng interes na gamitin ang ating L.P. Forum ay bakit hindi natin subukan ang FB? Upang makapag-palitan naman tayo ng kuro-kuro, magkumustahan, atbp.?!

Sa mga sumusubaybay naman po ng L.P. sa Plurk ay atin pong ipinapaalam na HINDI na natin ginagamit ang application na ito.

Maraming salamat!

« Previous PageNext Page »