LP 47: Bulaklak

February 26, 2009 by  
Filed under LP entries

Magandang Huwebes sa inyong lahat! Huwebes na kaya eto na naman tayo at magkakasama muli! Bago ang lahat, nais batiin ng L.P. ang ating mga miyembro ng nagdiwang, kasalukuyang nagdiriwang at magsisipagdiwang pa lang ng kanilang mga kaarawan:

Dinah: 1 | Inyang: 3 | Emir: 4 |  Jerome: 6 | Jeanny De Jesus: 15 | Aggietha: 16 | Ettey: 17 | Caryl: 20 |  Buge: 21 | Maru: 27 |  Babie: 28

—————————————————————————

Bulaklak, yan ang ating tema sa Huwebes na ito. Marami sa atin ang mahihilig dito. Mayroon din naman na hindi naeengganyo sa mga ito! Karamihan sa kanila na kilala ko ay pawang mga babae pa (tiyak tipid ang kanilang mga mister at boyfriend nitong nakaraang V Day.)

Ikaw ba, ano ang bulaklak para sa iyo? Hindi ako eksperto sa kanilang uri o kahulugan (gaya ng kulay dilaw daw ay selos ang ibig sabihin, puti ay para sa patay atbp.) Para sa akin ay walang kabuluhan ang isang hardin kung walang kulay ng bulaklak. Maging ano man ang kulay nito, ang bulaklak ay nagagamit upang mapaaliwalas ang isang lugar, kagaya na lamang ng mesa kung saan madalas kang nakaupo at naglalaro ng mga online games kagaya ng http://www.partycasino.com/, hanggang sa hapag kainan kung saan ay kasalo mo ay iyong pamilya na kumakain. Para sa akin ay sagisag ito ng kagandahan.

Naka-experience ka na ba na pumitas nito gayung nakalagay sa harap mo ang isang karatula na nagsasaad: “Bawal pitasin ang mga bulaklak dito” Nangyari sa akin yan maraming siglo *ehem* taon lang pala, ang nakaraan, nahuli ako ng bantay sa Camp John Hay sa Baguio City. Ang kulit kasi eh. Paano naman eh ang ganda nung gumamela at teenager pa lang ako nu’n..pasaway pa.

irisclose

Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
Ang bango ng bulaklak
Dulot sa ‘tin ay galak

Kung ika’y nalulungkot
At wala kang makaibigan
Puso mo ay may sandigan
Bulaklak

Mapapawi ang kirot
Paghapyos mo ng talulot
Ay ginhawa ang s’yang dulot
Bulaklak

Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
Ang bango ng bulaklak
Dulot sa ‘tin ay galak

- Kuh Ledesma

irisopen

Parehong kuha ito sa aming hardin nuong nakaraang taon. Ang unang Iris sa larawan ay 2 araw pa lamang at sarado pa. Nangigigil akong pitasin kaya lang mas gusto ko syang tingnan sa hardin. Pero nung ikatlong araw nya ay biglang umulan, hayan sya. Nakita kong bukas na at nagsisimula ng sirain ng patak ng ulan. Ano pa nga ba, e di sabay pitas pagkatapos ng shooting!

Happy LP Day!!

Comments

95 Responses to “LP 47: Bulaklak”
  1. CES says:

    wow i love this! esp the 2nd pic!

    CES’s last blog post..flowers, fresh or faux

  2. type ko yung pangalawang picture! ganda!

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #47: (Mga) Bulaklak (Flower/s)

  3. Cookie says:

    ang galing nga pagkakakuha! mahilig din ako sa bulaklak kaya swak ang tema ngayon :)

    LP:Bulaklak

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Bulaklak

  4. maver says:

    totoo ba ito, pangatlo ako? hehehe!

    kay ganda naman ng mga yan! eto po ang aking lahok…
    http://maver.wifespeaks.com/2009/02/lp-44-bulaklak.html

    maver’s last blog post..NOW SHOWING

  5. Jeanny says:

    ganda ng bulaklak sa hardin nyo. :)
    Nasubukan ko na pumitas at ako ay napagalitan ng gwardya sa eskuwela :)

    Happy LP

    Jeanny’s last blog post..LP: Bulakak

  6. paborito ko ang litrato ng mga bubot na bulaklak at yung ganiyang mayroong mga drops ng tubig. :)

    Mapped Memories’s last blog post..LP #47: Bulaklak (Flower)

  7. Paula says:

    ako po ang dating Paulalaflower. Haha. nagbagong pangalan na ako dahil meron na rin akong bagong blog! (dot com na ako ngayon!)

    haha. namimitas ako ng bulaklak sa PGH para sa mga plant taxo at plant physio lab namin. :D happy huwebes!

    Paula’s last blog post..LP 02.26.2009 – Bulaklak

  8. Pinky says:

    Ganda naman ng iris na yan – gusto ko yung may mga dewdrops pa – parang sariwang-sariwa!

    Magandang LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #47: Bulaklak

  9. Thess says:

    Oo nga, nuong bata ako kinakatan ko yang bulaklak ni Kuh :mrgreen: napaghahalata ang edad :razz: Happy LP po!

    Thess’s Last blogpost…raw flowers

  10. maver says:

    ay pang apat pala! hehehe!

  11. Gizelle says:

    ayan kaso ngcomment ako sa tshirt nahuli ako lol!

    Uy lapit na spring!

    Bagong lipat po ako ng bahay, pakisilip ang aking lahok dito… http://www.gmirage.com/ Salamat po! Happy LP!

    Gizelle’s last blog post..Litratong Pinoy – Mga Bulaklak/Flowers

  12. julie says:

    Ang ganda! Napakagrandioso naman ng bulaklakna ito. Panalo din ang kulay!

    Magandang Huwebes po as lahat! :smile:

    julie’s last blog post..Calamansi Flower

  13. milet says:

    ganda naman nyan.

    milet’s last blog post..LP 47 : Bulaklak (Flower)

  14. iRonnie says:

    akala ko inantay mong mamukadkad… :mrgreen:

    iRonnie’s last blog post..Litratong Pinoy: Bulaklak

  15. FickleMinded says:

    ang ganda naman nyan!

    FickleMinded’s last blog post..LP#17:Bulaklak

  16. ang ganda ng ikalawang larawan! napaka fresh!

    http://www.koolstory.com/2009/02/lp-bulaklak-flower.html

    kathycot {kool blog}’s last blog post..LP: Bulaklak {Flower}

  17. iris says:

    uy ako yan. hehe. flowers are wondrous beauties.

  18. peachy says:

    ang ganda naman ng mga ito !

    narito ang aking LP para ngayong huwebes -
    http://www.amazingsincebirth.com/2009/02/litratong-pinoy-bulaklak.html

    peachy’s last blog post..Litratong Pinoy – Bulaklak

  19. babie says:

    ang ganda ng pagkakakuha mo sa mga bulaklak na yan. kitang kita ang dew. ito po ang aking lahok.

    http://ybabie.com/2009/02/26/litatong-pinoy-bulaklak/

    babie’s last blog post..Litatong Pinoy: Bulaklak

  20. ang aking unang lahok sa isa ko pang blog

    http://mylifeispeachy.com/?p=1244

    maligayang huwebes!

    mylifeispeachy’s last blog post..Litratong Pinoy – Bulaklak

  21. kotsengkuba says:

    ang tema para sa linggong ito ay LILA, lilang BULAKLAK :lol:

    kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0906 » Bulaklak

  22. arlene says:

    :wink: gustong-gusto ko ang tema para sa linggong ito :)

    Happy Huwebes! :)

    arlene’s last blog post..LP: Bulaklak (Flower)

  23. Dr Emer says:

    Narito po ang kahulugan ng bulaklak para sa akin — http://siteseer.blogspot.com/2009/02/earths-laughter.html

    Happy LP! :smile:

    Ang ganda ng kuha mo. Dapat pagalitan ang ulan sa pagsira sa magandang bulaklak. :!:

    Dr Emer’s last blog post..Earth’s Laughter

  24. Ann says:

    pangarap ko din na makakuha ng litrato ng sing ganda nito.

    eto naman ang aking lahok … nahalungkat ko sa aking baul hehehe!

    http://jayzanne.blogspot.com/2009/02/lp-bulaklak.html

  25. vanidosa says:

    Maligayang Kaarawan po sa lahat ng mga ka LP na may bertday at magandang Hwebes po sa inyong lahat.Eto naman po ang aking lahok
    http://www.mariegvergara.com/?p=569

    vanidosa’s last blog post..Cyber Monday Shopping

  26. Lizzieness says:

    Astig yung flower na kuha mo.. ganda talga..

    eto naman yung akin…
    http://lizzieness.info/?p=201

    pede na ba? hehehe

    Lizzieness’s last blog post..LP: Bulaklak (Flowers)

  27. rose says:

    irish pala ang tawag dyan. :)

    eto po ang aking lahok.
    http://revolutionmotion.com/2009/02/25/bulaklak/

    rose’s last blog post..bulaklak

  28. bubuka ang bulaklak.. pero hinde pa sya gaanong buka ano, dyaskeng ulan yan

    eto po ang aking lahok

    http://thephotoblogger.com/?p=25

    missthriftster’s last blog post..bulaklak

  29. Reflexes says:

    Ang ganda ng pagkakakuha sa bulaklak. Preskong-presko.

    Narito po ang aking lahok:
    http://manillapaper.com/2009/02/in-season/

  30. liau says:

    Makulay! Maligayang Huwebes!

    Narito po ang isa pang lahok:
    http://livinginau.com/2009/02/weeds/

    liau’s last blog post..Weeds

  31. sassy mom says:

    Ang ganda naman ng bulaklak lalo na nang ito ay bumukadkad na! Ito ang unang beses kong paglahok.

    sassy mom’s last blog post..Litratong Pinoy : Bulaklak

  32. ian says:

    sa ginaling-galing ng tao, hindi pa rin talaga natin mapapantayan ang hiwaga ng mga kamay ng Panginoon sa paglalang ng mga nakikita sa kalikasan. magandang patunay nito ang mga bulaklak na iyong ibinahagi sa itaas =]

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy: BULAKLAK (Flower)

  33. JoyD says:

    Ako ako rin napakanta rin ako ng kanta ni Kuh ledesma….. Kay gandang pagmasdan ng Iris na yan….. Gandang araw ,, narito po ang sa akin http://aussietalks.com/2009/02/litratong-pinoy-bulaklak-flower.html

    JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy (Bulaklak/ Flower)

  34. yeye says:

    ako pala yan with h (irish kasi ako ehehe)

    uhmmm ang ganda…color violet :)

    HAPPY LP po! :D

    yeye’s last blog post..national flower – LP#47 Bulaklak

  35. leah says:

    great shot! narito naman ang lahok ko: http://leahjoseph.com/2009/02/26/lp-bulaklak-flower/

    happy bday sa mga celebrants at magandang huwebes sa lahat! :)

    leah’s last blog post..LP: Bulaklak (Flower)

  36. farah says:

    ang ganda ng larawan. buhay na buhay! magandang huwebes ng umaga po!

    http://www.wifeynibangis.com/2009/02/litratong-pinoy-45-white-flower.html

    farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.

  37. Rico says:

    Maganda ang pagkakakuha. Hindi ako mahilig sa bulaklak, pero hilig ko silang kunan ng litrato.

    Magandang araw po. Ito ang aking unang beses sa pagsali sa Litratong Pinoy. Makikita ang aking lahok sa http://bahay-bahayan.com/2009/02/26/lp001-bulaklak/. Sana po ay makabisita kayo. Maraming salamat.

    Rico’s last blog post..LP001: Bulaklak

  38. zamejias says:

    Galing ng pagkakuha! Gandang umaga.. :grin:

    zamejias’s last blog post..LP: Bulaklak

  39. lino says:

    nice purple flower… eto naman po ang aking bahagi sa linggong ito…

    lino’s last blog post..flower…

  40. christine says:

    gusto ko rin ang ikalawang litrato. parang gusto ko hawakan yung water drops! :)

    christine’s last blog post..LP: Bulaklak (Flower)

  41. Jannesse says:

    Napakagandang bulaklak…

    Jannesse’s last blog post..LP 47: Bulaklak (Flower)

  42. Jay says:

    Ika nga, “good things come to those who wait.”

    eto aken lahok.

    Jay’s last blog post..LP # 47: Bulaklak (Flower)

  43. Gandang ganda talaga ako sa bulaklak na may waterdrops… parang mas lalong dramatic ang effect.

    Ang aking LP ay nakahain na po!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Bulaklak (Flowers)

  44. Dinah says:

    Kakabighani ang kuha mo! Breathtaking! :razz:
    Ito naman ang kuha ko: http://bragsimply.blogspot.com/2009/02/lp-47-bulaklak.html

    Dinah’s last blog post..LP 47: Bulaklak

  45. ceztlavie says:

    maligayang araw ng huwebes!

    ceztlavie’s last blog post..LP: Bulaklak (Flower)

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Ang buwan ng Pebrero ay buwan ng pag-ibig maging sa pag-aadik ng mga litratista ng Litratong Pinoy kaya naman ang mga tema para sa buwang ito ay pawang mga may kinalaman sa pagmamahal at pagmamahalan – tsokolate, puso, tipanan – kung kaya naman ang tema para sa huling Huwebes ng buwang ito ay patungkol din sa pag-iibigan: BULAKLAK [...]

  2. [...] sa linggong ito, ang tema ay ‘bulaklak‘ at narito ang aking [...]

  3. [...] Para sa Litratong Pinoy na may temang Bulaklak. [...]

  4. [...] Ngayong linggo sa Litratong Pinoy, ang pinag-uusapan ay bulaklak. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge