LP 46: Tipanan
February 19, 2009 by panauhing_litratista
Filed under LP entries
“Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw na kayo ay pukaw sa galit…” (Efeso 4:26)
Sa isang pagsasama hindi nawawala sa magkatipan ang pagkakaroon ng tampuhan, minsanang sama ng loob at ilang punto ng pagkakagalit. Kung paano maaayos ang gusot ay nakasalalay sa pag-unawa at pagtanggap ng bawat partida.
Sana sa pagtago ng araw ay kasama ding lumubog ang galit na nararamdaman. Laging isaisip na ang iyong katipan ay di-sakdal na tao lamang…laging takpan ng magagandang alaala ng inyong mga tipanan ang ano mang di pagkakaunawaan. May kinalaman sa nakaraang linggong tema ay baka ang pagkagalit ang maging dahilan sa pagkakaroon ng maitim na puso!
————
Saan ang paborito ninyong tipanan ng inyong mga anak? Mga kaibigan? Kasintahan? Pamilya? O asawa?
————
Isang magandang araw ng huwebes po mga KaLitratista. Ako po si Gizelle na kilala din sa tawag na Mirage, na mula sa bayan ng mga musikero ay bumabati ng may kalagakan sa pagkakataong maging panauhin para ngayong linggong ito. Ang litrato ay kuha mahigit 4 na taon na ang nakakaraan sa tabi ng Ilog Danube.
Happy LP!



G, ganda ng larawang yan! happy LP!
CES’s last blog post..Litrato: EATS a date!
tama, bawal matulog na magkagalit! every week, family date kami ng aking pamilya.
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #46: Tipanan (Date)
tama ang bersikulong nabanggit mo. kailangan maaliwalas at payapa ang kalooban bago ipikit ang mga mata sa gabi.
magandang araw ng LP, peeps!
Thess’s last blog post..Irog, date tayo (LP 46 Tipanan)
napakagandang mensahe. maligayang huwebes!
milet’s last blog post..Re – Elected
tama ka dyan. Yan din ang aming panuntunan mag asawa
Ganda ng shot G!
Happy LP.
Jeanny’s last blog post..LP: Date Tara!
ang sweet naman ng pic na yan. sinabi din sa amin yan ng lola ko bago kami ikasal ni mister. wag daw kaming matulog na galit sa isa’t isa. kaya ngayon, sa umaga ko na lang siya inaaway..hehehe
happy LP!!
LP:Tipanan
Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Tipanan
magandang araw ng huwebes din sa iyo Gizelle!
Mapped Memories’s last blog post..LP #46: Tipanan (Date)
Simple lang paborito naming tipanan. Araw araw sa hapag kainan.
Em Dy’s last blog post..Pagkahabahaba Man Ng Prusisyon
ito naman ang aking lahok! http://arlenesview.blogspot.com
yey! finally isa ako sa mga nauna!
Dapat pagmamahal ang nasa isip bago at pagkatapos matulog.
Happy LP!
Ang aking lahok — http://siteseer.blogspot.com/2009/02/kissing-you-again.html
Dr Emer’s last blog post..Kissing You Again!
Ang aking lahok po ay andito…
http://maver.wifespeaks.com/2009/02/lp-43-tipanan.html
Nawa’y naging masaya ang inyong araw ng mga puso!
wow… first time kong makakapost ng mejo on time
ang ganda ng autumn!
ito naman ang aking lahok… http://arlenesview.blogspot.com
happy thursday!
Napakagandang mensahe ng isang napaka-madamdaming litrato – galing!
Hello, G! Ikaw pala ang panauhin ngayong linggo – congrats!
Pinky’s last blog post..LP #46: Tipanan (Date)
Magandang Huwebes!
ang aking lahok – http://wouldificould.wordpress.com/2009/02/18/litratong-pinoy-5-tipanan/
LIBAY’s last blog post..Litratong Pinoy (5) – Tipanan
Ganda ng kuha!
Etong akin:
http://www.etc-atbp.com/2009/02/litratong-pinoy-tipanan-date/
Mitch’s last blog post..It Could Change Your Life
Happy LP!
stripe&yellow’s last blog post..date with mini-S
Maligayang pagbabalik sa LP..for me, hehe.
Dalawin ko kayo. It’s a date!
ajay’s last blog post..LP 46: Tipanan (date)
ganda ng picture! ako wala pang post, three weeks na. super busy. paborito kong tipanan? wala naman pero inis ako pag late ang aking katipan. pero mas gusto kong makipag tipan sa mga mataong lugar for safety reasons:)
nina’s last blog post..Hibernate Mode
ganda ng larawan, ganda ng mensahe, gandang hwebes sa ating lahat
Jules’s last blog post..Litratong Pinoy 018: Tipanan
hmmm, hindi naman siguro sila galit. siguro engrossed lang sila sa kanya-kanyang thoughts. hindi naman kasi kailangan na pag magsing-irog kayo ay laging ang isa’t-isa na lamang ang iniisip di ba?
i love the shot! napaka-candid.
Meeya (MyMemes)’s last blog post..LP46: Tipanan
Hi Gizelle, maganda ang iyong lahok pati na ang iyong mensahe.
Tayo nang magkita-kita sa ating tipanan..
to answer pala your question, wala naman kaming favorite tipanan ng aking pamilya. basta magkakasama kami, kahit saan pa kami mapadpad, happy kami.
happy lp, G! *muah*
Meeya (MyParty)’s last blog post..LP46: Tipanan (Date)
ay ambibilis nyo naman! Ako pa ang nahuli lol.
SAlamat po sa mga komento. Ms. Admin thank you!
ang sweet naman ng litrato na yan!
FickleMinded’s last blog post..LP#16:Tipanan(Date)
ganda naman niyan
SomethingPurple’s cucina’s last blog post..Litratong Pinoy #31 (Date)
stolen shot?
ang akin naman parang maala-ala mo kaya
http://homeworked.blogspot.com/2009/02/maala-ala-mo-kaya-do-you-remember.html
raqgold’s last blog post..Mama is the best, thanks
ako po ay sa damuhan naman nakikipagtipanan
http://kwentongkengkay.com/2009/02/18/tipanan-sa-damuhan/
kengkay’s last blog post..wiz
wow, ang ganda po ng iyong lahok.
mahirap nga namang may galit na tinatago sa ating puso.. mas mabuting pagusapan kung may di pagkakaunawaan.
paboritong tipanan? hmmm, kaming magkakapatid eh sa mall lagi ang punta. hehehe.
dun kami nakakapagbonding lalo na ngayon na busy kami sa mga trabaho at eskwela.
karmi’s last blog post..meet the Castros
Patungo sa isang tipanan : http://pic.blogspot.com/2009/02/follow-me.html
Ako ok lang matulog ng galit…basta pagkabukas ay mag kikis at make up:) normal lang ang magtalo at di muna makapag usap, wag lang tatagalan…
senti at inaalikabok na sa baul ng mga larawan ang aking lahok ngayon.
magandang lp!
kaye’s last blog post..LP: Tipanan
gusto ko ang larawan mo.. napaka-raw.. nice one, gizelle!
happy LP!
christine’s last blog post..LP: Tipanan (Date)
eto na po ang aking tipanan. maligayang LP sa inyong lahat!!
MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#39 Tipanan
ang paborito naming tipanan ay ang hapag-kainan… mayroong kakaibang kakayahan ang hapag na palayain ang mga emosyon at kaisipan na wala ang ibang lugar. at gayundin, napapasarap ng mga kwento ang pagkain =]
ian’s last blog post..Litratong Pinoy: TIPANAN (Meeting place)
Ay May LQ Lovers Quarrel…..
pero ang ganda ng komposisyon…… Gandang Araw mga ka LP
JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy ( Tipanan / Date)
ganda ng litrato, G. parang pang post card. kulang nalang ng caption
iris’s last blog post..Date [lp]
puno ng damdamin ang litratong iyong ipinakita. napakaganda!
Jannesse’s last blog post..LP 46: Tipanan (DATE)
ang ganda! maligayang huwebes sa lahat!
ceztlavie’s last blog post..LP: Date (Tipanan)
ang galing! nagmistulang langit din ang tubig!
Mauie’s last blog post..Litratong Pinoy: Tipanan (Date)
yehey, nakalahok din ako ng maaga pa at hindi pahabol
eto naman ang sa akin, pero pasensya na at camphone ang yan.
http://bragsimply.blogspot.com/2009/02/lp-46-tipanan-date.html
Dinah’s last blog post..Nuffnang’s My Shopaholic Confessions Awards Night & Movie Premiere
ang ganda naman ng iyong lahok.
peachkins’s last blog post..Sonya’s Garden
sinusubukan kong kuhanan din yung paglubog ng araw nung kinuhanan ko yung aking lahok pero di ako makakuha ng magandang ‘shot’. Pero mas maganda yung paglubog ng araw dito sa lahok mo dahil sa mga ulap.
purplesea’s last blog post..LP 46: TIPAN
tama ka dyan. kailangan yan.
lahok ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp46-tipanan-date.html
carnation’s last blog post..Are You Coffee or Tea?
napagakanda ng larawan yan.
ito ang aking lahok sa linggong ito. http://ybabie.com/2009/02/19/litratong-pinoy-tipanan/
babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Tipanan
sa aming pagsasama ay mas mahusay na matulog muna kami upang humupa ang anumang emosyong aming nadarama at pag-uusapan namin ang isyu kung kami ay kalmado na.
happy hwebes!
Dyes’s last blog post..LP: Tipanan
Ang ganda naman ng larawang iyan, madamdamin
Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat!
julie’s last blog post..Tipanan
ang aming tipanan: http://alphadf.com/2009/02/19/lp-tipanan/
alpha’s last blog post..Yet Again.
gizelle, ang galing ng iyong intro…”mula sa bayan ng mga musikero”! napaka romantic ng litrato mo pero mukhang nag-aaway sila.
luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: tipanan (date)
ang ganda ng iyong pagkakakuha sa litratong ito.
Magandang araw!
Ang ganda naman ng iyong pagkakuha! MAgandang Huwebes!
http://edsnanquil.com/?p=1336
yan pala ang itsura ng danube. kaya naman pala na-icompose ang “beautiful blue danube” na waltz eh. talagang maganda sya.
happy huwebes!