LP 45: Puso (o Hugis-Puso)

February 12, 2009 by  
Filed under LP entries

Puso – ang tinaguriang sentro ng ating pagkatao. Ang patuloy na pagtibok nito ay nagbibigay-buhay at madalas, patuloy na pag-asa.
Mula din sa puso ang mga malalalim na saloobin – maaaring matinding puot o galit (madalas na tinatawag na “maitim na puso”) o di kaya naman ay dalisay at wagas na pagmamahal. Marahil, totoo nga ang kasabihan na kung ano ang nilalaman ng puso ay madalas ding tumutukoy kung anong klaseng tao ang nagmamay-ari nito.
Ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso, higit pa sa mga regalo at pagbati na matatanggap natin, maganda din sigurong pag-isipan kung ano ba talaga ang nilalaman ng ating mga puso. Gaya na lamang ng nakasulat sa banal na aklat: “Sabihin mo sa akin kung nasaan ang kayamanan mo sapagkat doon din matatagpuan ang iyong puso”.

pinky_puso

Mabuti na lamang at may mga nahalungkat din akong mga hugis-pusong “bling-bling” mula sa gamit ng aming kikay na bunso. Ang mga pilak na alahas na ito ay mga regalo sa kanya ng kanyang ninang noong kanyang binyag.

At paano ko naman maiuugnay ang larawan sa aking mensahe? Bilang isang ina, ang pinakamahalagang kayamanan na marahil ay ang aking mga anak. Ang tatlong puso sa larawan ang sumasagisag sa aking mga “kayamanan” – sina Luigi, Rafa at Marga. At oo, nandoon palagi ang puso ko kasama nila.

Ako po si Pinky, ang inyong dakilang “domestic diva” mula sa “Forbidden Kingdom”, na naanyayahan upang maging panauhing litratista ngayong linggo. Nais ko pong iparating ang isang mainit na pagbati para sa Araw ng mga Puso mula dito sa naglalagablab na disyerto ng Gitnang Silangan.

Happy Valentine’s LP sa lahat!

Comments

97 Responses to “LP 45: Puso (o Hugis-Puso)”
  1. JoyD says:

    Bling bling nga,,, syempre pa mga anak natin ang mahalaga sa napakalapit sa ating puso,, gandang araw sa inyong lahat eto ang anking lahok http://aussietalks.com/2009/02/litratong-pinoy-puso-o-hugis-puso.html

    JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy ( Puso o hugis Puso)

  2. carnation says:

    maganda ng mga yan. mukhang ang ating mga mata ay magiging hugis puso sa linggong ito. sana mag-enjoy ang lahat sa pagcelebrate nito.
    ito ang lahok ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp45-puso-o-hugis-puso-heart-or-heart.html

    carnation’s last blog post..Sad, gruesome news

  3. ceztlavie says:

    ang gandang bling-bling niyan! happy valentine’s! :)

  4. RoseLLe says:

    Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat! Nawa ang lahat ay makadama ng pagmamahal sa gaano mang kalaki o kaliit na bagay na magkapagpapasaya sa baway isa. Ingatan lagi ang puso :)

    Ang aking PUSO dito : REFLEXES

    RoseLLe’s last blog post..Green Thumb

  5. Mauie says:

    Kikay din ang ninang ng bunso mo ha. Maligayang Araw ng mga Puso sa iyo!

    Mauie’s last blog post..Litratong Pinoy: Puso (Heart)

  6. purplesea says:

    ang ganda naman nung bracelet at may engraving pa.
    Happy Valentines po sa lahat!

    purplesea’s last blog post..LP 45: Hugis Puso

  7. Sreisaat says:

    Wow, bumabaha ng puso ngayong linggo!!
    Happy Valentine’s Day sa ating lahat!!

  8. farah says:

    napakaganda naman nyang litrato mo! mahusay! :)

    eto naman po ang akin

    http://www.wifeynibangis.com/2009/02/litratong-pinoy-43-heart-of-mine.html

  9. Eds says:

    Napaganda naman nyan kaibigan… tunay na may puso..

    Sana ay mabisita nyo ang aking lahok sa linggong ito ..:)

    Eds’s last blog post..Litratong Pinoy: Hugis-Puso {Heart Shaped}

  10. luna miranda says:

    bagay na bagay nga yan sa mga bagets. cute. :grin:

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: puso (heart)

  11. Nagagandahan ako sa locket… may picture ba yan sa loob?

    Ako muna humalili sa aking kapatid ngayong linggo… di ko mahanap ang litrato niya. Sana makadaan kayo.

    sugarplumfairy_lyn’s last blog post..Puso (Heart)

  12. toni says:

    maligayan LP at maligayang araw ng mga puso. ito po ang aking lahok. http://paulandtoni.com/?p=536 :)

    toni’s last blog post..LP: Puso

  13. babie says:

    Ang ganda ng charm bracelet. Happy Valentines!

    Ito ang aking lahok.. ang aking pusong may puso

    http://ybabie.com/2009/02/12/litratong-pinoy-puso/

    babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Puso

  14. Arlene says:

    hello sa lahat! Maligayang malamig na Huwebes!

    Ang “puso” ko ay nasa blog ko na. SAna maka bisita kayo.

    Wishing everyone a very happy Valentine’s Day…although at my end it’s not that exciting hehehehe

    Arlene’s last blog post..LP – Hugis Puso

  15. Dyes says:

    ang ganda ng kuha mo!

    malapit na ang araw ng mga puso at eto naman ang lahok ko: http://yaneeps.com/?p=448

    Dyes’s last blog post..LP: Puso

  16. jes says:

    magndang LP..huli na ko huhuhuu! eto na po ang aking lahok! http://jeslising.blogspot.com/2009/02/lp-puso.html

    salamat!

  17. iska says:

    Akala ko din ay bokya ako ngayong LP. Nakita ko ang entry mo at naalala ko meron pala akong kinunang regalo ni maylabs nung nakaraang pasko…

    iska’s last blog post..LP45: Ang Puso Ko

  18. Shuttercow says:

    Uy ganda! Happy valentines sa lahat!

    Ito po ang PUSO ni Shuttercow.

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #45: Puso (o hugis puso)

  19. arlene says:

    meron na rin akong lahok! :) http://arlenesview.blogspot.com

    happy LP and Valentines Day!!!

  20. tin says:

    magandang gabi po. maligayang araw ng mga puso.

    eto po ang lahok ko para sa paksa ngayon. sana ay hindi pa siya nahuli.. salamat po.. http://samandsidsmom.blogspot.com/2009/02/lp-puso.html

    tin’s last blog post..LP: Puso

  21. vanidosa says:

    Happy LP Hwebes at Advance Happy Vday din sa inyong lahat.
    http://vanidosa.blogspot.com/2009/02/lp-45-puso-hugis-puso.html

    vanidosa’s last blog post..LP 45 – Puso (Hugis Puso)

  22. Ethel says:

    ang ganda ng photo.
    eto aking lahok
    happy hearts day to all.

    Ethel’s last blog post..LP 45: Hugis-Puso

  23. iris says:

    hirap talaga pag nahuhuli dito sa LP. daming utang na bisita! :)

    ako rin, ang entry ko this week tungkol sa puso ay kung ano ang laman nito. :)

    iris’s last blog post..Choco-Late de Batirol [lp]

  24. Ken says:

    Suweeet!

    Hapi Balentayns to ol!

    I heart you!

    Ken’s last blog post..I Heart You

  25. hi pinky! ang ganda naman ng iyong handog na litrato at mensahe para sa tema. :)

    Meeya (MyMemes)’s last blog post..LP45: Puso

  26. happy valentine’s day nga pala sa inyong lahat, mga kapuso (at kapamilya na nga rin) :D *muah*

    Meeya (MyParty)’s last blog post..LP45: Puso (Heart)

  27. maver says:

    pasensya na’t ako’y di nakalahok nung nakaraang lingo kung kaya’t pinagsama ko na lang sa isang lahok ang tema :D

    http://maver.wifespeaks.com/2009/02/lp-42-puso.html

    advanced happy lp!

  28. Joy says:

    Happy Valentine’s Day!
    Nakahabol pa ako ngayong linggo! Woohoo!

    Joy’s last blog post..LP: Puso o Hugis Puso(Heart or Heart-shaped)

  29. beybigurl says:

    sinusubukang humabol!!!

    miss ko na kayo!

    http://beybi-gurl.blogspot.com/2009/02/lp-45-puso.html

    beybigurl’s last blog post..been a long time…

  30. scart says:

    ang ganda naman ng bling-bling na yan. ako din mahilig sa bling-bling na may hugis puso pero gusto ko yung maliliit lang :wink:

    ito nga pala ang lahok ko para sa lingong ito http://www.scarty.com/ideas/lp45-puso-heart

    Mga Ka-LP tandaan na ang Araw ng mga Puso ay hindi laman para sa mga mag-nobyo at mag-asawa ito ay para sa lahat :)

    scart’s last blog post..LP#45 Puso (Heart)

  31. Shoshana says:

    Ganda naman sa bling mo. Ang akin ay azul na puso. tingnan nyo. http://unsealmylips.com/?p=720

    Shoshana’s last blog post..Kid Says

  32. Shoshana says:

    Ito ang azul na puso ko.

    http://unsealmylips.com/?p=720

    Shoshana’s last blog post..Kid Says

  33. abby says:

    humihirit sa temang to, naghahabol at laging hahabol! maligayang araw ng mga puso!!!

    abby’s last blog post..LP 45: Puso (o Hugis-Puso)

  34. Pinks ang ganda ng pagkakakuha nyan ah!

    HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Puso (Heart) : 37th Litratong Pinoy

  35. Tere says:

    Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat! :wink:

    Aking unang lahok sa aking bagong bahay!

    Tere’s last blog post..Litratong Pinoy: Puso (Heart)

  36. ruthay says:

    Eto po lahok ko…

    Sana mabisita nyo ko!!!

    http://ruthay.net/2009/02/litratong-pinoy-5-bond-hearts.html

    Maligayang ARAW ng mga PUSO!!!

    ruthay’s last blog post..Litratong Pinoy #5: Bond Hearts

  37. Fran says:

    Unang pagsali sa LP. Sa susunod na uli. :)

    Napaka-gandang bling-bling. :)

  38. pinay nanay says:

    bagong sali at ang aking lahok ay malamig na puso :D
    http://expatblahs.com/?p=114

    pinay nanay’s last blog post..Malamig na Puso = Cold Heart

  39. Emir says:

    mukhang mamahalin ang pusong yan ah… :lol:

    Emir’s last blog post..Regalong mula sa Puso

  40. korky says:

    belated happy valentine’s day mga taga LP. huli ulit :)

    korky’s last blog post..LP #45 Puso (o hugis puso)

  41. potsquared says:

    ang ganda namang alahas niyan.. simple pero elegante…
    ipagpaumanhin po ninyo kung nahuli ang aking lahok…

    http://photopots.wordpress.com/2009/02/16/lp-puso/

    potsquared’s last blog post..LP : Puso

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge