Attention all Litratong Pinoy members!
February 2, 2009 by admin
Filed under General, News & Updates
Sa mga hindi nagbabasa ng ating panuntunan, ipinapaalala ko lamang sa inyo na basahin ninyo ito at huwag ipagwalang bahala. Paunawa lamang na ginagawa ko ang lahat sa abot ng aking makakaya upang mapanatiling maayos ang daloy at matagumpay ang ating grupo. Subalit kung may mga miyembro tayo na hindi susunod sa ating patakaran ay inuulit ko: May karapatan ang Litratong Pinoy na alisin ang mga ito sa listahan ng miyembro.
Marami sa inyo ay hindi ako kilala pero ipinapaalam ko na lahat kayo ay sinisikap kong madalaw tuwing may bagong tema ang L.P. Nagbabasa ako ng mga mensahe natin sa isa’t isa sa ating mga blogs. Isang mensahe ang nakatawag ng aking pansin kaya ito ay isang babala.
HUWAG ninyo gamitin ang pangalan ng LITRATONG PINOY kung may balak kayong EB o ano mang “foto workshop” na hindi ninyo ipinapaalam sa akin, sa akin na nasa likod ng Litratong Pinoy.
“Kung may mga hinaing, panukala o katanungan, ipadala lamang ang mga ito sa ating email”
Nakasaad iyan sa ating ‘Paano Sumali’ na pahina. Ano man ang gusto mong sabihin ay ipadala mo lang sa akin: admin@litratongpinoy.com at tiyak na bibigyan kita ng oras at pansin.
Sa madaling salita, mga EB at future activities ay DITO lamang sa Litratong Pinoy manggagaling ang mga balita, impormasyon at anunsiyo ukol dito. Maliban dito ay walang kinalaman o pananagutan ang Litratong Pinoy. Ang mga ganitong bagay ay nangangailangan ng maayos na pagpa-plano at ang kakulangan nito ay maaaring makasira sa pangalan ng Litratong Pinoy. – admin


suportado kita dyan Ms. LP, yaan mo at di ako sasali sa anumang activities outside LP.
ADMIN: SALAMAT MS. HIPNCOOLMOMMA. BASTA ALAMIN NYO LANG KUNG TALAGANG LITRATONG PINOY BA TALAGA ANG MAY PAKANA NG MGA ACTIVITIES O KUNG SINO LANG NA BASTA BASTA AY GINAGAMIT ANG PANGALAN NG GRUPO NG WALANG PAHINTULOT!
Sa likod mo ko Ms. Admin, ang ikakaganda ng grupo ay nasa paggalang at pagsunod. Enjoy ako lagi sumali kada-linggo dahil sa hilig kong kumuha ng litrato at tumingin ng litrato, walang anupaman.
Salamat sa paalala at sa pag-aalaga ng LP.
g’s last blog post..Weekend Snapshot – Facade
ADMIN: SALAMAT MS. MIRAGE. TAMA SINABI MO- RESPETO AT SUMUNOD LANG SA HILING NG GRUPO NATIN, WALANG MAGIGING PROBLEMA!
Sumasang-ayon ako sa iyo. Hindi naman tamang gamitin ang LP para sa pribadong EB kung hindi naman ito aprubado ng admin. Hindi rin naman ibig sabihin na hindi pwedeng mag-EB. Maaari rin naman kasing mag-organisa ng EB bilang magkakaibigang bloggers na nagkakilakilala dahil sa LP. Pero hindi dapat ipakahulugan nito na ito nga ay opisyal na EB ng LP
Nortehanon’s last blog post..Slowing Down
ADMIN: SALAMAT SA PAGBISITA AT PAG-IWAN NG MENSAHE, NORTEHANON.
TAMA ANG SINABI MO! WALANG NAGBABAWAL SA MGA BLOGGERS (NA DAHIL SA L.P. AY NAGKA-KILALA) NA MAGKIKITA-KITA (EB). ANG HINDI TAMA AY MAG-AKTO KANG IYO ANG LITRATONG PINOY DAHIL MAGOORANISA KA NG KUNG ANO-ANO SA NGALAN NITO NA WALA MAN LANG PASABI SA NAMUMUNO NG L.P. HINDING HINDI KO YAN PAPAYAGAN DAHIL KUNG PUMALPAK AY SA AKIN BABAGSAK ANG SISI DAHIL AKALA NG MGA TAO AY PLANO ITO NG L.P.
Oo nga naman. Give credit where credit is due. Kung ka-Lp ang target ng ating mga EB at for-workshop,i-share sa mga ka-LP dito mismo sa LP!
Hayaan mo ka-LP, we will police our ranks
Dinah’s last blog post..Just Asking
ADMIN: SALAMAT SA SUPORTA, DINAH!
we hear you loud and clear, ms. admin. hindi naman masamang dumulog sa LP at magmungkahi ng mga pagkakataon upang magkasama-sama ang mga miyembro. at least ngayon, alam na ng mga miyembro ng LP na ang mga lehitimong LP EBs ay dito lamang sa LP site manggagaling ang anunsyo.
Munchkin Mommy’s last blog post..Frozen Leaves, Superbowl, Etc.
Kasama ako sa mga sumusuporta sa iyo, Ms. Admin.
Dun lang ako maniniwala sa mga official announcements na makikita dito sa LP blog o di kaya’y sa email na mula sa iyo.
Sreisaat’s last blog post..Wordless Wednesday #69: Cambodian cyclos…
wow! kung sino man iyon na may balak mag organized ng EB ng mga LP members, siguro naman ay hindi masama kung ipaalam man lang sa admin bago mag announce sa kanilang mga blog.Respeto sa admin,respeto sa ibang member at respeto sa LP website mismo, lalo na kung may ibang active member na makaalam ng “EB” at akalaing hindi sila inimbita.
FickleMinded’s last blog post..Jumping For Joy!!
pahabol:
sana po ay gawin nyo itong sticky post, para hindi matabunan at kahit yung mga seasoned member ay mapaalalahanan.
FickleMinded’s last blog post..Jumping For Joy!!
wow. uu nga po. dapat senyo manggagaling ung anunsyo kung may EB ang LP. kasi ang pwedeng mangyari kapag may provate eb, naku, ma-o-op ung ibang members..anu un kanya2 diba? panget. dpata iisa lang lahat taung mga ltratista. united as one. yan ang LP
yeye’s last blog post..wrapper – LP#44 Tsokolate
kasama ako sa mga sumusuporta sa iyo, Ms. Admin. Hindi naman tayo magkakakilala kung hindi dahil sa LP kaya dapat lang na magpaalam at siyempre pa, dapat galing dito ang opisyal na anunsyo.
MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#37 Tsokolate(Chocolate)
sumasang-ayon ako sa iyo, admin! nararapat lamang na sundin ang mga patakaran ng LP at hindi gamitin ang pangalang ito sa mga gawaing hindi batid o walang permiso mula sa admin.
Dyes’s last blog post..God’s Best
Hindi po ako kasapi ng LP subalit marami akong kaibigang blogista na kasapi dito. At lagi rin po akong bumibisita dito bagaman hindi nag-iiwan ng komento. Maganda po ang inyong patakaran at para na rin sa ikabubuti ng bawat kasapi ay dapat sa inyo lamang nanggagaling ang mga patakaran at anupamang mga panukala.
Saludo po ako sa inyong layunin. Nawa’y ipagpatuloy ang mabuting samahan, at anumang ikasisira ay iwaksi.
Pagpalain po kayo!
dennis villegas’s last blog post..The Parade of Smiles
ADMIN: MARAMING SALAMAT SA IYONG PAGDAAN AT PAG IWAN NG MENSAHE, G. DENNIS. BAKIT HINDI PA PO KAYO SUMALI SA AMIN SA LITRATONG PINOY? MAGAGANDA ANG IYONG MGA KUHA!