LP 47: Bulaklak

February 26, 2009 by admin  
Filed under LP entries

Magandang Huwebes sa inyong lahat! Huwebes na kaya eto na naman tayo at magkakasama muli! Bago ang lahat, nais batiin ng L.P. ang ating mga miyembro ng nagdiwang, kasalukuyang nagdiriwang at magsisipagdiwang pa lang ng kanilang mga kaarawan:

Dinah: 1 | Inyang: 3 | Emir: 4 |  Jerome: 6 | Jeanny De Jesus: 15 | Aggietha: 16 | Ettey: 17 | Caryl: 20 |  Buge: 21 | Maru: 27 |  Babie: 28

—————————————————————————

Bulaklak, yan ang ating tema sa Huwebes na ito. Marami sa atin ang mahihilig dito. Mayroon din naman na hindi naeengganyo sa mga ito! Karamihan sa kanila na kilala ko ay pawang mga babae pa (tiyak tipid ang kanilang mga mister at boyfriend nitong nakaraang V Day.)

Ikaw ba, ano ang bulaklak para sa iyo? Hindi ako eksperto sa kanilang uri o kahulugan (gaya ng kulay dilaw daw ay selos ang ibig sabihin, puti ay para sa patay atbp.) Para sa akin ay walang kabuluhan ang isang hardin kung walang kulay ng bulaklak. Para sa akin ay sagisag ito ng kagandahan.

Naka-experience ka na ba na pumitas nito gayung nakalagay sa harap mo ang isang karatula na nagsasaad: “Bawal pitasin ang mga bulaklak dito” Nangyari sa akin yan maraming siglo *ehem* taon lang pala ang nakaraan, nahuli ako ng bantay sa Camp John Hay sa Baguio City. Ang kulit kasi eh. Paano naman eh ang ganda nung gumamela at teenager pa lang ako nu’n..pasaway pa.

irisclose

Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
Ang bango ng bulaklak
Dulot sa ‘tin ay galak

Kung ika’y nalulungkot
At wala kang makaibigan
Puso mo ay may sandigan
Bulaklak

Mapapawi ang kirot
Paghapyos mo ng talulot
Ay ginhawa ang s’yang dulot
Bulaklak

Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
Ang bango ng bulaklak
Dulot sa ‘tin ay galak

- Kuh Ledesma

irisopen

Parehong kuha ito sa aming hardin nuong nakaraang taon. Ang unang Iris sa larawan ay 2 araw pa lamang at sarado pa. Nangigigil akong pitasin kaya lang mas gusto ko syang tingnan sa hardin. Pero nung ikatlong araw nya ay biglang umulan, hayan sya. Nakita kong bukas na at nagsisimula ng sirain ng patak ng ulan. Ano pa nga ba, e di sabay pitas pagkatapos ng shooting!

Happy LP Day!!

Comments

95 Responses to “LP 47: Bulaklak”
  1. purplesea says:

    sana makakita ako sa personal ng ganyang bulaklak. napaka-delicate ng kanyang itsura, at syempre kulay lilac sya, ang aking paboritong kulay.

    purplesea’s last blog post..LP 47: Bulaklak

  2. incoherent says:

    iba pumapasok sa utak ko pagkakita ko sa first pic :D

    incoherent’s last blog post..Litratong Pinoy: Bulaklak (Flower)

  3. anapb says:

    ang bulaklak. bow. ang number 1 na panuyo ng mga lalaki sa mga babae!
    happy thursday!

    anapb’s last blog post..Bulaklak para sa LP

  4. ~~jennyL~~ says:

    ang ganda ng pagkahuha ng ikalawang larawan..

    Magandang Huwebes; eto po lahok ko:
    http://jennys-corner.com/2009/02/lp-take-time-to-smell-flowers.html

  5. luna miranda says:

    wow, napakaganda ng bulaklak na ‘to. love ko yong 1st photo.

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: bulaklak (flowers)

  6. Dyes says:

    wow! ang gandang luntiang bulaklak :)

    happy birthday sa lahat ng mga may kaarawan :)

    happy hwebes po!

  7. Ken says:

    Good stuff!

    Ken’s last blog post..Bulaklak sa Ulan

  8. adinille says:

    isang mabulaklak na hwebes sa ating lahat!!! :mrgreen:

    ang ganda ng lahok na bulaklak dito!

  9. vanidosa says:

    Ako ay nagbalik upang muling bumati ng Happy LP. Bukod sa una kong lahok na http://www.mariegvergara.com/?p=569 , heto pa ang isa http://vanidosa.blogspot.com/2009/02/lp-47-bulaklak.html

    vanidosa’s last blog post..LP 47 : Bulaklak

  10. konting tiis na lang, spring na! panahon na ng mga iris na gaya nito! :cool:

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#40:bulaklak (flower)

  11. nice shots!

    mahilig ako sa bulaklak pero hindi naman ibig sabihin ay mahilig tumanggap nito. gusto ko lang na kunan ng larawan.

    (aba naman paborito kong subject muntik ko na makalimutan na hindi makasali sa kabisihan…)
    http://www.iskandals.com/edx/2009/02/26/lp47-bulaklak-sa-aming-hapagkainan/

  12. iska says:

    oops… nasa food blog ko po pala ang aking bulaklak entry. paumanhin po :-)

  13. Sreisaat says:

    Pahabol — wala kasing kuryente dito sa amin kaya hindi ako makapag-iwan ng komento dito! Paumanhin po.

    Ako rin na-experience ko ang pumitas ng bulaklak kahit na sumisigaw sa harapan ko ang karatulang “bawal pumitas ng bulaklak”. Sa sobrang kaba at nanginginig na kamay, halos maubos ang petals ng bulaklak habang pinuputol ko ito *lol*

    Ang entry ko naman ngayong linggo ay kakaibang bulaklak :)

  14. peachy says:

    kaaliw! ito nmn ang aking lahok

    peachy’s last blog post..LP 47: Bulaklak

  15. Jules says:

    ganda naman! ako naman, pag sinabing ‘bawal pumitas ng bulaklak’ di talaga ako namimitas hehe takot mahuli ng gwardia eh :lol:

    happy LP to all :-)

    Jules’s last blog post..Litratong Pinoy#019: Bulaklak

  16. Lynn says:

    ‘Yan ding kantang ‘yan ang nasa isip ko ng makita ko ang tema ngayong linggong ito. :)

    Lynn’s last blog post..Hardin (Garden)

  17. bang says:

    hay, muntik na akong di umabot sa tema ng linggong ito. :)

    Maligayang LP sa inyong lahat!

    bang’s last blog post..Litratong Pinoy: Bulaklak

  18. pining says:

    ang ganda talaga ng iris, at siempre maganda rin ang iyong kuha :smile:
    ako may pahabol din!

    pining’s last blog post..Bulaklak

  19. ruthay says:

    Eto po ang lahok ko sa linggong ito!

    “ubuka ang bulaklak…sasara ang bulaklak…”

    hehehe

    http://ruthay.net/2009/02/litratong-pinoy-4-bul-ak-lak-fl-ah-wer.html

    ruthay’s last blog post..Litratong Pinoy #4: Bul-ak-lak (Fl-ah-wer)

  20. MariTes says:

    ang ganda-ganda naman nyan!!

    MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#40 Bulaklak(Flower)

  21. isa sa paborito kong bagay ang bulaklak :) :razz:

    Stripe&Yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #37 (Bulaklak)

  22. Hinihintay ko na ang spring para maging makulay na ulit ang aming kapaligiran :)

    SomethingPurple’s last blog post..Litratong Pinoy #32 (Bulaklak)

  23. Ang danda naman.. late po ang aking entry:
    http://familiakhuletz.blogspot.com/2009/02/bulaklak-flowers.html

    FamiliaKhuletz’s last blog post..Bulaklak (Flowers)

  24. ganda na naman as usual. sana magkaron din ako ng kulay violet na bulaklak sa aking portfolio na ganung kaganda…haha portfolio daw o, parang pro

    HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Bulaklak (Flower) : 39th Litratong Pinoy

  25. Arlene says:

    nakikita ko ang pagmamahal ng Panginoon sa mga litrato na ito. Lalo na ang 2nd photo…it speak so much of love and beauty being shown to us by God.

    Magandang gabi! antok na ako as in pero habol muna ako ng entry ko kasi di na ako sigurado kung makapagpost pa ako sa office.

    Btw, have you seen a black flower? Yes or No, please drop the answer in my blog. Di pa ako nakakita ng itim na bulaklak. pero puti maraming beses na. How about you?

    Arlene’s last blog post..LP – Bulaklak

  26. ajay says:

    Happy LP everyone :)

    ajay’s last blog post..Litratong Pinoy 47: Bulaklak

  27. Kitchenmaus says:

    Mejo nahuli po, pero humabol pa…Happy LP!

    Kitchenmaus’s last blog post..Food Friday – Suppe

  28. Joy says:

    ang linaw ng pagkakakuha!! Ganda!
    Nahuli man ako ay nakahabol pa rin.

    Joy’s last blog post..LP: Bulaklak

  29. Mauie says:

    ganyan pala ang mukha ng iris. akala ko kasi puti ang bulaklak na ito. ang ganda ng mga kuha!

    eto po naman ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/02/litratong-pinoy-bulaklak-flower.html

    Mauie’s last blog post..Litratong Pinoy: Bulaklak (Flower)

  30. JO says:

    maligayang huwebes sa inyong lahat!!!

    JO’s last blog post..Litratong Pinoy: Bulaklak [Flower]

  31. Em Dy says:

    Maligayang Hwebes! Late ako ngayon, kababalik lang galing bakasyon!

    Em Dy’s last blog post..He Loves Me, He Loves Me Not

  32. Ethel says:

    ang ganda! Great shot.
    Eto lahok ko, medyo na late Friday na dito. :lol:
    Happy TGIF!

    Ethel’s last blog post..LP 4- Bulaklak

  33. beybigurl says:

    huli man daw at magaling… :P

    LP pa rin!

    http://beybi-gurl.blogspot.com/

    beybigurl’s last blog post..LP #46 :: Tipanan

  34. Linnor says:

    kahit sabado na, gusto ko pa rin humabol… :)

    Linnor’s last blog post..Flower ("Bulaklak")

  35. raqgold says:

    huli man daw, huli pa rin, hehehe

    ang aking lahok ay ang aking more than 8 years na parang fresh pa rin na wedding bouquet
    http://homeworked.blogspot.com/2009/02/bulaklak-pang-kasal-wedding-bouquet.html

    raqgold’s last blog post..Is she being bullied?

  36. bunnygirl says:

    huli man daw at magaling – huli pa din.

    sorry sa late post. busibusihan sa office eh. pero heto na ang aking bulaklak para sa nakaraang linggo!

  37. kengkay says:

    panalo sa kahulian ang aking bulaklakan :D
    http://kwentongkengkay.com/2009/03/01/kanya-kanyang-pick-up/

    kengkay’s last blog post..kanya-kanyang pick-up

  38. jes says:

    hay naku…late na ko…paanu ba nmn inantay ko pa ang kasal ng aking cousin in law kung saan flower gurl ang ank ko…sakto sana sa tema na ito hehehhe =) ang gnda nmnng bulaklak n yan…anu tawag dyan?

    jes’s last blog post..Tomorrow is the Day!!!

  39. jes says:

    wow ganda ng shot!!! anggaling tlga ninyong litratista…..=0 narito po ang aking lahok! =)

    jes’s last blog post..Tomorrow is the Day!!!

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Ang buwan ng Pebrero ay buwan ng pag-ibig maging sa pag-aadik ng mga litratista ng Litratong Pinoy kaya naman ang mga tema para sa buwang ito ay pawang mga may kinalaman sa pagmamahal at pagmamahalan – tsokolate, puso, tipanan – kung kaya naman ang tema para sa huling Huwebes ng buwang ito ay patungkol din sa pag-iibigan: BULAKLAK [...]

  2. [...] sa linggong ito, ang tema ay ‘bulaklak‘ at narito ang aking [...]

  3. [...] Para sa Litratong Pinoy na may temang Bulaklak. [...]

  4. [...] Ngayong linggo sa Litratong Pinoy, ang pinag-uusapan ay bulaklak. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled