LP 47: Bulaklak

February 26, 2009 by  
Filed under LP entries

Magandang Huwebes sa inyong lahat! Huwebes na kaya eto na naman tayo at magkakasama muli! Bago ang lahat, nais batiin ng L.P. ang ating mga miyembro ng nagdiwang, kasalukuyang nagdiriwang at magsisipagdiwang pa lang ng kanilang mga kaarawan:

Dinah: 1 | Inyang: 3 | Emir: 4 |  Jerome: 6 | Jeanny De Jesus: 15 | Aggietha: 16 | Ettey: 17 | Caryl: 20 |  Buge: 21 | Maru: 27 |  Babie: 28

—————————————————————————

Bulaklak, yan ang ating tema sa Huwebes na ito. Marami sa atin ang mahihilig dito. Mayroon din naman na hindi naeengganyo sa mga ito! Karamihan sa kanila na kilala ko ay pawang mga babae pa (tiyak tipid ang kanilang mga mister at boyfriend nitong nakaraang V Day.)

Ikaw ba, ano ang bulaklak para sa iyo? Hindi ako eksperto sa kanilang uri o kahulugan (gaya ng kulay dilaw daw ay selos ang ibig sabihin, puti ay para sa patay atbp.) Para sa akin ay walang kabuluhan ang isang hardin kung walang kulay ng bulaklak. Maging ano man ang kulay nito, ang bulaklak ay nagagamit upang mapaaliwalas ang isang lugar, kagaya na lamang ng mesa kung saan madalas kang nakaupo at naglalaro ng mga online games kagaya ng http://www.partycasino.com/, hanggang sa hapag kainan kung saan ay kasalo mo ay iyong pamilya na kumakain. Para sa akin ay sagisag ito ng kagandahan.

Naka-experience ka na ba na pumitas nito gayung nakalagay sa harap mo ang isang karatula na nagsasaad: “Bawal pitasin ang mga bulaklak dito” Nangyari sa akin yan maraming siglo *ehem* taon lang pala, ang nakaraan, nahuli ako ng bantay sa Camp John Hay sa Baguio City. Ang kulit kasi eh. Paano naman eh ang ganda nung gumamela at teenager pa lang ako nu’n..pasaway pa.

irisclose

Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
Ang bango ng bulaklak
Dulot sa ‘tin ay galak

Kung ika’y nalulungkot
At wala kang makaibigan
Puso mo ay may sandigan
Bulaklak

Mapapawi ang kirot
Paghapyos mo ng talulot
Ay ginhawa ang s’yang dulot
Bulaklak

Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
Ang bango ng bulaklak
Dulot sa ‘tin ay galak

- Kuh Ledesma

irisopen

Parehong kuha ito sa aming hardin nuong nakaraang taon. Ang unang Iris sa larawan ay 2 araw pa lamang at sarado pa. Nangigigil akong pitasin kaya lang mas gusto ko syang tingnan sa hardin. Pero nung ikatlong araw nya ay biglang umulan, hayan sya. Nakita kong bukas na at nagsisimula ng sirain ng patak ng ulan. Ano pa nga ba, e di sabay pitas pagkatapos ng shooting!

Happy LP Day!!

Next Page »