LP 40: Pula

January 8, 2009 by  
Filed under LP entries

pulanglaso11

Bago tayo magsimula ay nais munang batiin ng Litratong Pinoy ang ating mga miyembro na magsisipagdiwang ng kanilang mga kaarawan:

Lino: Jan 8 | Christine: Jan 9 | Maver: Jan 12 | Ian: Jan 13

Maligayang Kaarawan sa inyong lahat!

**********************************

Simulan na natin!

Nuong Pasko ay syempre pa, kahit si bantay ay may regalo! Yun nga lang ay nakalimutan kong ibigay ang isa sa 4 na kahon ng mga regalo nya nuong mismong araw ng Pasko! Mabuti na lang at habang naghahanap ako kanina ng bagay na ‘pula’ para makuhanan ng litrato ay sinabayan ko din ng pagliligpit (ng kalat sa loob ng bahay) at ayun! nakita ko ang kahon kung saan ay nanduon ang kanyang regalong dog treat na hugis buto! Mayroon itong pulang laso na syang nakikita nyo sa larawan.

Isa muling napakadaling tema, hindi ba?! Magandang Huwebes sa inyong lahat at simulan na nating ipakita ang ating mga akda na mapula!

« Previous PageNext Page »