Archive for January, 2009

Jan-29-2009

LP 43: Lila (violet)

ubegum

Mahilig ba kayo ngumuya ng chewing gum? Ano’ng brand ang paborito mo?

Hindi ako masyadong mahilig dito pero hindi nawawalan ang aking bag kapag ako ay umaalis ng bahay. Lalong-lalo na pagkatapos ng dinner date ay sinusundan ko ito ng pag-nguya ng chewing gum lalo na kung mint ang lasa.
Ang aking kabiyak ay ubod ng hilig sa chewing gum! Habang sya ay nagta-trabaho (software builder/programmer) ay panay ang nguya nya nito. Minsan ay tinanong ko sya kung hindi ba napapagod ang panga nya sa kakanguya, ang sagot nya ay nakakatulong ang pagnguya nito sa kanyang brain. Syempre pa ay tumaas muna ang kilay ko dahil hindi ko alam yun ah! Kaya naman naghanap ako ng article tungkol dito at ito ang isang linya ng nabasa ko:

To access your memory and concentration – become a master-learner …Chew Gum. What happens is that the act of chewing speeds up your heartbeat and blood pressure just enough to wake up both left-and right hemispheres to get “in-sync”, to work together.

Nakakaintriga ba? Sige, basahin mo lang ang kabu-uan ng lathala DITO.

Sa atin pong mga duktor na kasapi sa L.P., ano po ba sa palagay ninyo? may katotohanan kaya ito?

Maligayang araw ng L.P. sa inyong lahat, at huwag kalilimutang mag toothbrush matapos ngumuya ng bubblegum, ok?!

Posted under L.P.
Jan-22-2009

LP 42: Kahel (orange)

bata1

Ako: “Psst bata sandali,  kunan kita ng piktyur!” klik!

Bata: *tuloy  lang ang paglalakad nya*

bata2

Ako: “bata, ang kyut naman ng shades mo! saan mo nabili?”

Bata: *lakad pa rin sya*

bata3

Ako: *Napahataw sa noo! Hindi nga pala tayo magkakaintindihan~~, nyek!

Bata: *tuloy tuloy lang ang lakad*

Maligayang Huwebes sa inyong lahat, mga kasama!

~~Ang bata sa litrato ay isang Thailander.

Posted under L.P.

Jan-15-2009

LP 41: Asul

asul

Bukod sa dyamante, isa ang batong Sapphire na inasam kong magkaroon. Kahit isang manipis na singsing lamang na mayroong isang maliit nito sa gitna. Pero kahit anong kayod ko sa pagta-trabaho at kapag darating ang araw ng sueldo, ang singsing na may asul na bato ay pinipilit kalimutan dahil may higit na mas importanteng pagkakagastusan keysa sa bigyang halaga ang inaasam. ‘Darating din ang araw, pasasaan ba at magkakaroon din ako nyan‘, sabi ko na lang sa sarili ko.

Taon (madaming taon, tsk tsk) ang dumaan at aba! hindi ko akalaing magkakaroon ako nang hindi lang singsing na mayroon nitong asul na bato, pati na rin hikaw at palawit sa kwintas. Regalo po na aking kabiyak para sa aking ika- *beep beep* na kaarawan! Syempre pa, umani si kabiyak ng maraming pogi points dahil talagang binigyan nya ng katuparan ang aking matagal ng hiling, kahit ito ay liban pa sa kanyang kaalaman.

Ito po ang aking ASUL na akda. Maligayang Huwebes sa inyong lahat!

Sapphire according to wiki:

Sapphire (Greek: sappheiros) refers to gem varieties of the mineral corundum, an aluminium oxide (Al2O3), when it is a color other than red, in which case the gem would instead be a ruby. Trace amounts of other elements such as iron, titanium, or chromium can give corundum blue, yellow, pink, purple, orange, or greenish color. Pink-orange corundum are also sapphires, but are instead called padparadscha.

Because it is a gemstone, sapphire is commonly worn as jewelry. Sapphire can be found naturally, or manufactured in large crystal boules. Because of its remarkable hardness, sapphire is used in many applications, including infraredwatch crystals, high-durability windows, and wafers for the deposition of semiconductors, such as GaN nanorods and blue LEDs.

continue reading here

Posted under L.P.