Dec-17-2008

LP 38: Karoling

Malapit na ang araw ng Pasko! Feel na feel nyo na ba? Bago tayo magsimula ay nais muna batiin ng Litratong Pinoy sila Teys: Dec.18 at Alpha: Dec. 19 na magseselebra ng kanilang kaarawan sa linggong ito. Mabuhay at Maligayang Bati sa inyong 2!

—————————-

Karoling! Kumpleto ba ang kapaskuhan kung wala tayong naririnig na mga karoling? Mula sa radio, telebisyon o sa mga nanga-ngaroling hindi lang sa mga malls o harap ng ating mga bahay? Hindi kumpleto kapag wala nito, di ba? Ito nakakapagpasaya pa lalo sa panahon na ito. Masarap silang pakinggan at panoorin. Nakakaengganyo ang marami sa kanila. Nakikikanta pa nga tayo dahil halos alam natin ang mga awiting pamasko.

Subalit may isang klase ng pangangaroling na hangga’t maari ay hindi natin nais masaksihan. Ito ay ang nakikita mo sa mga larawan na sumusunod. Makabagbag damdamin, hindi ba?

k1copy

Mga batang itinataya ang mga buhay para lamang sa maliit na halaga na walang kasiguraduhan na ibibigay sa kanila ng mga may-ari ng mga sasakyang ito.

k2copy

‘Karoling’ na imbes na tunog ng kasiyahan ang ihatid sa makakarinig ay kalungkutan ang dulot. Maliliit na tinig na tila ba ay ayaw nating marinig! Sa iba pa ay may kalakip na iritasyon lalo na kung halos yakapin na ng mga musmos ang salamin na kanilang mga sasakyan dahil sa pagpupumilit na mabigyan ng konting halaga man lang.

k3copy

Bigyan mo sila ng kahit kaunting pang-unawa sa susunod na makita mo sila, kaibigan.

Magandang Huwebes po sa inyong lahat!

**Maraming salamat kay T. Julie sa kanyang naggagandahang larawan na kusang loob na ipinagkatiwala sa Litratong Pinoy. **

BAKASYON PO TAYO SA SUSUNOD NA HUWEBES. SA UNANG HUWEBES NG ENERO NA PO TAYO MAGKIKITA-KITA MULI KAYA BALIKAN NA LAMANG PO NINYO ANG ANUNSYO NG SUSUNOD NA TEMA. Maraming salamat po.
MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA ATING LAHAT! Ingat po kayo sa mga paputok.

Posted under L.P.

  1. peachkins Said,

    Uy nauna yata ako….

    Nakakalungkot naman ang entry mo ngayong Huwebes.Sana ang mga batang iyan ay makaranas din ng Maligayang Pasko..

    Nandito po ang aking lahok.

    Magandang Huwebes!

    peachkins’s last blog post..More pictures from The Greenery


  2. Meeya Said,

    dahil absent ako last week, maaga ako ngayon! :)

    masyado akong affected sa mga litrato sa itaas. hindi ko ma-imagine ang aking sariling anak na siyang magkakaroling sa kalsada katulad niyan. nakakalungkot. :(

    bakit nga ba ang isang dapat sana’y masayang tradisyon ay nagiging simbolo na ng paghihikahos. sana ang darating na bagong taon ay magdudulot ng panibagong pag-asa para sa lahat, lalo na sa kanila.

    maligayang pasko sa lahat! at manigong bagong taon din po! :)

    Caroling sa MyMemes
    Caroling sa MyParty

    at ihahabol ko na rin po ang lahok ko para sa mahalagang regalo nung nakaraang linggo.

    Mahalagang Regalo sa MyMemes
    Mahalagang Regalo sa MyParty

    salamat!

    Meeya’s last blog post..LP37: Mahalagang Regalo [Precious Gift]


  3. Jay Said,

    sana ako yung una….

    sana hindi gas-gasan nang karoler yung sasakyan pag di sya nabigyan ng pamasko

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)
    Jay’s last blog post..LP # 38: Karoling (Christmas Carols)


  4. Pinky Said,

    Makabagbag-damdamin naming karoling ito! :(

    Sana nga ay maantig naman ang ating mga puso upang matulungan ang mga higit na nangangailangan.

    Maligayang LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #38: Karoling


  5. Munchkin Mommy Said,

    Nakakaawa ngang talaga ang mga batang nangangaroling sa mga sasakyan. Napakadelikado ng gawain nilang iyan. Ngunit hindi rin naman maiaalis sa kanila ang kagustuhan kumita.

    Sa kabila ng may kalungkutang mga larawang nakalathala dito sa LP, binabati ko kayo ng Magandang Huwebes! :)
    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #38: Karoling


  6. Stripe&Yellow Said,

    nahomesick ako sa aking lahok :(
    http://www.stripeatyellow.com/2008/12/litratong-pinoy-30-kakaibang-karoling.html

    Stripe&Yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #30 (kakaibang karoling)


  7. Mapped Memories Said,

    anong gamit niyo noon sa pangangaroling? ang lahok ko’y mga instrumento sa pangangaroling. mga manganganta na lang ang kulang. tara na! :)
    Mapped Memories’s last blog post..LP #38: Karoling (Caroling)


  8. Something Purple's Cucina Said,

    kakaibang karoling!

    http://www.elegancefoodandwine.com/2008/12/litratong-pinoy-24-karoling.html

    Something Purple’s Cucina’s last blog post..Litratong Pinoy #24 (Karoling)


  9. Aggie Said,

    After 10 million years, nakasali uli ako :D
    http://www.aggietha.com/2008/12/17/lp-38-karoling/

    Aggie’s last blog post..LP 38: Karoling


  10. raqgold Said,

    hanggang ngayon may ganyan pa rin. ang mga batang musmos na nakikipatintero sa EDSA para lang may malimos at may maiuwing pagkain sa bahay nila. nakakalungkot. pero sana magkaron ng pagkakataon na mabigyan ang bansang pinas ng magandang bukas…

    ang aking lahok naman ay tungkol sa mga ibang klaseng carolers tulad ng kamelyo
    http://homeworked.blogspot.com/2008/12/street-carolers.html

    raqgold’s last blog post..Our Christmas Tree 2008


  11. julie Said,

    Salamat sa pag-feature ng mga larawang nakunan namin :)

    Dalawang mukha po ng karoling ang nasa lahok ko.

    Maligayang Huwebes sa inyong lahat! :happylol:

    julie’s last blog post..Jingle Bells


  12. sugarplumfairy_lyn Said,

    Tuwing nakakakita ako ng ganito natatakot ako sa kapakanan ng mga bata.

    Ang aking blog ay nangangaroling din!

    sugarplumfairy_lyn’s last blog post..Karoling (Christmas Carols)


  13. ShutterHappyJenn Said,

    Naku…napaka-risky naman ng ginagawa nila!

    Ang aking lahok ay naka-post na rin.

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Karoling (Christmas Carols)


  14. adinille Said,

    Maligayang Pasko, mga ka-LP! :)

    sa mga nagsidalaw sa aking website, isang awitin ang inihahandog ko sa inyo:

    “TENGKYU… TENGKYU… ANG BABAIT NINYO, TENGKYU!” :happylol:

    magkita-kita uli tayo sa susunod na taon! :wink:


  15. Cookie Said,

    maaga ako ngayon!! yehey!!

    eto lahok ko…Karoling

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Karoling


  16. Ethel Said,

    baguhan lang po dine at eto ang aking unang lahok.

    Kawawa naman ang mga musmos na yan :( baket naman kase anak ng anak pa ang mga nanay tsk tsk… sana manalo ako ng lotto ngayong pasko para bigyan ko ng mga television ang mga nanay at tatay para may mapaglibangan sila. lol

    Ethel’s last blog post..LP 38: Karoling


  17. cheh Said,

    Naku bzing bz ang lahat!heto aking lahok,naka blag din habang nag bibi-bake ng cake!:) Happy Pasko sa lahat!

    cheh’s last blog post..Litratong Pinoy 8: Karoling (Christmas Carols)


  18. JoyD Said,

    Feel na feel ko na ang Pasko!!!!! ay oo nakaka antig ng kalooban ang litrato na iyan…
    Eto ang aking lahot http://aussietalks.com/2008/12/litratong-pinoy-karoling.html

    JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy ( Karoling)


  19. MariTes Said,

    Nangangaroling po! Pwdng po hindi piso lang ang ibigay? :wink:
    MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#31 Karoling (Caroling)


  20. LP: Karoling - Jeprocksdworld Said,

    [...] iba pang mga kalahok ay makikita sa Litratong Pinoy You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, [...]


  21. Jeprocks Said,

    Here’s my entry!!!Thank you Thank you! ambabait ninyo Tenk yu!
    http://jeprocksdworld.com/lp-karoling/

    Jeprocks’s last blog post..LP: Karoling


  22. luna miranda Said,

    great post! hindi ko lubos maisip kung pa’no naatim ng mga magulang payagan ang mga batang ito na mag-karoling sa kalsada. ang ibang bata naman, ginagawa na rin hanapbuhay ‘to…

    luna miranda’s last blog post..Wordless Wednesday: Rainbow


  23. farah Said,

    absent po ako non nakaraang linggo kaya bawi ngayon :0

    http://www.wifeynibangis.com/2008/12/litratong-pinoy-38-carolling-and.html

    farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.


  24. farah Said,

    another entry from me :)

    http://www.myorangekitchen.com/2008/12/lp-4-carollers-in-air.html

    farah’s last blog post..lp # 4 - carollers in the air


  25. fortuitous faery Said,

    kakagaling ko lang ng pilipinas pero wala akong nakuhanang nangangaroling…nakarinig lamang ako nito. hehe.

    ito na lamang ang pinakamalapit kong litrato sa kategorya ngayong linggo…isang korong umaawit sa loob ng st. patrick’s cathedral sa new york city.

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/12/litratong-pinoy33karoling-caroling.html

    fortuitous faery’s last blog post..mmmbop…bibimbap!


  26. biang Said,

    Maligayang Pasko, mga kaibigan!!

    Na-miss ko na talaga ang mga nangangaroling sa Pilipinas.

    Ito po ang aking lahok!

    http://sippincoffee.wordpress.com/litratong-pinoy/karoling/

    biang’s last blog post..LP - Karoling


  27. Thesserie Said,

    Kalunos lunos na imahen. Isang bilib ko sa mga batang ito ay walang takot na masagasaan ng sasakyan! Napakahirap maging mahirap talaga, pero ito ang katotohanan ng marami sa atin sa Pilipinas. :sad: ganunpaman….

    MALIGAYANG PASKO MGA KA-L.P.! SANA NAMAN AY MAGING MASAYA ANG ATING KAPASKUHAN AT MAGING MASAGANA ANG ATING 2009!

    Thesserie’s last blog post..Karoling. The Dutch way. (LP 38)


  28. Em Dy Said,

    Naisip ko din sila para sa temang ito pero parang mas okay bigyan yung may ginagawa at di lamang nanglilimos. Hanga ako sa mga tumutugtog sa sidewalk at kumakanta. Di ba sabi nga, dapat imbes na bigyan ng isda, dapat turuang mangisda?

    Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Himig Pasko


  29. maver Said,

    aking panalangin na kahit papaano ay matikman nila ang saya at diwa ng pasko.

    eto po ang aking lahok…
    http://maver.wifespeaks.com/2008/12/lp-36-karoling.html


  30. CES Said,

    salamat kay TJ at nasilayan namin muli ang ganitong scenario sa atin:) my day late entry is up peeps!:)

    CES’s last blog post..Litrato: karoling


  31. Mauie Said,

    narito po ang akin. pasensya na at di malinaw ang kuha.
    http://mauieflores.blogspot.com/2008/12/litratong-pinoy-karoling.html


  32. Shuttercow Said,

    Habol po ako. Hindi ko ma-access ang LP site kagabi e. Bakit po kaya?

    Ito po ang Karoling sa Shuttercow

    Maligayang pasko sa lahat!

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #38: Karoling


  33. ian Said,

    mmm mukhang busy na talaga ang mundo, ang usual suspects sa LP ay parang missing in action… nangangaroling din kaya sila? =]

    humabol lang din sa LP… isang makabuluhan, ligtas, at masayang pagdiriwang sa lahat! =]

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy: KAROLING


  34. iris Said,

    ako nama’y huli ng magcomment. hangga’t maaari hindi talaga ako nagbibigay ng pera sa mga “nangangaroling” sa daan. buti pang pagkain ang ibigay mo. at least sigurado kang di mapupunta sa masama ang bigay mo.

    ito na ang money shot ko! :)
    iris’s last blog post..Namamasko po! [lp]


  35. Girlie Said,

    ganda ng mga litrato Teach ah. Buti ka pa natyi-tyempuhan mo sila.


  36. jes Said,

    sadyang maluppit na nga ang mundo ngyun…nakakaawa ang mga batang iyan…pero bilib ak at nakuhana mo sila…nais ko dn sana kuhanan ang mga badjao n nagkalat sa malabon ngnit sadyang nakakatakot maglabas ng cam sa kalsada =( Maligayang PASKO sa inyong lhat!!!


  37. jes Said,

    eto na po ang isa ko pang lahok! =) salamat! at maligayang pasko po ulit!

    jes’s last blog post..WS : Lots of Blessings for My Lil Angels


  38. Jeanny Said,

    maligayang Pasko Po sa Lahat!!!!

    Jeanny’s last blog post..Random things before Christmas


  39. Ken Said,

    Maligayang taon at sana’y manigo ang inyong paskong nakalipas. Tama ba ‘yun?

    Huli man daw, magaling pa rin … Slipinibinlipis ang aking lahok dito.

    Ken’s last blog post..Slipinibinlipis


  40. Lizzieness Said,

    maligayang pasko sa inyong lahat!!!

    ang saya ng pasko!!

    http://lizzieness.info/?p=144

    Lizzieness’s last blog post..Happy Birthday!

Mag-iwan ng Komento

Paalala: Hindi po kailangan na ulit-ulitin ang pag-iwan ng komento. Salamat po.

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word