LP 37: Mahalagang Regalo

December 10, 2008 by  
Filed under LP entries

Bago ang lahat, nais pong bumati ng Litratong Pinoy ng MALIGAYANG KAARAWAN sa mga sumusunod na miyembro. Nawa’y makamtan nyo ang maraming taon pang pagdiriwang!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano ba ang unang sumagi sa isip mo kapag tinanong ka kung ano ang pinakamahalagang regalo na natanggap mo sa buhay mo? Natural na marami sa atin ay sumambit ng mga pisikal at materyal na bagay upang masagot ito. Andyan na sambitin mo ang bahay na ipinagawa para sa iyo ng iyong magulang o kabiyak. Nandyan na sambitin mo ang bagong kotse sa garahe na natanggap mo nuong iyong kaarawan. Mahahaling relos na Rolex, tipong hindi mo na hinuhubad dahil talagang mahalaga ito sa iyo hindi lamang sa ubod ng mahal kundi napapalibutan ito ng mga dyamante na kapag natutunghayan ng mga tao ay napapanganga sila sa paghanga! Nakakatuwa talaga at sadyang iniingatan natin ang mga regalong ito.

Pero mayroon din naman sa atin na sumasambit ng hindi piskal o materyal na bagay bilang pagsagot sa tanong na ito. Tayong mga naniniwala na kung hindi Ibinigay ng Panginoong Ama ang Kanyang Anak na si Jesus ay hindi mahuhugasan ang ating mga kasalanan. Na dahil kay Jesus tayo ay maaring magkaroon ng buhay na walang hanggan.Tanggapin lang Sya sa ating mga puso, manalig na Sya ay namatay para sa atin dahil sa Kanyang walang katumbas na pagmamahal.

May hihigit pa ba sa regalong ito ng isang Ama?

NOTE: * Sa atin pong mga kasamang miyembro sa Litratong Pinoy na may ibang paniniwala gaya ng Iglesia ni Kristo, Muslim, Saksi ni Jehovah at iba pa, ang paksang ito ay hindi isang panghihikayat kundi isa lamang pong akda na angkop sa ating tema. Maraming salamat po *

MAGANDANG HUWEBES PO SA INYONG LAHAT!!

Comments

59 Responses to “LP 37: Mahalagang Regalo”
  1. ian says:

    amen! regalong walang kapantay! =] mabuhay ka =] maligayang huwebes!

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy (LP): EKSAYTED!

  2. inyang says:

    huli na naman po ako at naghahabol … pero nakahabol pa din naman :)

    eto po ang mahalagang regalo ko …

    inyang’s last blog post..LITRATONG PINOY: mahalagang regalo

  3. ipagpaumanhin po ang aking late na lahok dahil kababalik ko lang mula sa isang maikling bakasyon sa pilipinas…iba pa rin talaga ang paskong pinoy! :)

    narito ang aking mahalagang regalo na sana ay masagana nating matamo:

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/12/litratong-pinoy32mahalagang-regalo.html

    fortuitous faery’s last blog post..pacman land, here i come!

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] iba pang lahok ay nandito. Magandang Huwebes mga [...]

  2. [...] Para sa ika-37 edisyon ng Litratong Pinoy na may temang Mahalagang Regalo. [...]

  3. [...] ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong linggo na may temang Mahalagang Regalo. Happy LP sa inyong lahat! December 12th, 2008 in Photo Meme, [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge