Tema para sa Enero 1, 2009!
Kumusta mga kasama?! Sana naman ay naging masaya ang inyong Kapaskuhan! Na missed nyo ba ang L.P.?
Bumabati ang Litratong Pinoy ng isang
MASAGANANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!

“Freestyle” po ang ating bagong tema, ibig sabihin ay kayo na ang bahalang umisip ng mga larawan na nais ninyong ipamahagi. Para ‘magaan’ ang pasok ng 2009, gawin nating madali ang tema, diba?! Basta wala lamang pong naka birthday suit na photo, kundi ay magagalit ang mga lolo at lola!
Magkita-kita tayo sa darating na Huwebes at mag-ingat kayo sa mga paputok, ok?!

