LP 37: Mahalagang Regalo

December 10, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Bago ang lahat, nais pong bumati ng Litratong Pinoy ng MALIGAYANG KAARAWAN sa mga sumusunod na miyembro. Nawa’y makamtan nyo ang maraming taon pang pagdiriwang!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano ba ang unang sumagi sa isip mo kapag tinanong ka kung ano ang pinakamahalagang regalo na natanggap mo sa buhay mo? Natural na marami sa atin ay sumambit ng mga pisikal at materyal na bagay upang masagot ito. Andyan na sambitin mo ang bahay na ipinagawa para sa iyo ng iyong magulang o kabiyak. Nandyan na sambitin mo ang bagong kotse sa garahe na natanggap mo nuong iyong kaarawan. Mahahaling relos na Rolex, tipong hindi mo na hinuhubad dahil talagang mahalaga ito sa iyo hindi lamang sa ubod ng mahal kundi napapalibutan ito ng mga dyamante na kapag natutunghayan ng mga tao ay napapanganga sila sa paghanga! Nakakatuwa talaga at sadyang iniingatan natin ang mga regalong ito.

Pero mayroon din naman sa atin na sumasambit ng hindi piskal o materyal na bagay bilang pagsagot sa tanong na ito. Tayong mga naniniwala na kung hindi Ibinigay ng Panginoong Ama ang Kanyang Anak na si Jesus ay hindi mahuhugasan ang ating mga kasalanan. Na dahil kay Jesus tayo ay maaring magkaroon ng buhay na walang hanggan.Tanggapin lang Sya sa ating mga puso, manalig na Sya ay namatay para sa atin dahil sa Kanyang walang katumbas na pagmamahal.

May hihigit pa ba sa regalong ito ng isang Ama?

NOTE: * Sa atin pong mga kasamang miyembro sa Litratong Pinoy na may ibang paniniwala gaya ng Iglesia ni Kristo, Muslim, Saksi ni Jehovah at iba pa, ang paksang ito ay hindi isang panghihikayat kundi isa lamang pong akda na angkop sa ating tema. Maraming salamat po *

MAGANDANG HUWEBES PO SA INYONG LAHAT!!