LP36: Eksayted! (excited)

December 3, 2008 by panauhing_litratista  
Filed under LP entries

Magandang Huwebes, mga kasama! Huwebes na naman at ibig sabihin nito ay araw na naman upang magsalo-salo tayo sa kasiyahan dito sa Litratong Pinoy!

Ngayong Huwebes na ito ay mayroon po tayong panauhing litratista, siya po ay si Rose ng Revolution Motion.com Nagselebra po sya ng kanyang kaarawan kahapon kaya’t samahan po ninyo akong sya ay batiin ng Maligayang Kaarawan at atin din po syang salubungin ng mainit na pagtanggap para sa ating tema ngayong Huwebes. Umpisahan na po natin!

—————————————————————-

Ano ang pumapasok sa isip mo kapag narinig mo ang salitang Excited? iba iba ang interpretasyon di ba?  Excited dahil nakakuha ng magagarang regalo, Excited dahil me na achieved? Excited dahil masaya, Excited dahil makikita mo na ang matagal mo ng hinde nakikita at kung ano ano pa.. pero kadalasan, at sa tingin ko naman ay  kalimitan… kapag Excited ka,. ang una mong gagawin ay tumalon sa tuwa!

ang taas nyang tumalon ano?

Ang litrato naman sa ibaba ay isa sa mga exciting moments ko kumbaga, bilang mahilig sa pagkuha ng larawan. Napaka exciting para sa akin na makunan in action ang ibon na ito na biglang nag dive sa tubig ng makakita ng isda! Mga simpleng bagay gaya nito ang nakakapag excite sa isang tulad ko na laging may bitbit na camera ha ha ha!

… Kaya eto po Mga ka LP,. ang aking entry sa linggong ito… ito po ang inyong panauhing pandangal… este litratista sa araw na ito.. si Rose po ng revolutionmotion.com