LP 34: Madumi

November 19, 2008 by  
Filed under LP entries

Magandang Huwebes sa inyong lahat, mga binibini, ginang, at ginoo ng Litratong Pinoy! Sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayang lahat at excited na sa pagsisimula ng ating palaro ngayong araw na ito. Sa mga nagpupuyat po talaga at naghihintay ng pagsapit ng alas dose ng hatinggabi sa Pilipinas, siguro ay nakakailang tasa na rin kayo ng kape, ano po? Salamat po sa matiyaga ninyong pagsubaybay. Sa mga kasamahan naman po natin na nasa iba’t ibang parte ng daigdig, malamang ay hindi pa Huwebes sa inyong lugar subalit maraming salamat din sa inyong maagang paglahok. Umpisahan na natin!

Matanong ko kayo, may mga bagay ba kayong natanggap mula sa mga nakatatanda o ninuno ninyo na sa kalumaan ay natural, hindi na ito malinis? Katulad ng nasa larawan?
Ipinamana ito sa akin, sinabing halos dalawangpu at limang taong gulang na ang lente na ito. Hindi na ako nagtataka kung may kadumihan ang kanyang katawan. Sa edad nyang ito ay masasabi kong madami na syang pinagdaanan.  Marami ng tao, lugar, hayop, atbp na nasilip ng kanyang mga babasaging lente sa loob. Mga ‘captured memories‘  na ika nga ay nagbigay kasiyahan o malamang minsan ay kalungkutan sa unang may-ari nito.

Wala akong balak linisin ang katawan ng lenteng ito. Ito ay isang uri ng dumi na nais kong mapanatili at kung sakali mang ipasa ko ito sa iba sa darating na panahon, iku-kwento ko sa kanya ang pinaggalingan at dating may-ari ng lenteng ito.

« Previous PageNext Page »