LP 34: Madumi
November 19, 2008 by admin
Filed under LP entries
Magandang Huwebes sa inyong lahat, mga binibini, ginang, at ginoo ng Litratong Pinoy! Sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayang lahat at excited na sa pagsisimula ng ating palaro ngayong araw na ito. Sa mga nagpupuyat po talaga at naghihintay ng pagsapit ng alas dose ng hatinggabi sa Pilipinas, siguro ay nakakailang tasa na rin kayo ng kape, ano po? Salamat po sa matiyaga ninyong pagsubaybay. Sa mga kasamahan naman po natin na nasa iba’t ibang parte ng daigdig, malamang ay hindi pa Huwebes sa inyong lugar subalit maraming salamat din sa inyong maagang paglahok. Umpisahan na natin!
Matanong ko kayo, may mga bagay ba kayong natanggap mula sa mga nakatatanda o ninuno ninyo na sa kalumaan ay natural, hindi na ito malinis? Katulad ng nasa larawan?
Ipinamana ito sa akin, sinabing halos dalawangpu at limang taong gulang na ang lente na ito. Hindi na ako nagtataka kung may kadumihan ang kanyang katawan. Sa edad nyang ito ay masasabi kong madami na syang pinagdaanan. Marami ng tao, lugar, hayop, atbp na nasilip ng kanyang mga babasaging lente sa loob. Mga ‘captured memories‘ na ika nga ay nagbigay kasiyahan o malamang minsan ay kalungkutan sa unang may-ari nito.
Wala akong balak linisin ang katawan ng lenteng ito. Ito ay isang uri ng dumi na nais kong mapanatili at kung sakali mang ipasa ko ito sa iba sa darating na panahon, iku-kwento ko sa kanya ang pinaggalingan at dating may-ari ng lenteng ito.



Ang galing! Di ko na isip to ah:) Mine is up!~
Naku, antigo na yan pero siguradong mahusay pa rin. Ang gaganda kasi ng kuha mo. Ang dumi dyan sa lente ay parang wrinkles ng mukha, maraming kasamang alaala. Magandang Hwebes!
Em Dy’s last blog post..Psst, Ingat!
wow. na buhay pa ang lenteng ito ay patunay sa maingat at mapagmahal na katauhan ng nagpamana at pinamanahan nito… mabuhay ka at maligayang huwebes =]
ian’s last blog post..Litratong Pinoy (LP): MADUMI
Maswerte po kayo sa inyong “maduming” namana. Sigurado akong maraming magagandang larawan ang makukunan mo dahil dito. :l:
Happy LP!
Hindi po ako napupuyat sa LP. Tamang-tama lamang lagi ang dating ko sa bahay. Keep it up!
Eto po ang lahok ko — http://siteseer.blogspot.com/2008/11/ewww-at-gare-du-nord.html
Ang lolo ko ay mahilig ring magkuha ng litrato. Sa aking pagkakatanda, nasa kapatid ko ang kaniyang camera. Manuwal iyon! Ewan ko lamang kung umaandar pa.
Hapi Huwebes!
ps: May utang pa akong pagbisita sa mga kasama sa LP! Pasensya na at late na naman sa pag dalaw. Babawi ako, pramis!
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #34: Madumi
magandang huwebes sa lahat!
ito po sumasaling muli, hehehe at nawala na ako sa listahan ( sana listahan na lang iyon ng utang mas masaya heheh)…
meron akong nabiling lumang camera am still keeping it at ayon ang dumi – eh parang inaamag na hahha… unang SLR at minsan lang nagamit, nasira agad – dahil nga second hand… ( hindi marunong gumamit marahil..) pero remembrance syempre…
ito po ang link ng aking lahok:
http://peterahon.blogspot.com/2008/11/taean-oil-spill-clean-up.html
LP: Welcome back! :happylol:
naaalala ko, nung nasa kolehiyo ako, pinamanahan ako ng aking lola ng isang Roliflex na gamit nya nung sya’y miyembro ng Camera Club of the Phils. Bagamat sira sya at di na magamit, napakahalaga nun para sa akin dahil alam kong pinagkatiwala nya sa kin ang isang pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay. Mabuhay ang ating mga ninuno!
Eto po ang aking maduming lahok…
http://maver.wifespeaks.com/2008/11/lp-32-madumi.html
ito naman ang isa sa aking pinakaayaw na gawaing bahay na kontra dumi.
maligayang paglilitrato!
Mapped Memories’s last blog post..LP #34: Madumi (Dirty)
e ako yata ang pagpapasahan mo nitonglenteng ito e:) ha ms. admin, ha!:)
ces’s last blog post..Litratong Pinoy: Madumi
LP: Canon po DSLR nyo, for Pentax film camera po ito ha ha!
wow antigong lente! medyo maaga pala ako…mine’s up, too.
good morning!
luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: Madumi
Pwede pa kayang ibenta yan? :l:
Happy LP, everyone!
Thesserie’s last blog post..Madumi (LP 34)
Nakaconnect din ako sa wakas…meron din aong maduming SLR (Canon T60) camera na binigay sa akin ng tatay ko, hanggang ngayon kahit mejo basag na ang body at madumi na ang loob di ko pa din tinatapon…mahal ko kasi! :love:
Happy LP!
Uy, dapat talaga na itago mo ito…
http://www.thefickleminded.com/2008/11/lp-marumi.html
nina’s last blog post..LP – Kinagisnan
Wow! Antigo na yang lenteng iyan! pero hindi ba’t mas maganda nga raw ang mga lente dati kasi mas matibay. Puro plastic na daw kasi ngayon.
Ito ang lahok ko:http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/11/lp-madumi-dirty.html
Joy’s last blog post..LP: Madumi (Dirty)
ang “dumi” minsan ay nakakadagdag ng karakter sa isang bagay.
magandang araw sa inyong lahat!
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy31madumi-dirty.html
oo nga, ako din hindi ko rin nililinis yung mga lumang bagay dito sa bahay pero dun e dahil tamad lang po ako, hehe
eto ang aking lahok – kung madumi o hindi nga ba ang mga street food
http://homeworked.blogspot.com/2008/11/madumi-o-hindi-dirty-or-not.html
raqgold’s last blog post..Halloween Decors Mostly for Free
wow! macro lens!
hindi naman sya mukhang madumi, pero halatang worn-out na yung focusing/zoom ring. ang dami na sigurong astig na macro shots ang nakunan nyan ano?
anyway, mayroon din po akong lahok. at andito sya..
http://shuttered-world.com/index.php?showimage=31
pasensya na kung hindi naging aktibo noong mga nakaraang linggo. magandang araw sa sa lahat!
Eto ang aking lahok para sa linggong ito:
http://www.etc-atbp.com/2008/11/litratong-pinoy-madumi/
Mitch – Etc Atbp’s last blog post..Litratong Pinoy : Madumi
Share ko itong super dumi na house: http://www.houston-imports.com/forums/showthread.php?t=486938.
G_mirage’s last blog post..Ruby Tuesday – Sleepyhead
antigo, pero mukhang bago pa; iningatan niyo talaga ha
pining’s last blog post..The YouTube thingy I watch regularly
NICE lens, bihira na ang ganyan ngayon!
Maligayang LP sa inyong lahat :happylol:
NeLL’s last blog post..Litratong Pinoy #34: Madumi
wow, ingatan mo yan..maipapamana mo rin yan balang araw
eto po ang aking lahok
happy LP!
Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Madumi
meron na akong lahok para ngayon. :happylol:
FickleMinded’s last blog post..LP#8:Madumi
OO nga, antique na ito… dapat ingatan at itago para sa susunod na henerasyon…. magandang ipamana ito…
eto naman ang aking lahok http://aussietalks.com/2008/11/litratong-pinoy-madumi.html
magandang araw sa inyong lahat
JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy ( Madumi)
Maganda ngang ipamana yan sa bagong henerasyon,,, mga dumi na saksi sa mga pangayayari sa buhay eto sa akin http://aussietalks.com/2008/11/litratong-pinoy-madumi.html
JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy ( Madumi)
Nakasali din ulit! Heto po ang aking lahok: http://leahjoseph.com/2008/11/20/lp-madumi-dirty/
Para din siguro yang mga kulubot sa mukha ng tao na sinasabing mas nakakadagdag ng karakter sapagkat nagpapahiwatig ang mga ito ng iba’t ibang kuwentong buhay…yan ay kung hindi nagpa-Belo o Calayan – hehehe! :beh:
Magandang LP sa lahat!
Pinky’s last blog post..LP #34: Madumi
para ding tao ano..tumatanda nagkakaroon ng hiwatig ng pagdaan ng taon pero sigurado akong andami na niyang nagawa. magandang LP sa lahat!
marites’s last blog post..Litratong Pinoy# 27 Madumi(Dirty)
OK yan, makapractice sa manual focusing.
Ken’s last blog post..Maruming karne noong sinapupunan
happy lp sa lahat, pasensiya na hindi ako nakakadalaw, medyo naging busy eh. pero pramis, try ko makaikot this week
sana’y hindi madungisan ng aking pagiging delinkwente ang pagmamahal niyo sa akin… naks!
Marumi sa MyMemes
Marumi sa MyParty
Ako madalas tamad talaga maglinis. Hahahah..
Naka-post na rin ang lahok ko.
ShutterHappyJenn’s last blog post..Madumi (Dirty)
ang galing, isang antigond lente na iyan, di naman kadumihan pero kailangan na nga ng linis.
eto aking mga lahok ngaong linggo:
http://butchay.clarkph.com/?p=576
meron din dito:
http://clarkph.com/?p=302
at dito:
http://butcholle.blogspot.com/2008/11/lp-dirty.html
magandang hwebes sa lahat
butchay’s last blog post..Milettes Contest – Belle de Jour 2009 Planner
hindi naman masyadong halata na ito ay madumi na…ito po ang aking unang paglahok, sana ay inyong mabisita! salamat in advance!
cakesandladders’s last blog post..Litratong Pinoy-Madumi
Ganda ng lahok mo, Ms. LP!
sugarplumfairy_lyn’s last blog post..Madumi (Dirty)
andito ang entry ko: http://nonstandardized.com/lifelog/?p=1958
pero pramis dadalaw ako.
bukas na po ako makakadalaw sa inyong mga blags, medyo busy lang.
pao’s last blog post..LP #34: Madumi
Sali ako dito! :beh:
jher’s last blog post..Litratong Pinoy 34: Madumi
NANDITO ANG LAHOK KO:
http://monkeymonitor.blogspot.com/
MALIGYANG LP:)
sali din ako
http://certifiedpinoy.blogspot.com/2008/11/door-knob.html
dapat nga ay malinis upang maalagaan ng husto ang mga gamit gaya nito.. masdan ang aking lahok dito..On our art activity. We usually spend bonding time on saturdays doing artworks. We have fun creating wonderful piece of art, and little J have more fun goofing around afterwards.
See other dirty entries here and here.
architect’s last blog post..Madumi
oo wag mo linisin di naman kadumihan eh
maligayang LP!
http://www.stripeatyellow.com/2008/11/litratong-pinoy-26-madumi.html
Stripe&Yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #26 (madumi)
Sali din ako ngayong linggo…
http://sreisaat.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-17-madumi.html
Sana magustuhan ninyo
ZJ’s last blog post..Litratong Pinoy #17: Madumi
Maligayang LP!
http://www.elegancefoodandwine.com/2008/11/litratong-pinoy-20-madumi.html
Something Purple’s cucina’s last blog post..Litratong Pinoy #20 (Madumi)
Ako rin…
http://sreisaat.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-17-madumi.html
Sana magustuhan ninyo
ZJ’s last blog post..Litratong Pinoy #17: Madumi
ang ganda naman dumi nyan!! gandang araw!
anapb’s last blog post..Marumi para sa LP
magandang huwebes sa lahat! meron akong entry sa theme this week.
Arlene’s last blog post..LP – Madumi
Wow, ang ganda naman ng lenteng iyan, oo, maraming magagandang mga larawan ang nakunan niyan
Ang aking lahok ay kakaibang dumi, hindi nakikita ngunit malaki ang epekto sa ating kalusugan
Magandang araw ng Huwebes po!
julie’s last blog post..Yuck!
Wow! ang ganda nga ng lenteng yan ha.. sna magkaroon ka ng time na linisin ito. Eto naman ang aking lahok sa linggong ito:
@~eDs~@’s last blog post..LP#34 { Madumi }
ay hindi ko nailagay ang link para sa aking lahok.. eto po sya: http://edsnanquil.com/?p=1189
@~eDs~@’s last blog post..LP#34 { Madumi }
Masayang Huwebes sa lahat!
Ang ganda pa naman ng camera na yan kahit madumi.
Mine’s up na!
Agring’s last blog post..Holiday Frame