LP 32: Maalaala mo kaya?

November 5, 2008 by  
Filed under LP entries

Para sa ating tema ngayong Huwebes ay isa na naman pong L.P. litratista ang ating panauhin,. Atin pong salubungin si Teacher Julie!

Maalaala Mo Kaya?

Masarap alalahanin ang ating kabataan. Mayroong mga bagay na hindi natin malilimutan kahit kelan.

Meron ding mga bagay-bagay na maaari mang nakalimutan na natin sa dami ng ating mga pinagkaka-abalahan ngunit bumabalik ang mga ito sa ating alaala kapag merong pangyayaring nakapag-papaalaala sa atin nito.

Magkakaiba man ang ating mga edad, meron at meron tayong natatandaang nakapagpapabilis ng pintig ng ating mga puso.

Sige nga, mula sa edad na 5 hanggang 15, tingnan natin kung ano ang mga naalaala nyo sa mga tanong na ito?

1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV?
2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula?
3.. Ano ang paborito mong meryenda?
4.. Ano ang paborito mong babasahin?
5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan?
6.. Sino ang iyong pers crush?
7.. Sino ang iyong best prend?
8.. Sino ang iyong paboritong guro?
9.. Ano ang iyong paboritong laro?
10.. Meron ba kayong alagang hayop noon?

Ako po si Julie (o kilala sa tawag na Teacher Julie), ang panauhing litratista para sa “Maalaala Mo Kaya”. Pagpasensiyahan nyo na lang po ang aking lumang larawan, pers taym ko maglagay ng larawang luma. Ang flash sa telebisyong naka-kahon ay mula sa de-alis at de-bumbilyang kuwadradong flash sa kamera ng nanay ko.

Sana po nakapagbigay ako ng konting ngiti sa inyong mga labi para sa temang ito.

Comments

79 Responses to “LP 32: Maalaala mo kaya?”
  1. Em Dy says:

    Kumusta Teacher Julie? Salamat sa tip mo na nagsasalita ang mga Masagascar toys sa Happy meal. Napatakbo tuloy ako sa McDo.

    Ganyan din ang TV namin noon.

    Em Dy’s last blog post..Ale, Nasa Langit Na Ba Ako?

  2. maver says:

    ang tv naman namin ay yung may lumulubog na lock at de-susi na tinatago ng nanay ko kung oras ng siyesta. haha!

    ang aking lahok, hindi man ako ang kumuha, ako naman ang nagpotosyap. haha!
    http://maver.wifespeaks.com/2008/11/lp-30-maalaala-mo-kaya.html

    ang sarap manumbalik sa nakaraan! sana ganyan pa din kasimple ang buhay ngayon. happy lp!

  3. julie says:

    Susme! Nagkamali yata ako ng paglagay ng picture ko :lol:

    Fan ako ng Sesame Street, The Electric Company at Land of the Lost. Wakasan komiks, yan ang linggo-linggo kong inaabangan kapag sawa na ako sa mga Marvel comics na uwi ng tatay ko mula sa kanyang opisina sa isang base militar ng mga Kano.

    Mas masaya yata nung araw, walang gaanong stress.

    Salamat LP sa pag-imbita sa inyong abang lingkod.

    julie’s last blog post..Maalaala Mo Kaya?

  4. Dr Emer says:

    Black and white ang una naming TV. Mas mapalad ka at mukhang colored yang sa inyo.

    Eto po ang lahok ko — http://siteseer.blogspot.com/2008/11/remember-when.html

    Happy LP!

    Mga sagot sa tanong mo (ayon lang sa natatandaan ko):

    1. Sesame Street!
    2. Dolphy
    3. Puto kutsinta
    4. Marvel/DC comics
    5. Maynila
    6. A lovely young girl one year ahead of me. Seatmate ko sa school bus.
    7. Si Ferdie. He’s with a German bank now.
    8. Si Ms. Anuran, grade 1 teacher.
    9. Habulan, patintero, at teks!
    10. Oo, isang aso na kinakagat lahat ng bumibisita sa amin. LOL!

    Dr Emer’s last blog post..Remember When?

  5. Pinky says:

    Ayos sa mga tanong ha – parang “slumbook”! Uy, “blast from the past” ulit – mapaghahalata tuloy edad ko dito e… ;)

    Happy LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #32: Maalaala mo kaya?

  6. Jeanny says:

    may ganyna din kaming tv noon. Toshiba pa tatak hahaha….
    Sa tanong mo naman.

    1. popeye (catoon)peborit kong palabas sa tv noon.hehehe
    2. La ko peborit na movie eh.
    3. peborito kong meryenda pandesal na mainit at margarine na may asukal…sarap
    4 paborito kong babasahin…funny komiks (niknok peborit kong character)
    5. Luneta ang paborito naming pasyalan noon bata pa kami
    6. Crush….hahaha secret!
    7. Si Weng T. ang aking best fren…sayang la na kami komunikasyon.
    8. Si Mrs. Dacillo teacher ko noong grade 3 ang paborito kong guro
    9. Paboritong laro ko noon eh patentero…oh ha!!
    10. Meorn akming alagang aso Muhaw ang pangalan nya…

    Ano teacher Julie pasa po ba ko sa memory test mo!

    Happy LP!

    Jeanny’s last blog post..LP: Maalala mo kaya – LAPIS

  7. Dr Emer says:

    Mukhang kasing edad kita, Ms. Julie. :lol:

    Dr Emer’s last blog post..Remember When?

  8. iRonnie says:

    magandang huwebes? akala nyo nakalimutan ko mag entry no? di kaya… :lol:

    iRonnie’s last blog post..Litratong Pinoy: Maalaala Mo Kaya?

  9. naalala ko pa ang mga sagot sa mga tanong mo, teacher julie! hee hee. ilang taon ka sa larawang ito? sayang at ang mga album ko ay nasa pinas lahat. :(

    nahirapan ako sa tema ngayong linggong ito. heto’t nakagawa na rin ng isa! :)

    Munchkin Mommy’s last blog post..Litratong Pinoy #32: Maalaala Mo Kaya?

  10. Yen says:

    Ang galing ng entry mo Julie;-)

    Ito yung lahok ko.

    http://yennygirl.com/?p=3551

    Happy LP~

    Yen’s last blog post..He turned 11 Months old.

  11. ian says:

    Salamat sa isang paglalakbay sa daan ng nakaraan =] Hindi ko mapalampas ito-

    1. Ano ang paborito mong palabas sa TV? – VOLTRON!
    2. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula?
    - walang partikular na artista pero paborito ko noon ang Batteries Not Included
    3. Ano ang paborito mong meryenda? – binatog!
    4. Ano ang paborito mong babasahin? – FUNNY Komiks!
    5. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? – Fiesta Carnival!
    6. Sino ang iyong pers crush? – si marie antoinette nung prep hahahaha
    7. Sino ang iyong best prend? – si ronnie roldan
    8. Sino ang iyong paboritong guro? – si miss villodres
    9. Ano ang iyong paboritong laro? – LEGO!
    10. Meron ba kayong alagang hayop noon? – si aiko the wonder dog =]

    salamat, salamat!

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy (LP): MAALAALA MO KAYA?

  12. good morning, teacher julie! :happylol:

    vintage na vintage yung tv set, ha!

    ito naman ang aking ipapaalala sa inyo….

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy29maalaala-mo-kaya-will.html

    fortuitous faery’s last blog post..miss igorota rocked the vote

  13. Ito ang isa ko pang lahok. Maligayang Huwebes sa lahat! :)

    Mapped Memories’s last blog post..Litratong Pinoy #32: Maalaala Mo Kaya?

  14. Huwaw Teacher Julie kaya pala hinihintay mo ang alas dose ha kasi ikaw ang pangunahing litratista sa linggong ito.

    Ganda! Naitago pa. At kahawig ng telebisyon namin noon.

    Mitch – Etc Atbp’s last blog post..Litratong Pinoy : Maalaala Mo Kaya

  15. Thesserie says:

    Ang cute mo naman sa photo T Julie! Parang halos kapareho ng tv na yan ang luma naming telebisyon…hayy those were the years!

    Happy LP po sa inyong lahat!

    Thesserie’s last blog post..Maalaala mo kaya (LP 32)

  16. bittersweet ang drama ng lahok ko ngayon :)

    Moonlight Mom’s last blog post..LP: Maalaala Mo Kaya?

  17. Linnor says:

    parang sing-edad tayo (pero malamang mas matanda ako, lol) sa pic na yan at sa pic na napili ko isali :D

    LP: Maalaala Mo Kaya?

    Linnor’s last blog post..LP: Kadiliman

  18. rose says:

    hehe.. naabutan ko din yan.. yung me saraduhan pa haha

    eto naman po ang sa akin
    http://revolutionmotion.com/2008/11/05/maalaala-mo-kaya/

    rose’s last blog post..Maalaala mo kaya

  19. ces says:

    ang husay naman Teach! at may naitatabi ka pang larawan na ganito! naalala ko na meron din kami nito! d kandado pa db?:)

    ces’s last blog post..Litrato: MMK…lego

  20. pining says:

    ay halos kapareho ng aming tv noong araw :-)
    ang paborito kung palabas noon ay Flordeluna!

    pining’s last blog post..Maalaala mo kaya

  21. ibyang says:

    hi Teacher Julie!

    heto ang mga sagot ko sa tanong mo:
    Ano ang paborito mong palabas sa TV? BATIBOT
    2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula? MARICEL SORIANO
    3.. Ano ang paborito mong meryenda? BANANAQ
    4.. Ano ang paborito mong babasahin? NANCY DREW
    5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? CUBAO
    6.. Sino ang iyong pers crush? —
    7.. Sino ang iyong best prend? ANG DAMI!
    8.. Sino ang iyong paboritong guro? —
    9.. Ano ang iyong paboritong laro? PATINTERO
    10.. Meron ba kayong alagang hayop noon? MAY ALAGA KAMING ASO NA ANG PANGALAN AY MADONNA

    eto naman ang aking lahok:
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-maalaala-mo-kaya.html

    ibyang’s last blog post..Litratong Pinoy: Maalaala Mo Kaya?

  22. G_mirage says:

    TeacherJ! Great entry na nag-invoke sa aking alaala! Hindi ko man sagutin lahat, paborito ko ang turon at mamapak ng keso! :D

    Happy LP!!!

    G_mirage’s last blog post..Stagemamarazzi on Today’s Flowers

  23. Jules says:

    uy! ganyan din ang TV namin dati!

    sarap naman sagutin ang mga tamong ni teacher julie!

    1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV?
    – Sesame Street, Voltes V, Charlie’s Angels, Little House on the Prairie, Kaluskos Musmos, Sine Syete, [ang una naming TV ay black and white na may wood cabinet din]

    2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula?
    - Si Nora, Vilma, Melissa Gilbert, Donnie and Marie
    - Darna and the Giants

    3.. Ano ang paborito mong meryenda?
    - Milo, banana q, fish ball, nilagang mais, halo-halo

    4.. Ano ang paborito mong babasahin?
    - Aliwan Komiks, Reader’s Digest, Plain Truth, Evening Post

    5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan?
    - Luneta, Manila Bay

    6.. Sino ang iyong pers crush?
    - Si Phoenix Brown Jr., classmate ko nung kinder anak ng ‘kano.

    7.. Sino ang iyong best prend?
    - Ang Ate Joy ko

    8.. Sino ang iyong paboritong guro?
    - Si Mrs. Vargas, Miss Ignacio at Miss Barcenilla

    9.. Ano ang iyong paboritong laro?
    - Piko, putbol, syato, luksong lubid, chinese garter, taguan, sipa, jolens, agawang bahay

    10.. Meron ba kayong alagang hayop noon?
    - Si Jinky ang una naming house pet

    happy LP to all!!

    Jules’s last blog post..LP 011: Maalala mo kaya?

  24. Naku, naaalala ko rin yang telebisyon na iyan.

    Hindi ko na masagutan ang lahat ngunit paborito kung pasyalan ang Fiesta Carnival at is sa mga paborito kong laro ay ang shato. Uso pa ba yon ngayon?

    Clicking Away’s last blog post..LP032 – Maalaala Mo Kaya

  25. lino says:

    ayos ah, ganda pa rin ng framing kahit luma na yung pic…. :)

    ayoko sumagot sa mga tanong, mapaghahalata ang aking edad, hweheheheheehe…

    maligayang huwebes sa lahat…. :)

    lino’s last blog post..maalaala mo kaya…(can you remember?)

  26. FickleMinded says:

    wow! naalala ko ang ganyang tv nuong nakikinood pa ako sa kapitbahay :D

    FickleMinded’s last blog post..LP#7:Maalala Mo Kaya? (Do You Remember?)

  27. FickleMinded says:

    parang nawala yung comment ko :no:

    FickleMinded’s last blog post..LP#7:Maalala Mo Kaya? (Do You Remember?)

  28. architect says:

    Kuha nuong college pa? Naalala nyo ba kung gaano kasaya? Una kong lahok ay kuha sa Batad, Mt Province isang school trip at Tingan nman and kuha sa classroom dito

  29. TANCHI says:

    tlagang masarap balikan ang mga alaala, kinagisnan mong mukha..etc
    :lol:

    eto naman ang lahok ko.

    http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-2-maalala-mo-kaya.html

  30. ~~jennyL~~ says:

    hihi ganyan din ang Tv namin nung araw.. ang sarap balikan ano

    http://jennytalks.com/2008/11/lp-maalaala-mo-kaya-can-you-still.html

  31. @~eDs~@ says:

    Ikaw ba yan sis? Naalala ko tuloy ung TV ng aking lola noon. hihi

    Ang akin lahok ay handa narin! Magandang Huwebes Kaibigan! :)

    http://edsnanquil.com/?p=1157

  32. toni says:

    Grabe, vintage na yang TV ngayon diba! :P

    Magandang LP!! Ito ang aking lahok: Sa pula, sa barya.

  33. Norm says:

    magandang LP sa lahat! basta ang natatandaan ko first crush ko si Alexander at marami akong bestfriend pero si Maria Fe ang una. Yong lang wala akong paborito sa guro at iba pa.

    Norm’s last blog post..Did You Remember? (Maalaala Mo Kaya)

  34. Meeya says:

    napa-reminisce naman ako sa topic ngayon. wala lang hehehe!

    1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV?
    :: student canteen, john and marsha, dear diary, lotlot and friends :)

    2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula?
    :: sharon cuneta. lahat ng pelikula niya, circa 80s-90s :)

    3.. Ano ang paborito mong meryenda?
    :: chippy, pop, at serg’s

    4.. Ano ang paborito mong babasahin?
    :: kislap, liwayway, funny komiks, wakasan, at lovelife komiks

    5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan?
    :: harrison plaza, fiesta carnival, COD

    6.. Sino ang iyong pers crush?
    :: nino muhlach

    7.. Sino ang iyong best prend(s)?
    :: nung kinder, si beverly ann atayde (asan na kaya siya?)
    :: nung grade 2, si marifi asuncion (asan na rin kaya siya?)
    :: nung grade 3, si frances marie alcaraz (asan na rin kaya siya?)
    :: nung grade 4, si judith pangan
    :: nung grade 5, si sharlynne juria
    :: nung grade 6, si cecille medel
    :: nung 1st year hanggang ngayon, si michelle ang at si fotorista
    ang dami kong besprens no?

    8.. Sino ang iyong paboritong guro?
    :: si mrs. bonita (religion teacher ko nung grade 3)

    9.. Ano ang iyong paboritong laro?
    :: shato, jackstones, chinese garter, at game and watch na octopus

    10.. Meron ba kayong alagang hayop noon?
    :: oo, si jack. mukha lang siyang jack terrier pero askal siya sa totoong buhay.

    yun lang po. bow :)

    MMK sa MyMemes
    MMK sa MyParty

    Meeya’s last blog post..LP32: Maala-ala Mo Kaya

  35. purplesea says:

    may tv rin kaming ganyan! yung may sara at black and white pa. tuwang tuwa ako sa tv na yan. Aliw yung mga tanong, kaya linagay ko po yung mga sagot sa mga tanong sa aking blog.

    Happy LP sa lahat!

  36. komski says:

    Ganyan na ganyan yung tv sa mga lola ko:D Hehehe, pinaglalaruan ko nga dati yung nagii-slide na cover niyan, hehe:D

    Nasa entry ko yung mga sagot ko sa mmga tanong:D

    komski’s last blog post..Maala-ala ko kaya

  37. ZJ says:

    Kami rin may telebisyon na naka-kahon :)
    Pasensya na at nahuli na naman ang aking LP entry. Ang hirap maghanap sa aming lumang baul, eh.

    ZJ’s last blog post..Litratong Pinoy #15: Maalaala Mo Kaya?

  38. Kaje says:

    gandang huwebes sa inyong lahat!

    ito po ang aking lahok http://kajesalvador.com/?p=184

    medyo nahirapan ako humanap ng pwede isali hmmmmmm…

    Kaje’s last blog post..LP32 – Maalala Mo Kaya?

  39. cheh says:

    Hello sa lahat,heto naman ang aking lahok sa linggong ito. :wink:

    cheh’s last blog post..Litratong Pinoy 2: Maalaala Mo Kaya?

  40. Marites says:

    ellow…andito na ang aking lahok..

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#25 Maalaala Mo Kaya?

  41. alpha says:

    sa wakas, naka-post din ako ng lahok ko sa LP.

    http://alphadf.com/2008/11/06/lp-maalaala-mo-kaya/

    alpha’s last blog post..Call Me Bella.

  42. Marites says:

    toinks..nakalimutan kong sagutin iyong mga tanong..ige nga, mula sa edad na 5 hanggang 15, tingnan natin kung ano ang mga naalaala nyo sa mga tanong na ito?

    1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV? Flordeluna, AnnaLiza atsaka iyong mga palabas na TAgalog tuwing hapon noon.
    2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula? Gustung-gusto kong manood ng lumang palabas noon tuwing hapon sa kapanahon nila Gloria Romero, Pancho Magalona, atbp. pero iyong ka-batch ko talaga si Maricel Soriano hehehe! antanda ko na.
    3.. Ano ang paborito mong meryenda? Maruya
    4.. Ano ang paborito mong babasahin? Komiks!! Aliwan, atbp.
    5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? sa mag dagat
    6.. Sino ang iyong pers crush? hindi ko maalala :)
    7.. Sino ang iyong best prend? anak ng principal, si Stephanie.
    8.. Sino ang iyong paboritong guro? Grade 6 guro ko, Mrs. Parawan ata.
    9.. Ano ang iyong paboritong laro? bahay-bahayan tsaka tumba lata.
    10.. Meron ba kayong alagang hayop noon? dami hehehe!

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#25 Maalaala Mo Kaya?

  43. peachkins says:

    Naku,late ako ngayon. Pahabol po ng aking lahok.Malamang ay naging paborito nyo rin ito noon..

    Nandito po.

    Happy LP!

    1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV? Sesame Street at Batibot
    2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula? Hmmmnn..di ko na maalala..
    3.. Ano ang paborito mong meryenda? Marami eh..too many to mention (parang slumbook)
    4.. Ano ang paborito mong babasahin? Komiks! yung horror… Nightmare at Fantasy
    5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? Dito sa Plaza sa may City hall ng caloocan na ngayon at commercial na
    6.. Sino ang iyong pers crush? Si Mac-mac yata…haha buti na lang di nya ito mababasa
    7.. Sino ang iyong best prend? Si Joy,anak ng kapitbahay.
    8.. Sino ang iyong paboritong guro? Wala
    9.. Ano ang iyong paboritong laro? bahay-bahayan tsaka patintero
    10.. Meron ba kayong alagang hayop noon? Wala

    peachkins’s last blog post..LP: KADILIMAN

  44. ganyan din ang tv namin noon. :lol:

    http://silentprincess.philanime.com/?p=145

    silentprincess’s last blog post..LP: Maalaala Mo Kaya?

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa ika-32 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Maalaala mo kaya? Hindi ko alam kung saan galing yung litrato sa itaas, nakuha ko lang sa kaklase ko; kinuhanan nuong [...]

  2. [...] nakaka-miss! hinayang na hinayang akong hindi nakasali sa halos lahat nang mga kabanata… sa Litratong Pinoy Bilang 32: maalaala mo kaya?, sana hindi pa ako [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge