LP 35: Ang Pagwawagi!

November 26, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Kumusta ka naman? Kumusta ang buhay mo sa ngayon? Masaya ba? Malungkot? Mahirap? Madami bang problema? Pakiramdam mo ba na minsan ay **pinaglalaruan ka ng tadhana at para bang wala nang naghihintay na liwanag sa kabilang dulo ng landas na iyong tinatahak?

Minsan akala natin ay walang mga nagmamahal sa atin. Minsan ang akala natin ay walang handang tumulong sa atin. Minsan ay para bang wala ng katapusan ang ating pakikibaka sa buhay. Huwag ka sanang malungkot ng husto.

Nasa tabi mo lang ang Panginoon at hinihintay Nya ang iyong pagtawag sa Kanya. Nakahanda Syang makinig sa iyo. Nakahanda Syang salubungin ka ng mainit na yakap. Higit sa lahat ay nakahanda Syang sa iyo ay sumaklolo.

Lamang ay nasa iyo ang desisyon. Hawak mo ang iyong alas. Maaring hindi mo lamang alam kung nasaan ito sa ngayon, malamang natatabunan ng ibang nakikita mo, ng ibang hawak mo. Pagpursigihan mo sanang ito ay mahanap at magamit.

Ang pagwawagi ay nasa IYO.

**ibabalik ko yata sa tindahan itong lenteng gamit ko, najo-joker yata ako dahil sa tingin ko ay mataas ang kanang parte ng baraha pero pantay naman sa ibaba **

Comments

66 Responses to “LP 35: Ang Pagwawagi!”
  1. spiCes says:

    yayay! maya na ang totoong comment, gtg na talaga! haha happy LP!

    spiCes’s last blog post..Litratong Pinoy: eulogy

  2. Pinky says:

    Ako ba ang nauna, Manay? Kung oo…talagang wagi ako ngayong linggo – hahaha! :lol:

  3. Thesserie says:

    Agree ako, magpursige sa buhay!

    ang aking entry

    Thesserie’s last blog post..kapag may tyaga may nilaga

  4. Jeanny says:

    Hello….musta na po?

    mga 2 linggo akong hindi naka daan dito. dami kasing gawain sa opisina. pero ako ay nagbabalik :)

    Tama bagamat may pagsubok nandyan ang Diyos na nakikinig sa atin. :)

    Isang masayang Huwebes sa lahat

    Jeanny’s last blog post..LP: Ang panalo ko’y isang

  5. ako’y masayang-masaya. matagal ko nang natutunang ipagpasa Diyos na lamang ang mga suliranin. araw ng pasasalamat bukas dito sa amerika. ang una kong lahok para sa LP ay dalawa lamang sa aking mga waging ipinagpapasalamat. :) mabuhay!

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #35: Ang Pagwawagi

  6. eloise says:

    ilang beses ko nang napatunayan sa buhay ko na mahal ako ng Panginoon. Totoo…napaglaruan na ako ng tadhana…madaming beses na. Ngunit hindi ko mashado ito ininda sa tindi ng pagmamahal na nararanasan ko mula sa Kanya.

    Wala akong pinangangambahan…THE Highest Being got My back.

    eto po ang entry kong super simple ahahaha

    –>http://eloiselei.blogspot.com/2008/11/ang-pagwawagi.html

    eloise’s last blog post..ANG PAGWAWAGI

  7. Linnor says:

    tama, wag ibaling ang atensiyon sa mga negatibong bagay. mas madali ang pagwawagi kung nakatuon dito ang pansin.

    Linnor’s last blog post..LP: Ang Pagwawagi (Triumph)

  8. narito ang aking pangalawang lahok…mga patunay na pagwawagi ang naghihintay kung tayo lamang ay mananalig sa Diyos dahil binibigyang kasagutan ang ating mga kahilingan, sa Kaniyang panahon. :) ang lalim! :D

    Mapped Memories’s last blog post..LP #35: Ang Pagwawagi (Triumph)

  9. Meeya says:

    amen! wagi ang akda at litrato mo bb. lp! nawa’s puro alas ang iyong mga maging baraha laban sa mapanlinlang na mga joker ng buhay. :)

    happy lp!

    Pagwawagi sa MyMemes
    Pagwawagi sa MyParty

    Meeya’s last blog post..LP35: Pagwawagi

  10. Jules says:

    sa laban ng buhay ang Diyos ang lagi nating kakampi. walang duda palagi tayong wagi. maligayang huwebes sa inyong lahat :happylol:

    Jules’s last blog post..LP 013: Ang Pagwawagi

  11. Linnor says:

    sipag, tiyaga, at panalangin. mga bagay na malaki ang maitutulong sa pagwawagi.

    Linnor’s last blog post..LP: Ang Pagwawagi

  12. tunay ngang minsan mapaglaro ang tadhana…pero ang galing ng larawan!maligayang lp!

    cakesandladders’s last blog post..Litratong Pinoy: Pagwawagi

  13. matt says:

    Magandang araw na naman po ng Huwebes sa lahat…

    ito po ang aking lahok sa ngayon…

    http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/11/lp-35-ang-pagwawagi.html

    Wagi po tayong lahat sa L.P.

    matt’s last blog post..LP 31: Kadiliman

  14. matt says:

    Magandang araw po ng Hwebes sa lahat…

    Ito po ang aking lahok sa ngayon…

    http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/11/lp-35-ang-pagwawagi.html

    Wagi po tayong lahat sa L.P.

  15. nina says:

    thursday na pala….wala pa kong photo…Wahhhhhh….

    Ako naman alam ko na pag para sa akin ibibigay ni Lord kaya pag di ko nakuha ibig sabihin not meant to be. I’m so blessed. Wala na akong mahihiling pa.

    nina’s last blog post..LP – Marumi

  16. Pinky says:

    Mukhang di nag-work si Comment Luv sa nauna kong komento…

    Eto po ang aking lahok ngayong linggo:

    http://chinois972.wordpress.com/2008/11/26/lp-35-ang-pagwawagi/

    Pinky’s last blog post..LP #35: Ang Pagwawagi

  17. Junnie says:

    pagwawagi at gantimpala…
    nag aantay na sa mga pamangking magagaling!

    http://pic.blogspot.com/2008/11/wagi.html

  18. Jay says:

    Ang pagwawagi ay nasa atin sa tulong ng Poong Maykapal.

    Eto Aken Lahok

    Happy Huwebes sa lahat!

    Jay’s last blog post..LP # 35: Pagwawagi (winning)

  19. NeLL says:

    waging wagi ang iyong litrato! mukhang gusto kumanta ng – ako ang nagwagi… hahaha :beh:

    NeLL’s last blog post..Stuck Up

  20. raqgold says:

    tunay yan!

    sa akin naman, panalo ang pinoy design sa aking lahok ngayon :D

    http://homeworked.blogspot.com/2008/11/filipino-arts-and-crafts-at-dive-solana.html

    raqgold’s last blog post..Secret ‘Cuddle Time’ with IC

  21. Oo nga noh, parang tabingi nga sa itaas, pero baka nadadaya lang ng paningin.

    Posted na ang aking lahok!

    sugarplumfairy_lyn’s last blog post..Pagwawagi (Triumph)

  22. lino says:

    hindi laging alas ang panalo, sa pusot dos, mas panalo ang dos na baraha… :)
    magandang araw mga kasama, pakisilip ang aking bahagi… :)

    http://linophotography.com/ang-pagwawagi/

    lino’s last blog post..ang pagwawagi…

  23. AC says:

    “A man with a grain of faith in God never loses hope, because he ever believes in the ultimate triumph of Truth”
    ***Mahatma Gandhi***

  24. marites says:

    sabi nga, if there’s a will, there’s a way..walang nagwawagi na hindi nagtiyaga. ako rin ay nagwagi ngayong linggo..

    marites’s last blog post..Litratong Pinoy#28 Ang Pagwawagi (The Win)

  25. pining says:

    oo nga, sang ayon ako; kung may tiyaga may tinapay, er, nilaga :happylol:

    pining’s last blog post..Ang pagwawagi

  26. adinille says:

    maaaring yung gupit ng baraha ang di din pantay… :happylol:

  27. Julie says:

    Tunay nga na sa hirap AT ginhawa, ang Panginoon ang ating malalapitan.

    Isang makasaysayan pagwawagi ang aking entry, ngunit ito at isang malakaing hamon ngayon sa atin. Laban na hanggang ngayon ay atin pa ding hinaharap.

    Magandang araw ng Huwebes po sa ainyong lahat. :happylol:

    Julie’s last blog post..Pang-aabuso, Nagwagi nga ba Tayo Laban Dito?

  28. bluep says:

    uy pareho tayo ng tema ngayong linggong ito, tungkol sa ispiritwal. Gusto koangmga sinabi mo ngayo lalo na sa parteng “hinihintay nya ang iyong pagtawag sa kanya” hehe.

    anyhow buti nakaabot ako. eto ang aking entrada this week. Icongratulate nyo ako at nakaabot ako sa 30 comments haha. last time nasa ika 85 na ako LOL

    bluep’s last blog post..Ang Pagwawagi

  29. iris says:

    ay i like! ganda ng joker shot. agree ako sayo bb. LP, ang hinihintay niya lang ay ang pagtawag natin.

    ang akin naman, kung pano nagwawagi. :)

    iris’s last blog post..It’s that time of the year again

  30. peachkins says:

    ANG GALING NG LAHOK NA ITO!

    Nandito po ang akin.

    Magandang Huwebes!

    peachkins’s last blog post..Lunch Date at Tender Bob’s

  31. luna miranda says:

    nice shots…gusto ko rin ang joker.

    luna miranda’s last blog post..Wordless Wednesday: Purple

  32. Gaya nga ng sabi nila, “We choose how we feel.”

    Naka-post na rin ang lahok ko ngayong linggo!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Pagwawagi (Triumph)

  33. mEldita says:

    Ganyan ang naramdaman ko nuong tinatahak namin ang isang pagsubok sa aming mag asawa. Makalaunan naintindihan ko na dapat malakas lang ang pananalig ko na may oras sa bawat tagumpay na inaasam. Kaya naman ang pagwawaging ito ay d namin sadyang inaasahan.

    maligayang LP sa lahat!

    mEldita’s last blog post..LP: Ang Pagwawagi

  34. purplesea says:

    ang ganda naman ng pagkakakuha. Mukhang tuwid naman po yung mga card ha? Tama ka, minsan kailangan mong magtyaga dahil hindi sa lahat ng panahon ay wagi ka. Pano mo ma-aappreciate ang pagwawagi kung di mo pa naranasan ang sakit ng pagbagsak o pagkatalo. Sa tulong ng Diyos at sa pagsisikap mo, imposibleng di mo makamtan ang tagumpay.

    eto po ang akin lahok
    http://purplesea-lookingforanswers.blogspot.com/2008/11/lp-35-ang-pagwawagi.html

    purplesea’s last blog post..LP 35: ANg PagWaWagi

  35. TANCHI says:

    ang galing ng konsepto:)

    maligayang LP

    eto naman ang lahok ko:

    Photoblog of a Frustrated IT Student

  36. FickleMinded says:

    Totoo ang kasabihan, “Ang umaayaw ay di magwawagi,at ang nagwawagi ay di umaayaw!”.

    FickleMinded’s last blog post..LP#9:Ang Pagwawagi

  37. Sreisaat says:

    Amen to that, Ms. Thess!
    Kumbaga e, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

    Sa wakas ay nai-post ko na rin ang aking LP entry sa linggong ito.

    Sreisaat’s last blog post..Fun and funky holiday frames from ZenniOptical

  38. FickleMinded says:

    hindi ko alam kung under moderation yung una kong comment, kung nagdoble,paki delete na lang po ito.

    FickleMinded’s last blog post..LP#9:Ang Pagwawagi

  39. maver says:

    Nakakatuwa ang iyong mga larawan! Eto po ang aking lahok. Huli man daw at magaling, huli pa din!

    http://maver.wifespeaks.com/2008/11/lp-33-pagwawagi.html

  40. Em Dy says:

    Ako nama’y kagabi pa sawi dahil walang internet connection. Kaya ngayon, nasa Burger King para lang makasali sa Litratong Pinoy. Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Sugal

  41. ikang says:

    ito po ang aking lahok!

    sa wakas! di ako huli!!

    :happylol: :happylol: :happylol:

    ikang’s last blog post..LP35: Pagwawagi

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok sa tema ng Litratong Pinoy sa linggong ito Share and [...]

  2. [...] sa Litratong Pinoy #27: Ang Pagwawagi. ISKAndals.com Can’t find the recipe you’re looking for? Click on the PULL string above to [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled