LP 34: Madumi

November 19, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Magandang Huwebes sa inyong lahat, mga binibini, ginang, at ginoo ng Litratong Pinoy! Sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayang lahat at excited na sa pagsisimula ng ating palaro ngayong araw na ito. Sa mga nagpupuyat po talaga at naghihintay ng pagsapit ng alas dose ng hatinggabi sa Pilipinas, siguro ay nakakailang tasa na rin kayo ng kape, ano po? Salamat po sa matiyaga ninyong pagsubaybay. Sa mga kasamahan naman po natin na nasa iba’t ibang parte ng daigdig, malamang ay hindi pa Huwebes sa inyong lugar subalit maraming salamat din sa inyong maagang paglahok. Umpisahan na natin!

Matanong ko kayo, may mga bagay ba kayong natanggap mula sa mga nakatatanda o ninuno ninyo na sa kalumaan ay natural, hindi na ito malinis? Katulad ng nasa larawan?
Ipinamana ito sa akin, sinabing halos dalawangpu at limang taong gulang na ang lente na ito. Hindi na ako nagtataka kung may kadumihan ang kanyang katawan. Sa edad nyang ito ay masasabi kong madami na syang pinagdaanan.  Marami ng tao, lugar, hayop, atbp na nasilip ng kanyang mga babasaging lente sa loob. Mga ‘captured memories‘  na ika nga ay nagbigay kasiyahan o malamang minsan ay kalungkutan sa unang may-ari nito.

Wala akong balak linisin ang katawan ng lenteng ito. Ito ay isang uri ng dumi na nais kong mapanatili at kung sakali mang ipasa ko ito sa iba sa darating na panahon, iku-kwento ko sa kanya ang pinaggalingan at dating may-ari ng lenteng ito.

Comments

87 Responses to “LP 34: Madumi”
  1. Agring says:

    Eto ang link. Hindi po yang holiday frames..
    http://sweetagring.com/?p=768

    Agring’s last blog post..Holiday Frame

  2. sweetytots says:

    masdan ang aking lahok dito..dito and dito

    sweetytots’s last blog post..Madumi

  3. makukulit na sayaw pagkatapos mag pinta.. masdan ang aking lahok dito..dito and dito

    sweetprettynaughty’s last blog post..Madumi

  4. Kaje says:

    heto ang aking lahok! :)

    http://kajesalvador.com/?p=188

    gandang huwebes sa inyong lahat!

    Kaje’s last blog post..LP34 – Madumi

  5. farah says:

    huli na ba ako? waaah!! :l:

    farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.

  6. CT says:

    Magandang Huwebes sa lahat!

    Naalala ko tuloy na dapat na naming linisan ang mga lente namin kundi magkakafungus.

    Eto naman ang lahok ko courtesy of McDonald’s. :)

    http://newlifeonourown.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-madumi-dirty.html

  7. Shuttercow says:

    Gumagana pa ba ang lente?

    Magandang araw! Ito po ang lahok ko.

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #34: Madumi

    LP: Gumagana 100% at ni walang gasgas ang lente sa loob nito!

  8. korky says:

    magandang hwebes!

    korky’s last blog post..LP #31 Madumi

  9. Reflexes says:

    Mahirap nga nga ata linisin yan. Pwede sigurong keepsake na lang.

    Pasensya na po at uli ang aking paglahok.

    http://manillapaper.com/2008/11/lp-dirty-trick/

  10. Liau says:

    Pahabol po itong ikalawang lahok ko. Salamat.

    http://livinginau.com/2008/11/clean-and-green/

  11. Jules says:

    ang dumi sa lenteng yan ay may katumbas na mga ala-ala. maligayang huwebes sa lahat!! :wink:

    Jules’s last blog post..LP 012: Madumi

  12. iris says:

    ako po’y nagbabalik! pagkatapos ng 2 linggong pagdadrama dahil sa trabaho at kung ano-ano pa, eto ang isang kontrobersyal na litrato. :D

    uy, may pinsan yang macro lens na yan. yung Minolta SLR ng tatay ko. Kung tao siguro sila eh uugod-ugod na. hehe. Mabuhay ang mga lumang kamera. Pero alam mo bang may nags-specialize sa paglilinis ng mga lumang kamera at parts? Isa ang Columbia sa Cubao, kung interesado ka :)

    iris’s last blog post..It’s that time of the year again

    LP: Salamat pero mas gusto ko manatili ang kanyang ‘libag’ ha! ha!

  13. ian says:

    kung kailangan mo ng mag-aapon sa iyong lens, handa akong maging pangalawang magulang nya hehe

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy (LP): MADUMI

    LP: ha! ha! Naku eh kampanteng kampante ang lente sa kinaroroonan nya, safe na safe ika nga :lol:

  14. pao says:

    argh, ayaw nanaman pumasok ng comment ko. :( ito yung isa ko pang entry: http://mymanila.pao-alfonso.info/index.php?showimage=63

    pao’s last blog post..The David Statue at the People’s Park

  15. pao says:

    argh, ayaw nanaman pumasok ng comment ko. :( ito yung isa ko pang entry: http://mymanila.pao-alfonso.info/index.php?showimage=63

  16. nina says:

    uy, ang sarap naman…

    nina’s last blog post..LP – Kinagisnan

  17. cheh says:

    Magandang araw!:) Heto naman ang aking lahok sa linggong ito!Sana magustuhan nyo dahil maggagata ako :l:

    cheh’s last blog post..Litratong Pinoy 4: Madumi

  18. Jo says:

    medyo nahuli na ako… pero eto na ang aking lahok –

    http://www.joarduo.com/2008/11/litratong-pinoy-madumi.html

    Jo’s last blog post..Litratong Pinoy: Madumi

  19. purplesea says:

    ako din may lens at SLR na kulang-kulang beinteng taon na. Di ko na magamit yung lente kasi parang nagkaron na ng mist sa loob e wala naman mapagpa-ayusan dito.

    Happy LP! Narito ang akin

    http://purplesea-lookingforanswers.blogspot.com/

  20. JUNNIE says:

    Marumi ba ang mahabang buhok?
    Marumi ba ang magandang mga dahong naglalaglagan tuwing Fall?

    http://pic.blogspot.com/2008/11/marumi.html

  21. lino says:

    paumanhin po at nahuli ang aking lahok, nagliwaliw ang intong lingkod kasama si misis kaya ngayon lang nakapag post…
    pakisilip ang aking lahok…. :)

    lino’s last blog post..madumi…(dirty)

  22. ikang says:

    pahabol!!!

    angaking lahok!! =D

    ikang’s last blog post..LP34:Madumi

  23. inyang says:

    habol po ulit ako :)

    eto po ang aking maduming lahok

    inyang’s last blog post..LITRATONG PINOY: Madumi (Dirty)

  24. Eto naman po ang sakin http://silentprincess.philanime.com/?p=149

    silentprincess’s last blog post..LP: Madumi

  25. ikang says:

    ang aking lahok ulit.. hehe =D :l:

    ikang’s last blog post..bad_girl

  26. Girlie says:

    ok lang na madumi ang katawan, pero kelangan siguraduhin na malinis ang loob

    Girlie’s last blog post..Nat and Alex

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong linggo na may temang LP #34: Madumi. November 20th, 2008 in Photo [...]

  2. [...] May mga binago lamang ako upang magmukhang maayos ayos ang resulta. Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy # 34 na may temang Madumi Tags: larawan, Litratong Pinoy, [...]

  3. [...] Susubukan ko ngayon na magsulat sa sariling wika sapagka’t trip kong sumali sa lingguhang meme ng mga bongga ka day na mga blogistang-litratista ng Litratong Pinoy! Aaminin ko na ang pangunahing atraksyon sa akin ng pagsali dito ay ang pagkakataon na magsulat muli sa Pilipino. Mas madaling magsalita kesa magsulat ng katutubong wika, di ba? at mahirap magsulat kung di mo man lang ito pina-praktis at ang gusto mo lang ay haypalutin na Ingles. Kaya samahan nyo po ako sa aking munting ensayo at talakayin ang tema ng LP ngayong linggo na ito na pinamagatang “madumi.” [...]

  4. [...] It’s my entry photo for Litratong Pinoy’s “Madumi” or dirty theme (for a bigger image just click the [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled