LP 33: Kinagisnan
November 12, 2008 by admin
Filed under LP entries
“Ipunin ang kanin sa inyong mga plato at huwag aksayahin ang mga butil nito”
Salitang lagi kong naririnig sa aking lola sa harap ng hapag kainan. Lagi kong naririnig sa kanya na: maraming bata sa ibang parte ng mundo na hindi nakakakain ng husto kaya’t huwag daw naming aksayahin ultimo butil ng kanin. Ipinamulat nya sa amin ang pagpapahalaga sa pagkain, pangunahin na ang kanin na laging inihahain sa hapag kainan. Kinagisnang pagkain na kahit sino mang Pilipino na nasa ibang bayan ay hindi ipagpapalit sa tinapay.
Wika nga nila: Hindi kumpleto ang kain kapag walang kanin!
Kaya’t halina at huwag aaksayahin bawat butil ng kanin. Magandang aral na ating ipasa sa mga susunod pang henerasyon.
ANG KANIN
Magandang Huwebes po sa inyong lahat!
*** Kinagisnan = kinamulatan o kinalakihan.


