LP 32: Maalaala mo kaya?
November 5, 2008 by panauhing_litratista
Filed under LP entries
Para sa ating tema ngayong Huwebes ay isa na naman pong L.P. litratista ang ating panauhin,. Atin pong salubungin si Teacher Julie!
Maalaala Mo Kaya?
Masarap alalahanin ang ating kabataan. Mayroong mga bagay na hindi natin malilimutan kahit kelan.
Meron ding mga bagay-bagay na maaari mang nakalimutan na natin sa dami ng ating mga pinagkaka-abalahan ngunit bumabalik ang mga ito sa ating alaala kapag merong pangyayaring nakapag-papaalaala sa atin nito.
Magkakaiba man ang ating mga edad, meron at meron tayong natatandaang nakapagpapabilis ng pintig ng ating mga puso.
Sige nga, mula sa edad na 5 hanggang 15, tingnan natin kung ano ang mga naalaala nyo sa mga tanong na ito?
1.. Ano ang paborito mong palabas sa TV?
2.. Sino ang paborito mong artista? Ano ang paborito mong pelikula?
3.. Ano ang paborito mong meryenda?
4.. Ano ang paborito mong babasahin?
5.. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan?
6.. Sino ang iyong pers crush?
7.. Sino ang iyong best prend?
8.. Sino ang iyong paboritong guro?
9.. Ano ang iyong paboritong laro?
10.. Meron ba kayong alagang hayop noon?
Ako po si Julie (o kilala sa tawag na Teacher Julie), ang panauhing litratista para sa “Maalaala Mo Kaya”. Pagpasensiyahan nyo na lang po ang aking lumang larawan, pers taym ko maglagay ng larawang luma. Ang flash sa telebisyong naka-kahon ay mula sa de-alis at de-bumbilyang kuwadradong flash sa kamera ng nanay ko.
Sana po nakapagbigay ako ng konting ngiti sa inyong mga labi para sa temang ito.


