LP 35: Ang Pagwawagi!
Kumusta ka naman? Kumusta ang buhay mo sa ngayon? Masaya ba? Malungkot? Mahirap? Madami bang problema? Pakiramdam mo ba na minsan ay **pinaglalaruan ka ng tadhana at para bang wala nang naghihintay na liwanag sa kabilang dulo ng landas na iyong tinatahak?
Minsan akala natin ay walang mga nagmamahal sa atin. Minsan ang akala natin ay walang handang tumulong sa atin. Minsan ay para bang wala ng katapusan ang ating pakikibaka sa buhay. Huwag ka sanang malungkot ng husto.
Nasa tabi mo lang ang Panginoon at hinihintay Nya ang iyong pagtawag sa Kanya. Nakahanda Syang makinig sa iyo. Nakahanda Syang salubungin ka ng mainit na yakap. Higit sa lahat ay nakahanda Syang sa iyo ay sumaklolo.
Lamang ay nasa iyo ang desisyon. Hawak mo ang iyong alas. Maaring hindi mo lamang alam kung nasaan ito sa ngayon, malamang natatabunan ng ibang nakikita mo, ng ibang hawak mo. Pagpursigihan mo sanang ito ay mahanap at magamit.
Ang pagwawagi ay nasa IYO.
**ibabalik ko yata sa tindahan itong lenteng gamit ko, najo-joker yata ako dahil sa tingin ko ay mataas ang kanang parte ng baraha pero pantay naman sa ibaba **
Posted under L.P.




