LP 29: Bago nga kaya?

October 15, 2008 by  
Filed under LP entries

Nangyayari din ba sa inyo na kapag may binibili kayong bagay ay hindi ninyo ito lubos pa na inusisa  dahil tiwala naman kayo na maayos at talagang bago ito dahil nasa kahon o plastic pa? Nangyari na rin ba sa inyo na pag uwi ninyo ng bahay ay saka lamang ninyo nakikita na parang gamit na o hindi na bago ang binili ninyo?

Iyan ang dalawang katanungan ko ng pag-uwi ko sa bahay at inilabas sa kahon ang lenteng ito na binili ko sa Hidalgo, Quiapo ay may gasgas! Agad kong inusisa ang lente nito at sa kabutihang palad ay maayos naman at pulido, walang gasgas. Whew! Ayaw na ayaw ko pa naman nagsasauli ng binili para maiwasan ang mahabang paliwanagan o kung malayo ang tindahan ay maiwasan ang byahe.

Paano naman kaya tayo makakasiguro na maayos ang kalagayan ng mga itinitinda sa internet? Nakakasiguro ba tayong bago ang mga paninda nila? Ah, sadyang ang ibang bagay ay walang kasiguraduhan.

Bago po ako magtapos ay nais ko pong salubungin ng: WELCOME BACK! po ang ating mga miyembro na medyo matagal na hindi nakalahok sa Litratong Pinoy.

Magandang Huwebes po sa inyong lahat!

Comments

71 Responses to “LP 29: Bago nga kaya?”
  1. Em Dy says:

    Di pa ko nakakapunta sa Hidalgo. Sabi ng marami, photographers go crazy there. Naloka ka ba?

    Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Ok ka ba, Tiyan?

  2. iRonnie says:

    ay oo nga may gasgas! di nabubura?
    entry ko –> http://ironnie.com/2008/10/16/litratong-pinoy-bago-nga-kaya/

    iRonnie’s last blog post..Litratong Pinoy: Bago Nga Kaya?

  3. admin says:

    EM_DY: ‘Naloka’ ako sa kabatusan ng isang intsik na may-ari pa naman ng isang tindahan duon. Other than that, mas na enjoy ko pa yung pamimili ko ng prutas at kalamay na nasa bilao sa kalye.
    Maganda Huwebes sa iyo.

  4. Jeanny says:

    Nag sauli na rin kami ng mga bagay na nabili na namin kasi pumalya ito after 2 to 3 days. Hirap nga mag magpapalit lalo na pag malayo mo pa ito nabili…

    Hirap din siguruhin ang quality ng isang bagay pag bumili sa internet kaya dapat basahin ang mga reviews ng seller…pag maganda ang review sigurado yan maganda ang deal nya if ever may problema madali din naman sya makausap.

    Happy LP po sa lahat!!!!

    Jeanny’s last blog post..LP: Bago nga kaya? Ating alamin!

  5. yan ang malaking katanungan! naaadik pa naman ako sa ebay ngayon. ;) e kung nagkataon, paano mo naman isasauli ang lente? malayu-layong biyahe iyon. hee hee. mabuti na lang at ang tabi lang ang may gasgas at hindi ang lente mismo. :D

    mabuhay mga ka-LP! :)

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #29: Bago Nga Kaya?

  6. ces says:

    haaaay! super inggit!!!!me want one! :) is it really cheaper there? pangarap na bituin din ito!

    ces’s last blog post..Litrato: something new in my life

    LP: Hindi naman sya ‘mas’ mura talaga kundi tinatapatan lang nila ang presyo sa dolyares, minsan ay mas mahal pa nga sa Hidalgo keysa sa USA (kaya minsan sa US ako nagpapabili.)
    Kung ikukumpara naman ang presyo sa pagitan ng Hidalgo at Europa, mas mura nga sa Hidalgo.

  7. Pinky says:

    Hirap ang ganyan lalo na sa Pinas na marami pang paliwanagan at “drama” bago maibalik ang isang bagay na binili. Kung mas malakas lang sana ang “consumer rights” sa bansa natin e di sana walang mga insidenteng tulad nito.

    Kung sa internet naman, makakatulong siguro na bumili lamang sa mga kilala nang online stores gaya ng Ebay o Amazon, di ba? ;)

    Pinky’s last blog post..LP #29: Bago nga ba?

  8. Oo nga, mabuti na lang at hindi masyado halata yung gasgas at hindi nakaka-apekto sa paggamit ng lens…

    Magandang LP sa lahat!

    Clicking Away’s last blog post..LP 029 – Bago nga Ba?

  9. ito..bagong panalo sa ebay. wala namang diprensiya! :lol:

    Mapped Memories’s last blog post..LP #29: Bago Nga Kaya (Could It Be New?)

  10. Jay says:

    :love:

    salamat sa nagkomento sa huli kong lahok….breaking my comment record

    sana bumisita ulit kayo & gayun din ako :) Muli, maraming salamat :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  11. Dr Emer says:

    ‘Totally agree. And the tension of uncertainty can be a form of torture. :yay:

    My entry — http://siteseer.blogspot.com/2008/10/anything-new.html

    Happy LP!

    Dr Emer’s last blog post..Anything New?

  12. Thesserie says:

    Mahirap talagang makasiguro na bago ang ating napapamili unless talagang derechong galing sa pabrika.
    Happy LP at magandang Huwebes sa inyong lahat!

  13. FickleMinded says:

    Nuong nasa Pilipinas din ako at may kailangan akong bilhin na accesories ng aking camera ay may nag suggest din na marami nga daw sa Quiapo,pero alam ko na kapag mura nila naibebenta ay merong dahilan. at isa pang dahilan ay doon din ang madalas na nagbebenta ang mga magnanakaw baka minsan ay mabili mo pa ang bagay na matagal ng nawala sa iyo.

    FickleMinded’s last blog post..LP: Bago (New)

  14. buti na lang at di ko pa nasubukang bumili ng produkto na mukhang nagamit na :)

    Moonlight-mom’s last blog post..Litratong Pinoy: Bago Nga Kaya?

  15. Linnor says:

    kung libro ang bibilhin ko, okay lang sa akin kahit di na bago basta maayos pa

    Linnor’s last blog post..Litratong Pinoy: Bago Nga Kaya?

  16. komski says:

    Ayoko rin ng nagsasauli, hehehe, parang ang hassle. Minsan, hinahayaan ko na lang kung maayos ko rin naman magagamit:P

    komski’s last blog post..Bago nga kaya?

  17. adinille says:

    naku!!! hassle pag depekto ang tinanggap mo sa pag-aakalang ang nabigay sa iyo ay bago… pero maayos naman karamihan ang reviews sa Hidalgo.

  18. G_mirage says:

    Ms Admin mahiyain (hehe) yan din sana ang ilalahok ko buti sumilip muna ako, sge palitan ko muna, isip muna ko… :D

  19. AZRAEL says:

    wow 50mm 1.8 prime! Tama ba? Isang dahilan kung bakit hindi ako basta-basta bumibili sa Hidalgo lalo na kung walang kasamang kilala at hindi rekomendado ang tindahan. Ang ibang items sinasabing brand new pero nagamit at napag-praktisan na pala ng ibang tao. Mahal ng konti sa mga shops sa makati tulad ng Dzone pero nakakasigurado kang talagang bago ang binibili mo.

    anyway, may entry pala ako para sa tema ngayong linggo.. Pangalawa ko na to yahu!

    http://shuttered-world.com/index.php?showimage=28

    Magandang araw sa lahat!

    LP: Oo f1.8 lang. f1.4 sana target ko kaso mabilis naubos ang budget sa Pilipinas, nakaka shock!
    Ang masama nito, na-tested ko pa ang lens sa camerang dala ko pero hindi ko nasuri ang body talaga. Pero ok na rin, at least wala sa lens ang gasgas. At hindi na ako bibili ng lens sa Hidalgo!
    Magandang araw din po.

  20. Mai says:

    Kelan kaya ako makakapunta sa Hidalgo at makabili ng aking minimithing DLSR. Hay!

    Happy LP!

  21. pining says:

    kaya siguro kelangan muna buksan at usisain bagi bilhin.
    maligayang araw sa inyo!

  22. christine says:

    hello! may nagsabi rin sa akin na ok sa hidalgo. yun nga lang, kailangan mausisa ka at maalam kasi pwede kaw daw maloko sa mga tinda nila. hmm, ilang lente kaya ang nabili mo? may wide ka na? sarap naman! :)

    ang akin pong lahok: http://www.marikit.net/is-it-new/

    christine’s last blog post..A Father’s Love

  23. Yen says:

    Magandang Huwebes! Ito ang aking lahuk this week;)

    http://yennygirl.com/?p=3211

  24. aba, hindi ko alam na puede ka pala bumili ng camera at mga gamit nito sa quiapo! isa na namang dahilan upang dumalaw dito pag nagbakasyon ako muli sa pinas! hehe.

    sana ay binusisi mo muna mabuti yung binili mo habang nasa tindahan ka pa. :sad:

    narito naman ang bagong nasilayan ko sa new york:
    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy26bago-nga-ba.html

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#25:luma na

  25. Ako rin minsan laging takot bumili ng bagay bagay kasi baka depektibo, ayoko rin yung bumabalik para papalitan.

    Ang aking lahok ay naka-post na rin. Salamat sa lahat ng bibisita.

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Bago Nga Ba? (Is it Really New?)

  26. kathycot says:

    may kahirapan ang 2 linggong magkasunod kaya’t napa-absent ako nung nakaraan… eto ngayon at nagbabalik dala ang aking entry

    http://www.walkonred.com/2008/10/lp-bago-kaya.html

  27. lino says:

    maligayang huwebes mga kasama… maraming salamat kay admin sa pag welcome back, parang damang dama ko ang pag welcome back muli sa akin, hehehehe…
    narito na po ang aking lahok para sa linggong ito…

    lino’s last blog post..bago nga kaya?

  28. rose says:

    uy kahit me gasgas mukhang bago pa.. pero atleast nagana naman.. maganda bang mamili dyan sa hidalgo? malayo ba yan?

    eto po ang aking lahok ngayong huwebes . magandang huebes po
    http://revolutionmotion.com/2008/10/15/bago-nga-kaya/

    rose’s last blog post..Bago nga kaya?

  29. betchay says:

    ayayay! nakakainis yan syempre… inaasahan mong bago pero may gasgas naman

    pero dito, mas safe bumili sa internet kasi pag hindi mo nagustuhan ang produkto, meron kang isang linggo para isoli at no questions asked!

    betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: New?

  30. maver says:

    nakakatuwa dahil iba iba ang ating interpretasyon ng bago :) happy lp sa inyong lahat.

    ito po ang aking earth-friendly (recycled) lahok:
    http://maver.wifespeaks.com/2008/10/lp-27-bago-nga-ba.html

  31. malaki ang ginhawang nabibigay satin ng online shopping. yun nga lang, di talaga tayo nakakasiguro kung brand new nga ang mga produkto o in good condition.

    sa internet ko din natagpuan ang bago kong camera. ang kinagandahan lang ng seller ko ay, ibinigay nya mismo sakin ang resibong isyu sa japan nung binili ng kanyang asawa yung camera na in-order ko. kumpleto product description at kung ano ano pang verifiable facts, andun lahat.

    eto nga pala ang aking lahok!

    http://kennykerol.blogspot.com/2008/10/lp-bago-nga-ba.html

    carol bustos-santiago’s last blog post..LP Bago Nga Ba?

  32. lino says:

    ms. admin, sure ka na gasgas na sya nung binili natin? kasi tanda ko ininspect ko rin yan bago natin kinabit di ba? tiningnan ko rin yung gilid para sure pero wala akong natandaan na scratch… o baka namalik mata rin ako… :sad:

    lino’s last blog post..bago nga kaya?

    LP: kailangan mo na rin ng reading eyeglasses? :blah: Yes sir, kasi kinunan ko din ng picture pag-uwi ko sa apartment. Ako naman hindi ko sya na inspect kasi asar na asar pa rin ako sa suki mo kaya gusto kong maalis inis ko sa kaka try ng lens nya (btw, nanduon test shot ko na ikaw ang modelo sa flickr ko)
    hamo na, sa labas lang naman ah…

  33. Reflexes says:

    yikes! ayaw na ayaw ko ang ganyan…buti na lang dito at super dali ang pagsoli at pagpalit ng mga nabili. wala ng tanong tanong pa :)

    ito po ang lahok ko : http://manillapaper.com/2008/10/lp-is-it-new/

    Reflexes’s last blog post..LP: Is it New?

  34. Cookie says:

    nakakainis nga ang ganyan. sana binalik mo.

    anyways, ito ang lahok ko this week http://scroochchronicles.com/?p=650

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Bago Nga Ba?

  35. purplesea says:

    kainis naman yan. buti at okay naman syang gamitin.

  36. Agring says:

    Dapat tinitingnan bago mo bilhin. Ako nga tinatry ko pa?

  37. Irissh says:

    Ang hirap nga talaga mag suli lalo na pag-malayo. Kaya pag-namimili ako yon malapit lang sa amin para madaling maisoli.

    First time kong sumali. http://mom2bradley.net

  38. Ay naku, hirap nga pag may gasgas… minsan talaga sa tindahan mukhang okay pero pagkauwi, may konting problems pala.

    Ang aking entry ay nakapost na rin!

    Sugarplumfairy_lyn’s last blog post..Bago Nga Ba? (Is it Really New?)

  39. Mitch says:

    Eto naman po ang aking lahok sa linggong ito
    http://www.etc-atbp.com/2008/10/litratong-pinoy-bago-nga-kaya/

    Maligayang Huwebes!

    Mitch’s last blog post..Litratong Pinoy : Bago Nga Kaya?

  40. Meeya says:

    ay nakakahinayang naman kung bago tapos may gasgas pala. :( buti naman walang gasgas ang iyong nabili kundi malayo-layong solian yan, hehe!

    happy lp! *muah*

    Bago sa MyMemes
    Bago sa MyParty

    Meeya’s last blog post..LP29: Bago Nga (Something New)

  41. JoyD says:

    Nakakainis yon,, kasi palagi mong makikita na may gasgas,, parang di sulit ang binayad mo….. eto naman ang sa akain http://aussietalks.com/2008/10/litratong-pinoybago-nga-kaya.html

  42. bluep says:

    kaya di ako bumibili sa ebay at amazon ng bagay na lagpas ng 5 dolyar haha. Maraming beses ang nagogoyo sa internet. Libro lang talaga ang pinagkakagastusan ko sa net na kahit luma na ang ibigay sa akin okay lang dahil alam ko na rare yun book.

    anyhow wala akong kwentang kasali dito sa LP dahil di ako makapagbloghop sa ngayon sa sobra busy, mahabang kwento. Ipinapasok ko lang every week ang entry ko kasi sayang naman yun nga bala ko na naipon. Kaya feel free to leave ignore or drop by my entry kasi sa totoo lang pati-bangga (swertehan) lang ang pagbobloghop ko sadami ng racket at busybusyhan ko sa labas ng blogosphere.

    Salamat ms. LP. Happy thursday sa lahat. Babawi ako pramis.

    bluep’s last blog post..Three more blogs

  43. bluep says:

    kitam kahit si comment luv ayaw ipasok ang entry ko haha

    eto na lang po ang URL kung ayaw ni comment luv: http://bluepanjeet.net/1521/bago-baga/

    bluep’s last blog post..Bago baga?

  44. Marites says:

    naku! buti nalang sa tabi lang ang may gasgas. masuwerte pa rin:) eto na ang sa akin..http://www.pinaylighterside.com/2008/10/litratong-pinoy22-bago-nga-kaya-is-it.html

  45. mEldita says:

    nung ako ang nagtinda ng gadgets sa internet, pinipilit ko ang mga client na suriin muna ng mabuti ang aking pinagbibili upang wala silang masabi dahil d ko din naman sila mabibigyan ng warranty para sa mga gamit na ito. Playing safe :)

    ito naman ang aking lahok sa linggong ito. hindi sinasadya (pero nakakatawa ang pagkaka angkop ng aking litrato), halos nakalimutan kong may LP nga pala ngayon. mlaigayang LP sa lahat :)

    mEldita’s last blog post..LP: Bago nga kaya?

  46. Lynn says:

    Sabi nga, sapalaran ang pagbili through internet o sa tinatawag na grey market. We get what you pay for. Pero swerte rin naman madalas.

    Here’s my entry for this week’s LP, Kombi :)

  47. ian says:

    maligayang bati sa maayos na kalagayan ng iyong lente! =] happy papicture-an!

    pangalawang beses ng pagsali =] kakaibang kabaguhan ang lahok ko sa linggong ito =]

    salamat sa welcome ng mga nag-welcome =]

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy (LP): BAGO NGA KAYA?

  48. korky says:

    magandang hwebes! wow di ako masayado huli ngayon :)

    korky’s last blog post..LP #29 Bago Nga!

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa ika-29 na linggo ng litratong pinoy na may temang Bago nga kaya? Ang litrato ko ay kinuhanan kanina, ang dating lalagyan ng tv na ginawa kong bookshelf, dito sa [...]

  2. [...] Tatlong talarawan para sa tatlong nakalipas na linggo ng Oktubre. Mga larawang naaayon sa mga temang Aking kompyuter, Luma na at Bago nga kaya? [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge