LP 31: Kadiliman

October 29, 2008 by admin  
Filed under General

Bago po tayo magsimula ay atin munang batiin ang ating mga samahan na nagselebra ng kanilang mga kaarawan:
MommyBA: Oct. 22, Nick Ballesteros: Oct. 27  at Linnor: Oct. 30  Huli man po ay inyo pa rin pong tanggapin ang aming Maligayang Pagbati sa inyong Kaarawan!

**********************************************

Ang ating Paksa: Kadiliman
Bakit nga ba sadyang kinatatakutan minsan ang kadiliman? Dahil ba sa nuong bata pa tayo ay ito ang ginagamit na panakot sa atin ng mga nakatatanda? Dahil ba sa mahirap mangapa at magmistulang bulag sa gitna ng kadiliman? Dahil ba sa naniniwala ka sa mga multo, bampira, tyanak at kung anu-ano pang kinatatakutan sa kadiliman?

Bakit nga ba? Ano nga ba mayroon ang kadiliman na sadyang nakakapagpatindig sa ating mga balahibo paminsan-minsan? Hindi ko maipapaliwanag! Subalit mabuti na lang na ang kadiliman ay may hatid din ibang pakiramdam bukod sa ito ay katakutan. Tulad ng nasa larawan.

Ano nga ba ito?

Lumang buko na inaalon sa dalampasigan na napansin ko habang ako’y naglalalakad sa buhanginan. Pero may napansin ako na kakaiba dito. May butas. At ang butas na may madilim na bahagi ay tumawag sa aking pansin. May biglang gumalaw sa loob nito!

Ah, isang talangka! Isang talangka na ginagamit ang kadiliman upang makaiwas sa tiyak na kapahamakan!  Sino nga naman ang magsasabing ang kanyang lumang bahay na tinitirhan ay pagiinteresan pa ng iba? Sinong mag-aakala na sa madilim na butas na iyun ay may isang nilalang na payapang namumuhay? Sino nga naman ang makapagsasabing sa gitna ng kadiliman nito ay may matatagpuang kaligtasan?

Salamat kadiliman. Hindi ka naman pala dapat lagi na lamang katakutan!

Magandang Huwebes sa inyong lahat mga kasama, tayo na’t dalawin natin ang isa’t isa!

Comments

98 Responses to “LP 31: Kadiliman”
  1. Arlene says:

    buti pa ang alimango, madilim nga ang tirahan nya pero na fefeel nya sya ay safe doon.

    Arlene’s last blog post..LP – Kadiliman

  2. Jules says:

    tama ang obserbasyon mo na ang kadiliman ang naging kanlungan ng isang munting talangka. ang ganda ng kuha mo!

    HAPPY BIRTHDAY sa mga celebrators :happylol:

    MALIGAYANG H’WEBES MGA KA-LP!!

    Jules’s last blog post..Litratong Pinoy #10: Kadiliman

  3. naikot ko ang ilang lahok at natuwa ako na maraming bersyon ang tema ngayon. :)

    Moonlight Mom’s last blog post..LP: Kadiliman (Darkness)

  4. Jo says:

    Eto ang aking lahok…

    http://www.joarduo.com/2008/10/wordless-wednesday-6.html

    kakaiba talaga ang likha ng Panginoon!

  5. jher says:

    Sali po ako. Magandang LP sa inyong lahat!

    jher’s last blog post..Litratong Pinoy #31: Kadiliman

  6. adinille says:

    inabot na ako ng dilim sa pagkuha ng lahok para dito… :blah:

  7. komski says:

    baka sa buko rin nagtago yung hinahanap namin dating crab:P

    komski’s last blog post..Awoooooo!

  8. Linnor says:

    yan ang kadiliman na di nakakatakot

    Linnor’s last blog post..LP: Kadiliman

  9. Vic says:

    Wow dami na entry, eto sa kin http://www.pinoyclicks.net/2008/10/a-glimmer-of-hope/

    Vic’s last blog post..Wake

  10. ZJ says:

    Galing ng post!

    Happy birthday nga pala sa mga birthday guys and gals ng LP :)

  11. Joy says:

    Nakakatuwa naman at may nakatago palang talangka. Mautak ha!
    Yung lahok ko rin, medyo tumatalakay sa kagandahan din ng kadiliman.
    Maligayang araw!!!
    http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/10/lpkadiliman.html

    Joy’s last blog post..LP:Kadiliman

  12. vanidosa says:

    Maligayang Hwebes po sa inyong lahat. Eto po ang aking lahok na NAKAKAKILABOT
    http://vanidosa.blogspot.com/2008/10/kadiliman.html
    Mamayang gabi napo ako dadalaw sa inyo dahil naghahanda papo ako para sa aming brgy. Trick or reat para bukas.

    vanidosa’s last blog post..Kadiliman

  13. iska says:

    Parang na-miss ko tuloy ang talangka sa pilipinas….
    sarap!

  14. luna miranda says:

    akala ko dikya. :blah: ang aking kadiliman nandito na rin.

  15. Shuttercow says:

    Ang galing ng talangka shots. Kumusta po sa lahat!

    Sali po ulit ako ngayong linggo. http://shuttercow.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-31-kadiliman.html

    Salamat sa LP!!!

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #31: Kadiliman

  16. ~~jennyL~~ says:

    kakaiba ang interpretasyon mo ng kadiliman base sa litrato ah.. sana hindi pa huli entry ko ..

    http://jennytalks.com/2008/10/litratong-pinoy-kadiliman.html

  17. ian says:

    ang buhay ay parang buko sa dalampasigan, hindi mo alam kung ano (o sino!) ang naninirahan =] salamat sa pagsali sa akin sa listahan ng mga maka-LP! =] magandang huwebes!

    (whew! nakahabol!)

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy (LP): KADILIMAN

  18. TANCHI says:

    ITO ANG UNA KONG PAGSALI SA KOMUNIDAD NA’TO..KAYA KUNG MAARI, MABISITA NYO ANG POST KO:
    http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-1-kadiliman.html

  19. Lizzieness says:

    Better late than never…

    Eto po ang aking lahok ngayong Huwebes.. sana tignan nyo.. hindi naman pala ganong kadilim sa ilalim ng dagat eh… maganda pala!!!

    http://lizzieness.info/?p=99

  20. Canuto says:

    Hindi nakapasok kagabi … so here it is: Buwan sa Madaling Araw.

  21. cheh says:

    Pssst,pasali naman:)

    heto ang una kong hirit dito sa LP:

    http://moderately-confused.com/?p=1061

  22. purplesea says:

    bahay ng talangka? siguro pag pinasok mo kamay mo dyan e ipit ang kamay mo. :lol:

  23. Nina says:

    Naalala ko tuloy yun mga panahon na madalas kami sa dalampasigan nakakakita kami ng mga talangka na mabibilis gumapang.

    Eto po ang aking lahok sa temang kadiliman :)

    http://applecandie.us/2008/10/lp-31-kadiliman.html

    Nina’s last blog post..Weekend Food Jam

  24. Girlie says:

    ikaw, ikaw ang nagkainterest sa bulok na buko na yan…hindi sa talangka ha.

  25. jeprocks says:

    Etong sa akin… di ko ma post… ang dilim e :lol:
    http://jeprocksdworld.com/litratong-pinoy-kadiliman/

    jeprocks’s last blog post..Litratong Pinoy – Kadiliman

  26. korky says:

    ang galing! gusto ko madilim pagnatutulog ako. ayaw ko ng nakasindi ang ilaw :)

    Happy All Saints Day to all!

    korky’s last blog post..LP #31 Kadiliman

  27. scart says:

    hello mga ka-LP ito naman po ang lahok ko para sa linggong ito

    http://www.scarty.com/pictures/lp31-kadiliman-darkness

    Happy Halloween to all!

    scart’s last blog post..LP#31 Kadiliman (Darkness)

  28. inyang says:

    ay me squatter n talangka :)

  29. TANCHI says:

    sosyal na talangka..:)

  30. ang hari ng kadiliman..
    http://silentprincess.philanime.com/?p=141

    silentprincess’s last blog post..LP:Kadiliman

  31. huli man daw at huli.. huli pa din!

    http://www.buhaymisis.com/2008/11/lp-kadiliman-darkness.html

    kathycot {buhaymisis}’s last blog post..Boo!

  32. eto pa ang isa huling lahok hee. maligayang lp sa lahat! :l:
    http://www.stripeatyellow.com/2008/11/litratong-pinoy-23-kadiliman.html

    stripe&yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #23 (kadiliman)

  33. eto pa ang isa kong huling lahok. maligayang LP sa lahat! :l:

    http://www.stripeatyellow.com/2008/11/litratong-pinoy-23-kadiliman.html

    Stripe&Yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #23 (kadiliman)

  34. ian says:

    question lang po: sa nobyembre 7 na ang susunod na pagpost ng LP? ibig sabihin po ba ay kada-biyernes na ang ating LP? o pang-nobyembre 6 po talaga yung tema na “maalaala mo kaya?”?

    paumanhin sa pagka-OC!

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy (LP): KADILIMAN

    LP: G. IAN, salamat sa pagtawag ng aming pansin! nagkamali lang ng lagay ng mga petsa sa buong Nobyembre. Pasensya na kayo.
    Tuwing Huwebes po tayo kaya Nobyemre 6 (mayamaya na!) ang susunod na tema:
    “Maalaala Mo Kaya?”

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...


Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled