LP 30: LIWANAG

October 22, 2008 by  
Filed under General

Magandang Huwebes po sa inyong lahat! Sa temang ito tayo po ay magtatanghal ng Panauhing Litratista, subalit bago po ang lahat, basahin po sana ninyo ang nakaraang akda: FYI.

Atin na pong bigyan ng mainit na pagsalubong si CES!

LIWANAG in the DARK

Araw at Buwan
nagtataglay ng liwanag
nang walang on/off switch
Kandila at Lampara
nagtataglay ng liwanag
sa tulong ng posporo o kuryente
Araw at Buwan
Kusang dumarating
Whether you like it or not
Kandila at Lampara
liwanag ay natatamo
when the need arises
kung bakit sa pagsikat ng araw
ang dulot nito’y ligaya? fun in the sun, ika nga
Ngunit, subalit, datapwat lungkot ang kapalit pagdating ng kadiliman
ito po ang inyong lingkod
Ces Anciano of spiCes
malugod na gumaganap
na inyo pong panauhing host
sa lingo na Litratong Pinoy
na may temang…LIWANAG!

Ang LARAWAN: The SWITCH

Ito po ang ‘switch’ upang lumiwanag ang aming hallway sa pamamagitan ng paghila dito…sa kadahilanang may kadiliman ang lugar na ito maski sa umaga ay kinakailangan itong buksan…