FYI

October 19, 2008 by admin  
Filed under General

UPDATED: November 13, 2008

May mga links po tayo na ginawang pribado, ibig sabihin ay hindi po ito burado (deleted) bagkus ay nakatago lamang. Ito po yung mga miyembro na ilang buwan ng hindi sumasali sa Litratong Pinoy subalit ‘updated’ naman ang mga blogs. Gusto pa rin po naming magbigay ng pagkakataon (2 linggo)  kaya’t kung nais po ninyo, ay sumali lamang kayo ulit at ipaalam sa amin, at atin pong ibabalik ang inyong mga pangalan sa listahan. Kung hindi naman po kayo interesado pang sumali, maaari lamang na ipagbigay alam sa amin o gaya ng nakatala sa ating pahina ng pagsali, may karapatan kaming alisin kayo sa listahan. Ito ay upang mapanatiling updated ang blogroll.

Maraming salamat po.

_____________________________________________________-

Sa palilibot po natin ng mga nakaraang araw  ay napansin po natin sa mga blogs ng ibang miyembro na HINDI NA NAGSILAHOK ILANG BUWAN NA ANG NAKALIPAS na KUSA NILANG INALIS ang button link ng Litratong Pinoy sa kanilang mga sidebar. Atin pong ipinapalagay ito na hindi na kayo interesado at ayaw ng  sumali sa Litratong Pinoy kaya’t minabuti rin po nating alisin ang inyong mga links sa L.P. blogroll. Nai-anunsiyo ko ilang linggo ang nakalipas na maglilinis tayo ng ating blogroll, inuumpisahan na po natin. Kung nagkamali naman po tayo sa pag-alis ng link ninyo at may interes pa rin kayo, madali pong maibabalik ang inyong mga pangalan sa listahan, maging aktibo at sumali lamang kayo ulit.

May mga ilang naman na miyembro na hindi nakakasali sa mga nakalipas na linggo pero hindi naman nila inaalis ng link button ng L.P. kaya’t hindi po natin sila aalisin sa ating blogroll dahil ipinagpapalagay po natin na may interes pa rin sila sa L.P.  Kaya’t atin silang bibigyan ng pagkakataon na makasali muli. Maaring busy lamang sila o may kung ano mang dahilan. Mayroon din pong ilang miyembro na ilang linggo na hindi nakasali subalit ipinaalam naman sa e-mail ang kanilang dahilan. Maraming salamat po.

Ang hiling lamang sana ay IPAALAM ninyo kung wala na kayong interes sa ating palaro upang mapanatiling maayos ang ating listahan ng mga miyembro. Hindi pa po tayo tapos maglibot kaya’t maaring mabawasan pa ang ating listahan.

Paalala lang din po na nakasaad po DITO na minimal ay 2 beses sa isang buwan ang hinihiling na pagsali sa ating palaro.

Gumagalang,

admin

Comments

21 Responses to “FYI”
  1. ettey says:

    dear admin…

    pasensya na po kung di ako masyadong nakaka sali sa medyo busy lang ngayon :)

    God Bless…

    ettey’s last blog post..RT/WW:SUPERCALIFRAGILISTICESPIALIDOCIOUS

  2. admin says:

    Ms. ETTEY, noted po ….magandang araw sa iyo! :happylol:

  3. Meeya says:

    nakakasali naman po ako, hindi lang nakakapag-libot lately, hihi. eniwey, sang-ayon naman po ako sa rule natin na ito, nang sa gayon yung mga seryoso sa paglahok ang tunay na maiwan. :)

    Meeya’s last blog post..What’s Your Real Age?

  4. FickleMinded says:

    admin:
    nag email po ako sa inyo tungkol sa pagpalit ng aking url ar location,pero napansin ko po na yung location lang ang napalitan pero yung luma pa rin ang url.

    Maganpo po talaga yung may logo sa blog ng bawat member kasi kapag nakita ng ibang blogger,lalo na yung mga nasa abroad,parang na a identify na agad nila ang kababayan. :happylol:

    FickleMinded’s last blog post..WS#5:Leamington

  5. FickleMinded says:

    pahabol po:

    ok lang po na hindi napalitan yung link,kaso may bago na ulet.
    salamat po.
    pasensya na po sa dobleng comment.

    FickleMinded’s last blog post..WS#5:Leamington

  6. jher says:

    Masyado lang talagang abala ang inyong lingkod kung kaya’t hindi ako nakakasali. Maging ang aking sarilig blog ay hindi ko na nabibigyang pansin. Sana sa susunod na mga tema ay makasali rin ako.

    jher’s last blog post..Back from the chaos

  7. leah says:

    wala po sa aking sidebar ang link ng LP, pero inilalagay ko ito lagi tuwing meron akong lahok sa mismong lahok ko. sana ay ok lang ito. :-|

    leah’s last blog post..CDS in Canberra

  8. christine says:

    madam, pasensya na. guilty ako dito. :D ilalagay ko na ang logo sa aking mga blogs. :)

    christine’s last blog post..A Sense of Adventure

  9. Kotsengkuba says:

    Lubos po akong nagpapaumanhin sa aking pagkawala ng ilang libong taon ng liwanag (lightyears) sa kadahilanang ako’y naging isang alibughang kasapi ng Litratong Pinoy. Bagama’t ako’y nakabalik noong nakaraang linggo at pinilit na maihabol ang mga lahok sa kasalukuyang buwan, hindi parin nito mapagtatakpan ang aking nakaraang paglisan.

    Buti nalang, nasa timing ang pagbabalik ko. Nyahahaha ;-)

    Kotsengkuba’s last blog post..Litarong Pinoy « Liwanag

  10. celiaK says:

    Ang ganda ng crystal light pull ni Ces. :happylol:

    Puede po bang sumali?
    Eto ang sa akin:

    http://desarapen2.blogspot.com/2008/10/lp30-liwanag-light.html

    Maraming salamat.

  11. peterahon says:

    mga kasama,

    paumanhin po kung hindi nakakasali…

    medyo tinatamad at ayon ilang araw na rin hindi ginagamit ang camera at nasa hiraman, hehehe…

    pati po ang aking blog ng nakaraan – higit isang buwan hindi na na-update.

    subalit nanatili po ang aking link dito sa grupo at salamat din nakikita ko pa rin ang aking pangalan dito.

    isa pa pong dahilan hindi po talaga ako makasabay na mag-komento sa lahat, nakakhiya naman bibisita kayo at mag-comment sa aking blog tapos hindi ko magawang sumilip man lamang sa inyo… subalit kapag sinipag na po ay sasabay pong muli…

    maraming salamat sa paalala at humihingi ng unawa…

    good wishes,
    pete

  12. toni says:

    at salamat naman po sa pag-include sa akin sa blog roll! new member.

    request lang po: sa blogroll, pwede pong patanggal ng “e” sa name ko? :D salamat!

    toni’s last blog post..Maliwanagan

  13. pheng says:

    ihahabol ko po ang aking lahok bago magsimula ang susunod na tema. unang beses po akong sasali dito. :) narito po…

    http://www.julliefer.com/2008/10/sinag-ng-araw-sa-taglamig-sunlight-in.html

  14. ikang says:

    kelan po ba ang susunod na tema?dun napo ako sasali. :happylol:

  15. Buge says:

    Paumahin po kung matagal akong nawala. Gusto ko pa din pong sumali ngakataon lang po na sobra talagang daming ginagawa at kung may panahon namang lumahok ay wala akong maisip na larawan na tugma sa tema.

    Hindi ko naman po inaalis ang logo sa aking blag at sana ay makasali na ako muli sa mga susunod na linggo.

    Buge’s last blog post..Yesterday’s Misadventure

    LP: Salamat sa pag-bisita mo. Hihintayin ka namin! :=)

  16. carnation says:

    hello ako po ay interesado pa ring sumali. medyo naging busy lang din sa trabaho at buhay-buhay, pati na rin sa pagblog. try ko po na maging active dito. salamat

    carnation’s last blog post..Litratong Pinoy: Snow

  17. The Explorer says:

    Gusto ko lang po itanong, kung pwedeng sumali po paminsan-minsan? Ito pong blog ko ay meron din sariling tema bawat linggo. Sumasali po ako sa koleksyon ng litrato kung meron po akong litrato na tatama sa tema sa pang-grupong blog at sa temang nasa aking blog.

    Pupwede po ba na i-link yung litrato na na-ipost na ng nakaraang linggo at kahit hindi sa linggong iyon mismo?

    The Explorer’s last blog post..Crocodiles at Croc Park – Moody Monday

  18. yeye says:

    naku mukhang malapit na po ako masama sa listahan. huhu. admin magpapaalam po sana ako…di ko kasi nagampanan ung tungkulin ko…nakaka-isang entry palang po ako ngayong april (at may na ngayon)…sorry po. sobrang busy po kasi sa review…dis may po babawi ako..hmmmmm….babalik po ako. soon. :D miss ko na mag-Lp sobra.

    yeye’s last blog post..finally

  19. redlan says:

    ako rin sobrang busy sa nakaraang buwan. Kaya ngayon lang ako nakabalik dito.

    redlan’s last blog post..FOOD GIFTS FOR MOTHER’S DAY!

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Magandang Huwebes po sa inyong lahat! Sa temang ito tayo po ay magtatanghal ng Panauhing Litratista, subalit bago po ang lahat, basahin po sana ninyo ang nakaraang akda: FYI. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled