LP 29: Bago nga kaya?

October 15, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Nangyayari din ba sa inyo na kapag may binibili kayong bagay ay hindi ninyo ito lubos pa na inusisa  dahil tiwala naman kayo na maayos at talagang bago ito dahil nasa kahon o plastic pa? Nangyari na rin ba sa inyo na pag uwi ninyo ng bahay ay saka lamang ninyo nakikita na parang gamit na o hindi na bago ang binili ninyo?

Iyan ang dalawang katanungan ko ng pag-uwi ko sa bahay at inilabas sa kahon ang lenteng ito na binili ko sa Hidalgo, Quiapo ay may gasgas! Agad kong inusisa ang lente nito at sa kabutihang palad ay maayos naman at pulido, walang gasgas. Whew! Ayaw na ayaw ko pa naman nagsasauli ng binili para maiwasan ang mahabang paliwanagan o kung malayo ang tindahan ay maiwasan ang byahe.

Paano naman kaya tayo makakasiguro na maayos ang kalagayan ng mga itinitinda sa internet? Nakakasiguro ba tayong bago ang mga paninda nila? Ah, sadyang ang ibang bagay ay walang kasiguraduhan.

Bago po ako magtapos ay nais ko pong salubungin ng: WELCOME BACK! po ang ating mga miyembro na medyo matagal na hindi nakalahok sa Litratong Pinoy.

Magandang Huwebes po sa inyong lahat!

Comments

71 Responses to “LP 29: Bago nga kaya?”
  1. iris says:

    yun lang, mahirap talaga pag di mo kakilala yung bibilhan mo. kaya ako never pang nakabili online. but still, nasa din naman bumibili yun.

    ako rin may bago!

    iris’s last blog post..A September 13th entry

  2. iris says:

    nyek, delayed ang commentluv. ito na nga lang.

    iris’s last blog post..A September 13th entry

  3. Jason says:

    Heto ang aking blog post (Medyo delayed lang siya):
    http://www.smilingmayor.com/2008/10/litratong-pinoy-29-bago-nga-kaya.html

    Sana ay magustuhan ninyo ang aking entry sa ngayon. :D

    Happy LP sa lahat!

  4. peachy says:

    mejo mahirap para sa akin ang tema ngayong linggo. buti ay may nahanap pa akong litrato. narito.. http://www.amazingsincebirth.com/2008/10/litratong-pinoy-bago-nga-kaya.html

  5. Shuttercow says:

    Nais ko pong makilahok dito sa LP. Ito po ang link sa una kong entry:

    http://shuttercow.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy29-bago-nga-kaya.html

    Maraming salamat! :happylol:

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy#29: Bago nga kaya?

  6. inyang says:

    kaya dapat tinitingnan munang maigi ang bibilhin bago bayaran. hehe sa totoo lang, madalas din akong guilty sa ganyan e :D

    si inyang po, nagpapakilala sa litratong binoy … daan po kayo sa blog ko ha … http://inyangsfunnykids.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-bago-nga-kaya.html

  7. inyang says:

    kaya nga ba dapat e sinusuri munang maigi bago bilhin hehehe ang totoo nyan, madalas din akong guilty sa ganyan :D

    si inyang po nagpapakilala … daan po kayo sa blog ko ha … eto naman po ang sa akin: http://inyangsfunnykids.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-bago-nga-kaya.html

  8. eloise says:

    o my gas abelgas…may gasgas nga!!!

    eloise’s last blog post..LP: LUMA NA

  9. Lizzieness says:

    Kamusta po sa lahat?

    Eto nga po pala ang lahok ko sa araw na to..
    The older the better… http://lizzieness.info/?p=90

    salamat po =)

  10. peachkins says:

    Pahabol naman po ng aking lahok..

    Nandito po.

  11. Dyes says:

    sayang naman at me gasgas! at least maayos naman ang lente :)

  12. arlene says:

    pass naman ako this week. wla akong ma poast basi sa theme. pero if i think of it deeply nakakatakot na theme kasi paano if sira nga yong nakuha mo? ok lang if pwede maisauli or kahit man lang exchange. paano yong hindi pwede so goodbye ka sa pera mo. diba?

    arlene’s last blog post..LP – LUMA

  13. Girlie says:

    dapat tinext moko nung napansin mo yung gasgas…mapapalitan natin yan no questions asked, hehe parang totoo

  14. nina says:

    hey! thanks for keeping my link. siguro next week makakasali na ulit ako. minsan hindi rin ako masyadong mabusisi sa mga binibili ko. bumibili kami ng lens sa Amazon, so far wala naman problem. Mahigpit din ang Amazon, one time, nadelay order namin kasi daw may damage ang box kaya sinoli nila sa supplier.

    LP: Dahil sinabi mo naman sa email na ‘pansamantala’ na hindi ka sasali. Pero sana nga ay makasali ka muli sa lalong madaling panahon dahil naglilinis na po tayo ng blogroll.
    Ayon nga sa kaibigan ko ay maayos naman bumili sa Amazon, gusto ko ring subukan! :)

  15. scart says:

    hello there first off your entry was nicely captured ;)

    thanks for keeping up my link kahit na madami na ako absent balak ko kasi ilipat na ang LP main blog ko at buburahin ko na photoblog ko. hindi na kasi kasya ang oras para sa madaming website hehehe.

    have a nice day!

    scart’s last blog post..Just trying…

  16. DEADPOOL says:

    awwww… thats sad… im planning to buy some lens there… pero ox lang… nakita ko naman na ung bibilihin ko eh and 2nd hand lang… and anyweiz praktis mode pa lang naman ako sa pagshshoot eh… sana makasali ako dito sa grupo nyo para naman lumawak ang kaalaman ko!
    noob pa kasi ako!
    ang gaganda ng mga kuha ng true litratista…
    balang araw makikilala ko din kayo at matuturuan nyo din ako!

    DEADPOOL’s last blog post..gawa ng makata

  17. DEADPOOL says:

    P.S. is it 50mm II…

    DEADPOOL’s last blog post..gawa ng makata

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa ika-29 na linggo ng litratong pinoy na may temang Bago nga kaya? Ang litrato ko ay kinuhanan kanina, ang dating lalagyan ng tv na ginawa kong bookshelf, dito sa [...]

  2. [...] Tatlong talarawan para sa tatlong nakalipas na linggo ng Oktubre. Mga larawang naaayon sa mga temang Aking kompyuter, Luma na at Bago nga kaya? [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled