LP 29: Bago nga kaya?
October 15, 2008 by admin
Filed under LP entries
Nangyayari din ba sa inyo na kapag may binibili kayong bagay ay hindi ninyo ito lubos pa na inusisa dahil tiwala naman kayo na maayos at talagang bago ito dahil nasa kahon o plastic pa? Nangyari na rin ba sa inyo na pag uwi ninyo ng bahay ay saka lamang ninyo nakikita na parang gamit na o hindi na bago ang binili ninyo?
Iyan ang dalawang katanungan ko ng pag-uwi ko sa bahay at inilabas sa kahon ang lenteng ito na binili ko sa Hidalgo, Quiapo ay may gasgas! Agad kong inusisa ang lente nito at sa kabutihang palad ay maayos naman at pulido, walang gasgas. Whew! Ayaw na ayaw ko pa naman nagsasauli ng binili para maiwasan ang mahabang paliwanagan o kung malayo ang tindahan ay maiwasan ang byahe.
Paano naman kaya tayo makakasiguro na maayos ang kalagayan ng mga itinitinda sa internet? Nakakasiguro ba tayong bago ang mga paninda nila? Ah, sadyang ang ibang bagay ay walang kasiguraduhan.
Bago po ako magtapos ay nais ko pong salubungin ng: WELCOME BACK! po ang ating mga miyembro na medyo matagal na hindi nakalahok sa Litratong Pinoy.
Magandang Huwebes po sa inyong lahat!



