LP# 28: Luma Na

October 8, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Itinatapon nyo ba mga bagay – bagay sa inyong tahanan na sa palagay ninyo ay “luma na” kahit ito ay hindi naman sira? O di naman kaya ay ipinamimigay na lamang kung alam mong hindi mo na ito gagamitin?
Hindi ako mahilig magtapon, pero mahilig ako mamigay lalo na kung talagang maari pang pakinabangan ng ibang tao.
May mga tao naman na mahilig bumili ng mga lumang bagay, mga antigo. Antique collectors ang tawag sa mga taong ito. Bumabayad ng madalas ay malaking halaga para lamang maidagdag sa kanilang koleksyon. Tulad ng tiyuhin ng aking kabiyak, isa itong kolektor ng mga antigong bagay. Isang kuwarto sa kanyang bahay ay para lamang sa kanyang koleksyon.

Ang nakikita ninyo sa larawan ay mula sa kanya, naibinigay nya sa aking biyenan 30 years na ang nakaraan, at ito naman ay ibinigay sa amin ng aking biyenan isang taon na ang nakakaraan. Alam nyo po ba kung ano ito?

luma

Ito ay copper na mortar and pestle. Dikdikan. Pero hindi po ito ginamit sa kusina kundi sa mga botika. Dikdikan po ito ng gamot at iniistima po itong mahigit na sa 100 taon.

Mayroon pa sana akong maibabahagi na mas luma pa dito na matatagpuan din sa aming tahanan pero natatakot akong hawakan at baka mabasag, nakakanerbyos galawin!

Magandang Huwebes po sa inyong lahat at ihanda na ang inyong mga LUMA!