LP 27: Aking Kompyuter

October 1, 2008 by admin  
Filed under General

Napakadali ng ating tema ngayong huwebes ano po?! Dahil sa alam kong maraming magpapakita ng kanilang computers, itong tatak na lamang ng aking desktop ang minabuti kong kunan ng larawan. Paki taas-baba na lamang po ng inyong mga ulo para medyo lumiwanag (sharp) ang litrato sa screens ninyo.  :beh: Maaaring napakasimpleng nyang tingan pero gumugol din po ako ng panahon para lamang kahit paano ay umayos (nga ba?) ang larawan (kailangan ko na talagang kumuha ng pormal na pag-aaral sa potograpiya!) Nahirapan akong palinawin ang mga letrang yan dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas (doon lang ako umaasa ng konting liwanag)  kung mapapansin nyo sa unang litrato ang mga letra?

Kumuha na ako ng itim na tabing (karton) at natuklasan ko na kung sa likod at paligid ito ng camera itatabing ay nawawala ang reflection sa mga letra na syang hangad ko! pero napakaliit nito, hindi ko mailusot ang daliri ko para pindutin ang shutter release (kailangan ng remote control ano po?) at hindi rin pwede mag manual focus kaya’t tsambang automatic focus ang setting…voila! medyo nawala ang reflection, medyo lumabo din ang mga letra!

Magandang Huwebes po sa inyong lahat!!

Next Page »