Archive for October, 2008

Oct-29-2008

LP 31: Kadiliman

Bago po tayo magsimula ay atin munang batiin ang ating mga samahan na nagselebra ng kanilang mga kaarawan:
MommyBA: Oct. 22, Nick Ballesteros: Oct. 27  at Linnor: Oct. 30  Huli man po ay inyo pa rin pong tanggapin ang aming Maligayang Pagbati sa inyong Kaarawan!

**********************************************

Ang ating Paksa: Kadiliman
Bakit nga ba sadyang kinatatakutan minsan ang kadiliman? Dahil ba sa nuong bata pa tayo ay ito ang ginagamit na panakot sa atin ng mga nakatatanda? Dahil ba sa mahirap mangapa at magmistulang bulag sa gitna ng kadiliman? Dahil ba sa naniniwala ka sa mga multo, bampira, tyanak at kung anu-ano pang kinatatakutan sa kadiliman?

Bakit nga ba? Ano nga ba mayroon ang kadiliman na sadyang nakakapagpatindig sa ating mga balahibo paminsan-minsan? Hindi ko maipapaliwanag! Subalit mabuti na lang na ang kadiliman ay may hatid din ibang pakiramdam bukod sa ito ay katakutan. Tulad ng nasa larawan.

Ano nga ba ito?

Read the rest of this entry »

Posted under Kalahatan
Oct-22-2008

LP 30: LIWANAG

Magandang Huwebes po sa inyong lahat! Sa temang ito tayo po ay magtatanghal ng Panauhing Litratista, subalit bago po ang lahat, basahin po sana ninyo ang nakaraang akda: FYI.

Atin na pong bigyan ng mainit na pagsalubong si CES!

LIWANAG in the DARK

Araw at Buwan
nagtataglay ng liwanag
nang walang on/off switch
Kandila at Lampara
nagtataglay ng liwanag
sa tulong ng posporo o kuryente
Araw at Buwan
Kusang dumarating
Whether you like it or not
Kandila at Lampara
liwanag ay natatamo
when the need arises
kung bakit sa pagsikat ng araw
ang dulot nito’y ligaya? fun in the sun, ika nga
Ngunit, subalit, datapwat lungkot ang kapalit pagdating ng kadiliman
ito po ang inyong lingkod
Ces Anciano of spiCes
malugod na gumaganap
na inyo pong panauhing host
sa lingo na Litratong Pinoy
na may temang…LIWANAG!

Ang LARAWAN: The SWITCH

Ito po ang ’switch’ upang lumiwanag ang aming hallway sa pamamagitan ng paghila dito…sa kadahilanang may kadiliman ang lugar na ito maski sa umaga ay kinakailangan itong buksan…

Posted under Kalahatan
Oct-19-2008

FYI

UPDATED: November 13, 2008

May mga links po tayo na ginawang pribado, ibig sabihin ay hindi po ito burado (deleted) bagkus ay nakatago lamang. Ito po yung mga miyembro na ilang buwan ng hindi sumasali sa Litratong Pinoy subalit ‘updated’ naman ang mga blogs. Gusto pa rin po naming magbigay ng pagkakataon (2 linggo)  kaya’t kung nais po ninyo, ay sumali lamang kayo ulit at ipaalam sa amin, at atin pong ibabalik ang inyong mga pangalan sa listahan. Kung hindi naman po kayo interesado pang sumali, maaari lamang na ipagbigay alam sa amin o gaya ng nakatala sa ating pahina ng pagsali, may karapatan kaming alisin kayo sa listahan. Ito ay upang mapanatiling updated ang blogroll.

Maraming salamat po.

_____________________________________________________-

Sa palilibot po natin ng mga nakaraang araw  ay napansin po natin sa mga blogs ng ibang miyembro na HINDI NA NAGSILAHOK ILANG BUWAN NA ANG NAKALIPAS na KUSA NILANG INALIS ang button link ng Litratong Pinoy sa kanilang mga sidebar. Atin pong ipinapalagay ito na hindi na kayo interesado at ayaw ng  sumali sa Litratong Pinoy kaya’t minabuti rin po nating alisin ang inyong mga links sa L.P. blogroll. Nai-anunsiyo ko ilang linggo ang nakalipas na maglilinis tayo ng ating blogroll, inuumpisahan na po natin. Kung nagkamali naman po tayo sa pag-alis ng link ninyo at may interes pa rin kayo, madali pong maibabalik ang inyong mga pangalan sa listahan, maging aktibo at sumali lamang kayo ulit.

May mga ilang naman na miyembro na hindi nakakasali sa mga nakalipas na linggo pero hindi naman nila inaalis ng link button ng L.P. kaya’t hindi po natin sila aalisin sa ating blogroll dahil ipinagpapalagay po natin na may interes pa rin sila sa L.P.  Kaya’t atin silang bibigyan ng pagkakataon na makasali muli. Maaring busy lamang sila o may kung ano mang dahilan. Mayroon din pong ilang miyembro na ilang linggo na hindi nakasali subalit ipinaalam naman sa e-mail ang kanilang dahilan. Maraming salamat po.

Ang hiling lamang sana ay IPAALAM ninyo kung wala na kayong interes sa ating palaro upang mapanatiling maayos ang ating listahan ng mga miyembro. Hindi pa po tayo tapos maglibot kaya’t maaring mabawasan pa ang ating listahan.

Paalala lang din po na nakasaad po DITO na minimal ay 2 beses sa isang buwan ang hinihiling na pagsali sa ating palaro.

Gumagalang,

admin

Posted under Kalahatan