LP #26: Puti at Itim

September 24, 2008 by  
Filed under LP entries

Kumusta na kayong lahat, mga ka-LP?! Namiss ko kayo ng husto! Bago ang lahat ay nais ko munang magpasalamat sa mga sumusunod na panauhing litratista na nagpaunlak sa ating paanyaya nuong nakalipas na 6 na Huwebes:

Christine, Meeya, iRonnie, Lino, Reflexes, at Weng – Maraming maraming salamat sa inyong lahat, sa uulitin ha!

Hindi po dito natatapos ang pagtatanghal natin ng mga panauhing litratista. Abangan po ninyo dahil sa mga susunod na buwan ay magkakaroon tayo ng mga panauhing L.P. litratista muli! Random po ang aming gagawing pagpili kaya’t abangan po ninyo ang imbitasyon na manggagaling sa amin.

Pumunta na po tayo sa ating tema ngayong Huwebes, ang Puti At Itim.

Napagpasyahan kong gamitin ang dalawang ito na pusa ng aming mga kapitbahay. Opo, hindi po namin sila pets pero lagi po silang ‘nakatambay’ sa aming maliit na hardin. Nagkataon na pareho silang itim ang kulay (medyo kulay lupa kapag nasisinagan ng araw ang balahibo) at kapwa rin may bahid ng puti na sa aking pananaw ay nagbigay tingkad sa kanilang ganda.

Ang unang pusa ay ubod ng ilap! Mabuti na lamang at nagpakuha sya ng larawan sa akin.

Ang pangalawang pusa naman ay napakaamo sa dahilang kami ang nag-aalaga sa kanya kapag ang kanyang mga amo ay nasa bakasyon. Opo , kami po ay catsitters.

Silang 2 habang nag papaaraw sa ibabaw ng bubong ng aming paradahan ng bisikleta. Paminsan-minsan ay 3 hanggang 4 na pusa ang nag su-sunbathing sa bubong na iyan kapag matingkad ang sikat ng araw.

Umpisahan na nating dalawin ang isa’t isa. Magandang Huwebes sa inyong lahat!

Comments

78 Responses to “LP #26: Puti at Itim”
  1. Em Dy says:

    Maligayang pagbabalik, Ginang Admin! Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Pahinga

  2. Em Dy says:

    Sumubok din akong kunuha ng litrato ng pusa kaya lang madali silang maconscious lalo na’t di naman ako close sa kanila.

    Em Dy’s last blog post..Pahinga

  3. Mitch says:

    Yay! Ang tapang ng mukha ng pusa!

    Eto po ang aking lahok
    http://www.etc-atbp.com/2008/09/litratong-pinoy-puti-at-itim/

    Mitch’s last blog post..Litratong Pinoy : Puti At Itim

  4. mabuhay ms. LP! isang napakalaking karangalan ang maanyayahang maging panauhing litratista sa LP kaya tanggapin mo ang aking lubos na pasasalamat.

    kinilabutan ako sa mga litrato ng LP para sa temang puti at itim. huwag magagalit ang mga animal activists pero hindi talaga ako mahilig sa pusa kahit noong bata pa ako. kinikilabutan nga ako habang tinatype ko ito. eeek. :)

    maaga ako ng post ng lahok dahil magbibisibisihan ako mamaya. hee hee. ito ang mga lahok ko:

    Puti at Itim sa Yosemite
    Puti at Itim na Biskwit

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #26: Puti at Itim (White and Black) sa Yosemite

  5. Dr Emer says:

    Welcome back!

    Too busy to write words for my entry, but please do enjoy it — http://siteseer.blogspot.com/2008/09/maze.html

    Dr Emer’s last blog post..Maze

  6. ces says:

    yay! alive alive! welcome bek! ganda syempre ng mga larawan! …ito ang pinaka paborito kong tema! tingnan ninyo kung bakit..hehe

    ces’s last blog post..Litrato:black & white me

  7. Jay says:

    ang daya pang 7 ako :(

    ang lufet ng kuha nyo admin…kahit malayo eh parang malapitan

    happy LP sa lahat

  8. Jeanny says:

    Welcome back Bb. Admin. cute naman ng pusa. As Usual walang kupas, ganda pa rin ng pag take mo ng shots. :l:

    Happy Thurs!!!

    Meowwwwwww

    Jeanny’s last blog post..LP: Puti at Itim ko’y isang pangarap!

  9. Girlie says:

    aha, nalito ka din ano…galeng naman ng mood shots ng pusa ^_^

  10. maver says:

    isang mainit na salubong sa iyong pagbalik! astig ang pusa! pusakal! hehehe.

    eto po ang aking lahok. pasensya na po, earthy-friendly ako–recycled ito. hahaha:

    http://maver.wifespeaks.com/2008/09/lp-24-itim-at-puti.html

  11. Welcome back Ms Admin! Grabe naman ang mga pusa noh? Kahit saang parte ng mundo ay mahilig silang mangapit-bahay. Buti na lang at mukhang sosyal ang mga pusang iyan hindi katulad ng mga pusakal sa Pilipinas.

    Maligayang LP! Meow.

    Clicking Away’s last blog post..LP026 – Puti at Itim

  12. CT says:

    Magandang Huwebes sa lahat! Magandang kuha ng pusa.

  13. Pinky says:

    Maligayang pagbalik Ms Admin. Naku, delikado itong entry mo. Mukhang hindi ito type ng aking puti at itim na lahok. Dapat ko ata bigayang babala ang aking mga “alaga” at baka balahibo na lamang nila ang matira.

    Happy LP!

    Pinky’s last blog post..LP #26: Itim at Puti

  14. Pinky says:

    Maligayang pagbabalik Ms Admin! :blah: Naku, delikado itong entry mo… hindi ata ito type ng aking puti at itim na lahok. Dapat ko ata bigyang babala ang aking mga “alaga” at baka balahibo na lamang nila ang matira! :lol:

    Happy LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #26: Itim at Puti

  15. pao says:

    eeeeeee! ang cute ng pusa! payakap.

  16. Thesserie says:

    Wala man akong pusa (kasi may pug na nagmamay-ari ng bahay namin eh :blah: ) masasabi kong magaganda ang pusang ito. Basta wag lang daw purong itim, hindi malas ha ha! Joke lang po, hindi ako naniniwala sa ‘ pusang itim’ .

    Magandang Huwebes po sa inyong lahat!

  17. Yen says:

    Ang ganda ng kuha mo! Wala akong maisip sa linggong ito kaya I took a different way:)

    http://yennygirl.com/?p=2879

    Maligayang Huwebes and Miyerkules para sa iba! :D

  18. welcome back! :happylol:

    mahilig ako sa pusa…kaya natuwa ako sa mga pusang nilitratuhan mo!

    aso naman namin ang aking lahok ngayon:

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/09/litratong-pinoy23itim-at-puti.html

    fortuitous faery’s last blog post..fall-ing for snoopy

  19. farah says:

    yahooo huwebes na naman!!! eto po ang lahok ko… sana ay magustuhan nyo :happylol:

    http://www.wifeynibangis.com/2008/09/litratong-pinoy-26-dont-matter-if-youre.html

  20. pining says:

    ang ganda nang kuha! feel na feel na supladita sya ha :-)
    hapi Thursday to all LP-ers :-)

  21. Mai says:

    wow ang ganda ng mga kuha at magagaling silang modelo ..sana nakuhaan din ang kanilang “CATwalk”. :)

    Kung sa inyo po ay pusa..sakin naman ay aso. Hehe!

    http://www.mdanganan.com/?p=563

  22. G_mirage says:

    hay,antagal kong hindi nakasali! MAgandang gabi…at magandang pusa, isa sa mga paborito kong akda sa potograpiya ang mga adorable na pusa! Puti at itim at pink na ilong!!! Cute!

    Happy Lp! http://mirageasusual.blogspot.com/ :wink:

  23. G_mirage says:

    Ang gaganda! pusa ang pinakagusto kong hayop n pinipiktyuran, adorable kasi…pasensha n s matagal n absence…Im back…happy LP!

    http://mirageasusual.blogspot.com/

  24. marikit says:

    maraming salamat din bb. LP sa pagimbita mo sa amin! ito ang aking unang lahok :)

    http://www.marikit.net/itim-at-puti-black-white/

  25. rose says:

    ang cute ni muning.. :) welcome back po admin

    eto ang sa akin.. (magka rhyme..hehe)

    http://revolutionmotion.com/2008/09/24/black-and-white/

    happy happy..day

    rose’s last blog post..black and white

  26. tin says:

    ang ikalawa ko pong lahok:

    http://www.whatsimplyworks.com/2008/09/not-exactly-black-white/

    maligayang huwebes!

    ps. bb LP, natakot ako titigan ang pusa.. para akong kakalmutin. :(

    tin’s last blog post..(Not Exactly) Black & White

  27. habol pa ng isa! :)

    http://www.strawberrygurl.com/2008/09/the-little-girls-old-books/

    bb LP, anong zoom lens gamit mo sa pagkuha ng pusa?

    strawberrygurl’s last blog post..The Little Girl’s Old Books

    LP: Bb. Tin, ang gamit ko po sa shots 1&2 ay MACRO LENS 105 mm, sa 3rd naman ay 28-135mm :)

  28. Ako rin pusa rin ang entry ko!!! :wink: Welcome back, Ms. LP!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Itim at Puti (Black and White)

  29. FickleMinded says:

    uy, animals din ang mga nakalitrato sa entry ko.

    FickleMinded’s last blog post..Thursday Thirteen

  30. FickleMinded says:

    nakalimutan ko pong iwan yung link ko.ito na po…
    http://fickleminded.org/2008/09/lp-puti-at-itim/

    FickleMinded’s last blog post..Thursday Thirteen

  31. julie says:

    Welcome back!

    Ang ganda ng marking ng pusang iyan :)

    Heto pala ang aking lahok, medyo madilim lang ng konti:

    http://greenbucks.info/2008/09/25/bilog-na-naman-ang-buwan/

    julie’s last blog post..Bilog na Naman ang Buwan

  32. Reflexes says:

    Welcome back! Feeling ‘model’ ang pusa ah. Dami ng pose.

    Up na rin po ang una kong lahok.
    http://manillapaper.com/2008/09/lp-black-and-white/

    Reflexes’s last blog post..LP: Black and White

  33. Liau says:

    Narito po ang aking ikalawang lahok. Maligayang Huwebes!

    http://livinginau.com/2008/09/aint-black-and-white/

    Liau’s last blog post..Ain’t Black and White

  34. anapb says:

    mukhang mabait ang pusang yan…

    ako eto naman! magandang huwebes sa lahat!

    anapb’s last blog post..LP 26:Puti at Itim

  35. ceztlavie says:

    hindi ako mahilig sa pusa. pero masasabi kong napagandang pusa ng mga ito.

    eto naman ang aking lahok para sa linggong ito :)

  36. Mukhang napakaamo nga ng pusa sa ikalawang litrato.

    Ang aking lahok ay medyo iba yata pero wala ako iba makita eh sa ngayon. :)

    Tere {Blessings in Life}’s last blog post..Days Before Christmas 2008

  37. mEldita says:

    maligayang LP sa lahat :)
    muli akong sumasali sa linggong ito. Ito ang aking lahok.

    mEldita’s last blog post..LP: Puti at Itim

  38. jher says:

    Magandang araw LP po sa inyong lahat. sali po ako. :-)

    http://jher.wordpress.com/2008/09/25/lp-26-puti-at-itim/

    jher’s last blog post..LP # 26 Puti at Itim

  39. toni says:

    Magandang huwebes sa inyo rin! Kahit na puti at itim ang ating tema, sana’y makulay ang inyong mga araw. :love:

    toni’s last blog post..Isang pisong halo-halo

  40. incoherent says:

    hay salamat! meron na ulit akong picture na pwede kong isali dito sa theme. :D

    mga pusa din yung kuha ko hehehe! nagsisimula na akong maging cat person.

  41. JoyD says:

    Mukha ngang maamo yung pangalawang pusa… Paumamhin sa mga cat lovers!!! Ayaw ko po ng PUSA.. unang una allergic ang anak ko sa pusa,, sa tuwing malalapit sya sa pusa ay nangangati sya at nag kaka hives at bahin ng bahin.. panagalawa may pusa dati na umiipot sa aming bakuran sa likod ang baho baho pa naman….kaya minsan asawa ko ay naglagay ng pain na lason.. para di bumalik ang pusa,, mula noon wala ng bumabalik na pusa sa amin! salbahe ano!!!! baka nagsawa na yung pusa sa kababalik,,,
    anyway,, ibang klase po ang aming alaga!! Kamangha mangha so bisitahin nyo kung ano ang itsura nya!!! Ang pet na ito ay di namin nahahawakan…….. http://aussietalks.com

  42. bluep says:

    ang galing naman ng kuha nito Ms. LP. Ang hirap kuhaan ng haytop. yung mga aso ko na lang pag kinukuhaan ko eh pahirapan haha.

    huli man daw at magaling, puti at itim pa rin hehe
    http://bluepanjeet.net/1485/sa-lilim-ng-puti-at-itim/

    bluep’s last blog post..Sa lilim ng puti at itim

  43. ayen says:

    Magandang Huwebes! :)

    Ito po ang aking lahok: Puti at Itim

    ayen’s last blog post..Litratong Pinoy: Puti at Itim

  44. Dyes says:

    maligayang pagbabalik!

    up na rin po yung sa akin sa http://punto.yaneeps.com/?p=110

  45. Cookie says:

    mukha ngang mataray yung unang pusa :D

    magandang huwebes sa iyo at welcome back!!

    eto na po ang lahok ko ngayong linggo http://scroochchronicles.com/?p=580

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Itim at Puti

  46. Marites says:

    mahilig ako sa pusa! oy, parang alam nilang may piktyur2 at hindi naglikot silang dalawa ha:) mataray ang mukha noong isa o.

  47. iris says:

    welcome back! :)

    yikes, hindi ako mashado mahilig sa mga pusa eh. pero gusto ko yang black and white photo na yan :)

    iris’s last blog post..Black on White [lp]

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa tema ng Litratong Pinoy ngayong linggo na “Puti at Itim”. Kuha ko ito nang pumunta kami ng asawa ko sa UP Diliman noong Lunes ng umaga. Napaka-dilim ng [...]

  2. [...] Sa wakas ay may Litratong Pinoy na maaari ko na namang salihan.  Ang mga larawang susunod ay kinuha noong kami ng aking esposo ay [...]

  3. [...] ang aking lahok para sa ika-22 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Puti at Itim. Ang litrato ay mabilis na kinuhanan nang mapansing umalis ang DJ para kumain. Ito ay sa Fiama bar [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge