Sep-24-2008

LP #26: Puti at Itim

Kumusta na kayong lahat, mga ka-LP?! Namiss ko kayo ng husto! Bago ang lahat ay nais ko munang magpasalamat sa mga sumusunod na panauhing litratista na nagpaunlak sa ating paanyaya nuong nakalipas na 6 na Huwebes:

Christine, Meeya, iRonnie, Lino, Reflexes, at Weng - Maraming maraming salamat sa inyong lahat, sa uulitin ha!

Hindi po dito natatapos ang pagtatanghal natin ng mga panauhing litratista. Abangan po ninyo dahil sa mga susunod na buwan ay magkakaroon tayo ng mga panauhing L.P. litratista muli! Random po ang aming gagawing pagpili kaya’t abangan po ninyo ang imbitasyon na manggagaling sa amin.

Pumunta na po tayo sa ating tema ngayong Huwebes, ang Puti At Itim.

Napagpasyahan kong gamitin ang dalawang ito na pusa ng aming mga kapitbahay. Opo, hindi po namin sila pets pero lagi po silang ‘nakatambay’ sa aming maliit na hardin. Nagkataon na pareho silang itim ang kulay (medyo kulay lupa kapag nasisinagan ng araw ang balahibo) at kapwa rin may bahid ng puti na sa aking pananaw ay nagbigay tingkad sa kanilang ganda.

Ang unang pusa ay ubod ng ilap! Mabuti na lamang at nagpakuha sya ng larawan sa akin.

Ang pangalawang pusa naman ay napakaamo sa dahilang kami ang nag-aalaga sa kanya kapag ang kanyang mga amo ay nasa bakasyon. Opo , kami po ay catsitters.

Silang 2 habang nag papaaraw sa ibabaw ng bubong ng aming paradahan ng bisikleta. Paminsan-minsan ay 3 hanggang 4 na pusa ang nag su-sunbathing sa bubong na iyan kapag matingkad ang sikat ng araw.

Umpisahan na nating dalawin ang isa’t isa. Magandang Huwebes sa inyong lahat!

Posted under L.P.

  1. Em Dy Said,

    Maligayang pagbabalik, Ginang Admin! Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Pahinga


  2. Em Dy Said,

    Sumubok din akong kunuha ng litrato ng pusa kaya lang madali silang maconscious lalo na’t di naman ako close sa kanila.

    Em Dy’s last blog post..Pahinga


  3. Mitch Said,

    Yay! Ang tapang ng mukha ng pusa!

    Eto po ang aking lahok
    http://www.etc-atbp.com/2008/09/litratong-pinoy-puti-at-itim/

    Mitch’s last blog post..Litratong Pinoy : Puti At Itim


  4. Munchkin Mommy Said,

    mabuhay ms. LP! isang napakalaking karangalan ang maanyayahang maging panauhing litratista sa LP kaya tanggapin mo ang aking lubos na pasasalamat.

    kinilabutan ako sa mga litrato ng LP para sa temang puti at itim. huwag magagalit ang mga animal activists pero hindi talaga ako mahilig sa pusa kahit noong bata pa ako. kinikilabutan nga ako habang tinatype ko ito. eeek. :)

    maaga ako ng post ng lahok dahil magbibisibisihan ako mamaya. hee hee. ito ang mga lahok ko:

    Puti at Itim sa Yosemite
    Puti at Itim na Biskwit

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #26: Puti at Itim (White and Black) sa Yosemite


  5. Dr Emer Said,

    Welcome back!

    Too busy to write words for my entry, but please do enjoy it — http://siteseer.blogspot.com/2008/09/maze.html

    Dr Emer’s last blog post..Maze


  6. ces Said,

    yay! alive alive! welcome bek! ganda syempre ng mga larawan! …ito ang pinaka paborito kong tema! tingnan ninyo kung bakit..hehe

    ces’s last blog post..Litrato:black & white me


  7. Jay Said,

    ang daya pang 7 ako :(

    ang lufet ng kuha nyo admin…kahit malayo eh parang malapitan

    happy LP sa lahat


  8. Jeanny Said,

    Welcome back Bb. Admin. cute naman ng pusa. As Usual walang kupas, ganda pa rin ng pag take mo ng shots. :l:

    Happy Thurs!!!

    Meowwwwwww

    Jeanny’s last blog post..LP: Puti at Itim ko’y isang pangarap!


  9. Girlie Said,

    aha, nalito ka din ano…galeng naman ng mood shots ng pusa ^_^


  10. maver Said,

    isang mainit na salubong sa iyong pagbalik! astig ang pusa! pusakal! hehehe.

    eto po ang aking lahok. pasensya na po, earthy-friendly ako–recycled ito. hahaha:

    http://maver.wifespeaks.com/2008/09/lp-24-itim-at-puti.html


  11. Clicking Away Said,

    Welcome back Ms Admin! Grabe naman ang mga pusa noh? Kahit saang parte ng mundo ay mahilig silang mangapit-bahay. Buti na lang at mukhang sosyal ang mga pusang iyan hindi katulad ng mga pusakal sa Pilipinas.

    Maligayang LP! Meow.

    Clicking Away’s last blog post..LP026 - Puti at Itim


  12. CT Said,

    Magandang Huwebes sa lahat! Magandang kuha ng pusa.


  13. Pinky Said,

    Maligayang pagbalik Ms Admin. Naku, delikado itong entry mo. Mukhang hindi ito type ng aking puti at itim na lahok. Dapat ko ata bigayang babala ang aking mga “alaga” at baka balahibo na lamang nila ang matira.

    Happy LP!

    Pinky’s last blog post..LP #26: Itim at Puti


  14. Pinky Said,

    Maligayang pagbabalik Ms Admin! :blah: Naku, delikado itong entry mo… hindi ata ito type ng aking puti at itim na lahok. Dapat ko ata bigyang babala ang aking mga “alaga” at baka balahibo na lamang nila ang matira! :lol:

    Happy LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #26: Itim at Puti


  15. LP #26: Puti at Itim | Lifelog Said,

    [...] ang aking lahok para sa tema ng Litratong Pinoy ngayong linggo na “Puti at Itim”. Kuha ko ito nang pumunta kami ng asawa ko sa UP Diliman noong Lunes ng umaga. Napaka-dilim ng [...]


  16. pao Said,

    eeeeeee! ang cute ng pusa! payakap.


  17. Thesserie Said,

    Wala man akong pusa (kasi may pug na nagmamay-ari ng bahay namin eh :blah: ) masasabi kong magaganda ang pusang ito. Basta wag lang daw purong itim, hindi malas ha ha! Joke lang po, hindi ako naniniwala sa ‘ pusang itim’ .

    Magandang Huwebes po sa inyong lahat!


  18. Yen Said,

    Ang ganda ng kuha mo! Wala akong maisip sa linggong ito kaya I took a different way:)

    http://yennygirl.com/?p=2879

    Maligayang Huwebes and Miyerkules para sa iba! :D


  19. fortuitous faery Said,

    welcome back! :happylol:

    mahilig ako sa pusa…kaya natuwa ako sa mga pusang nilitratuhan mo!

    aso naman namin ang aking lahok ngayon:

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/09/litratong-pinoy23itim-at-puti.html

    fortuitous faery’s last blog post..fall-ing for snoopy


  20. farah Said,

    yahooo huwebes na naman!!! eto po ang lahok ko… sana ay magustuhan nyo :happylol:

    http://www.wifeynibangis.com/2008/09/litratong-pinoy-26-dont-matter-if-youre.html


  21. pining Said,

    ang ganda nang kuha! feel na feel na supladita sya ha :-)
    hapi Thursday to all LP-ers :-)


  22. Mai Said,

    wow ang ganda ng mga kuha at magagaling silang modelo ..sana nakuhaan din ang kanilang “CATwalk”. :)

    Kung sa inyo po ay pusa..sakin naman ay aso. Hehe!

    http://www.mdanganan.com/?p=563


  23. mommy mai Said,

    Maligayang Huwebes sa inyong lahat!
    http://www.officialchosenfate.com/2008/09/lp-puti-at-itim-white-and-black.html


  24. G_mirage Said,

    hay,antagal kong hindi nakasali! MAgandang gabi…at magandang pusa, isa sa mga paborito kong akda sa potograpiya ang mga adorable na pusa! Puti at itim at pink na ilong!!! Cute!

    Happy Lp! http://mirageasusual.blogspot.com/ :wink:


  25. G_mirage Said,

    Ang gaganda! pusa ang pinakagusto kong hayop n pinipiktyuran, adorable kasi…pasensha n s matagal n absence…Im back…happy LP!

    http://mirageasusual.blogspot.com/


  26. marikit Said,

    maraming salamat din bb. LP sa pagimbita mo sa amin! ito ang aking unang lahok :)

    http://www.marikit.net/itim-at-puti-black-white/


  27. rose Said,

    ang cute ni muning.. :) welcome back po admin

    eto ang sa akin.. (magka rhyme..hehe)

    http://revolutionmotion.com/2008/09/24/black-and-white/

    happy happy..day

    rose’s last blog post..black and white


  28. tin Said,

    ang ikalawa ko pong lahok:

    http://www.whatsimplyworks.com/2008/09/not-exactly-black-white/

    maligayang huwebes!

    ps. bb LP, natakot ako titigan ang pusa.. para akong kakalmutin. :(
    tin’s last blog post..(Not Exactly) Black & White


  29. strawberrygurl Said,

    habol pa ng isa! :)

    http://www.strawberrygurl.com/2008/09/the-little-girls-old-books/

    bb LP, anong zoom lens gamit mo sa pagkuha ng pusa?

    strawberrygurl’s last blog post..The Little Girl’s Old Books

    LP: Bb. Tin, ang gamit ko po sa shots 1&2 ay MACRO LENS 105 mm, sa 3rd naman ay 28-135mm :)


  30. ShutterHappyJenn Said,

    Ako rin pusa rin ang entry ko!!! :wink: Welcome back, Ms. LP!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Itim at Puti (Black and White)


  31. FickleMinded Said,

    uy, animals din ang mga nakalitrato sa entry ko.

    FickleMinded’s last blog post..Thursday Thirteen


  32. FickleMinded Said,

    nakalimutan ko pong iwan yung link ko.ito na po…
    http://fickleminded.org/2008/09/lp-puti-at-itim/

    FickleMinded’s last blog post..Thursday Thirteen


  33. julie Said,

    Welcome back!

    Ang ganda ng marking ng pusang iyan :)

    Heto pala ang aking lahok, medyo madilim lang ng konti:

    http://greenbucks.info/2008/09/25/bilog-na-naman-ang-buwan/

    julie’s last blog post..Bilog na Naman ang Buwan


  34. mrsfoodie Said,

    pagkain naman ang aking lahok!

    http://www.dandelionfood.com/2008/love-at-first-bite/

    mrsfoodie’s last blog post..Love at First Bite


  35. Reflexes Said,

    Welcome back! Feeling ‘model’ ang pusa ah. Dami ng pose.

    Up na rin po ang una kong lahok.
    http://manillapaper.com/2008/09/lp-black-and-white/

    Reflexes’s last blog post..LP: Black and White


  36. Liau Said,

    Narito po ang aking ikalawang lahok. Maligayang Huwebes!

    http://livinginau.com/2008/09/aint-black-and-white/

    Liau’s last blog post..Ain’t Black and White


  37. anapb Said,

    mukhang mabait ang pusang yan…

    ako eto naman! magandang huwebes sa lahat!

    anapb’s last blog post..LP 26:Puti at Itim


  38. ceztlavie Said,

    hindi ako mahilig sa pusa. pero masasabi kong napagandang pusa ng mga ito.

    eto naman ang aking lahok para sa linggong ito :)


  39. Tere {Blessings in Life} Said,

    Mukhang napakaamo nga ng pusa sa ikalawang litrato.

    Ang aking lahok ay medyo iba yata pero wala ako iba makita eh sa ngayon. :)
    Tere {Blessings in Life}’s last blog post..Days Before Christmas 2008


  40. mEldita Said,

    maligayang LP sa lahat :)
    muli akong sumasali sa linggong ito. Ito ang aking lahok.

    mEldita’s last blog post..LP: Puti at Itim


  41. LP # 26 Puti at Itim « Calm Before The Storm Said,

    [...] Sa wakas ay may Litratong Pinoy na maaari ko na namang salihan.  Ang mga larawang susunod ay kinuha noong kami ng aking esposo ay [...]


  42. jher Said,

    Magandang araw LP po sa inyong lahat. sali po ako. :-)

    http://jher.wordpress.com/2008/09/25/lp-26-puti-at-itim/

    jher’s last blog post..LP # 26 Puti at Itim


  43. toni Said,

    Magandang huwebes sa inyo rin! Kahit na puti at itim ang ating tema, sana’y makulay ang inyong mga araw. :love:

    toni’s last blog post..Isang pisong halo-halo


  44. incoherent Said,

    hay salamat! meron na ulit akong picture na pwede kong isali dito sa theme. :D

    mga pusa din yung kuha ko hehehe! nagsisimula na akong maging cat person.


  45. JoyD Said,

    Mukha ngang maamo yung pangalawang pusa… Paumamhin sa mga cat lovers!!! Ayaw ko po ng PUSA.. unang una allergic ang anak ko sa pusa,, sa tuwing malalapit sya sa pusa ay nangangati sya at nag kaka hives at bahin ng bahin.. panagalawa may pusa dati na umiipot sa aming bakuran sa likod ang baho baho pa naman….kaya minsan asawa ko ay naglagay ng pain na lason.. para di bumalik ang pusa,, mula noon wala ng bumabalik na pusa sa amin! salbahe ano!!!! baka nagsawa na yung pusa sa kababalik,,,
    anyway,, ibang klase po ang aming alaga!! Kamangha mangha so bisitahin nyo kung ano ang itsura nya!!! Ang pet na ito ay di namin nahahawakan…….. http://aussietalks.com


  46. bluep Said,

    ang galing naman ng kuha nito Ms. LP. Ang hirap kuhaan ng haytop. yung mga aso ko na lang pag kinukuhaan ko eh pahirapan haha.

    huli man daw at magaling, puti at itim pa rin hehe
    http://bluepanjeet.net/1485/sa-lilim-ng-puti-at-itim/

    bluep’s last blog post..Sa lilim ng puti at itim


  47. ayen Said,

    Magandang Huwebes!

    Ito po ang aking lahok: http://purpletenshi.blogspot.com/2008/09/litratong-pinoy-puti-at-itim.html

    ayen’s last blog post..Litratong Pinoy: Puti at Itim


  48. ayen Said,

    Magandang Huwebes! :)

    Ito po ang aking lahok: Puti at Itim

    ayen’s last blog post..Litratong Pinoy: Puti at Itim


  49. Dyes Said,

    maligayang pagbabalik!

    up na rin po yung sa akin sa http://punto.yaneeps.com/?p=110


  50. Cookie Said,

    mukha ngang mataray yung unang pusa :D

    magandang huwebes sa iyo at welcome back!!

    eto na po ang lahok ko ngayong linggo http://scroochchronicles.com/?p=580

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Itim at Puti


  51. Marites Said,

    mahilig ako sa pusa! oy, parang alam nilang may piktyur2 at hindi naglikot silang dalawa ha:) mataray ang mukha noong isa o.


  52. iris Said,

    welcome back! :)

    yikes, hindi ako mashado mahilig sa mga pusa eh. pero gusto ko yang black and white photo na yan :)
    iris’s last blog post..Black on White [lp]


  53. lidie Said,

    humahabol!

    magandang huwebes sa inyo!

    http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-26-puti-at-itim.html

    lidie’s last blog post..LP #14 :: Tatak Pinoy


  54. Leah Said,

    heto po ang lahok ko: http://leahjoseph.com/2008/09/25/lp-puti-at-itim/

    happy lp sa lahat! :)
    Leah’s last blog post..LP: Puti at Itim


  55. mommy mai Said,

    ito po ang lahok ko sa blog na ito: http://www.officialchosenfate.com/2008/09/lp-puti-at-itim-white-and-black.html


  56. ~~jennyL~~ Said,

    yay pusa cat hehe cute yung 2nd photo

    kala ko wala akong mailalahok sana pwede na tong nakita ko..
    http://jennys-corner.com/2008/09/lp-itim-at-puti-bw.html


  57. kathycot {walkonred} Said,

    ang aking lahok sa linggong ito… sya nga pala, maligayang pagbabalik Ms Admin!

    http://www.walkonred.com/2008/09/lp-puti-at-itim-black-and-white.html


  58. Marites Said,

    eto na ang aking lahok:) http://www.pinaylighterside.com/2008/09/litratong-pinoy19-black-and-white-itim.html


  59. Linnor Said,

    Yey, nakahabol pa! Ang graceful talaga tingnan ng pusa….

    http://linnormarikit.wordpress.com/2008/09/25/litratong-pinoy-puti-at-itim/

    Linnor’s last blog post..Litratong Pinoy: Puti at Itim


  60. alpha Said,

    eto na aking puti at itim :D

    http://alphadf.com/2008/09/25/lp-puti-itim/

    alpha’s last blog post..Questions of the Week 32.


  61. Puti at Itim sa Ilaw na Pula. » kundiman Said,

    [...] ang aking lahok para sa ika-22 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Puti at Itim. Ang litrato ay mabilis na kinuhanan nang mapansing umalis ang DJ para kumain. Ito ay sa Fiama bar [...]


  62. peachy Said,

    maligayang huwebes sa lahat.. nakaktuwa ang pusang ito!

    narito ang aking mga litrato

    http://www.amazingsincebirth.com/2008/09/litratong-pinoy-puti-at-itim.html


  63. komski Said,

    Huwaw, pusa. Ayoko sa pusa sa amin, nang-aagaw ng ulam e:P Ang hirap umisip ng post, hehehe, kaya ngayon lang ako:D welkam back po:D


  64. Mayet Said,

    di ako masyadong malapit sa pusa ;( huwebes na naman pala,muntik ko ng makalimutan!narito ang sa akin. maligayang pagbabalik!!


  65. haze Said,

    paumanhin sa pagiging kulelat. eto na po ang lahok ko. :) bukas na lamang ako bibisita sa mga blogs niyo. :)

    nakakatuwa, photogenic ang pusa na yan. :)
    haze’s last blog post..LP#26 Puti at itim


  66. carol bustos-santiago Said,

    ang cute ng pusa! pero allergic ako sa fur! hehehe :)

    eto pala ang entry ko: http://kennykerol.blogspot.com/2008/09/lp-puti-at-itim.html

    maligayang LP!

    carol bustos-santiago’s last blog post..LP Puti at Itim


  67. butchay Said,

    heto ang mga lahok ko ngayong linggo sa itim at puti…magandanh hwebes sa lahat!

    http://butchay.clarkph.com/?p=402
    http://clarkph.com/?p=251
    http://butcholle.blogspot.com/2008/09/lp-itim-at-puti.html


  68. ner Said,

    waaahh… ang cute nila! ^^ mahilig ako sa pusa e. ^^ maligayang pagbabalik, bb. admin!

    eto naman po ang sakin:
    http://gallerianeri.blogspot.com/2008/09/play-on-innocence.html

    maligayang paglilitrato sa lahat! :)


  69. adinille Said,

    Aliw ako sa lahok mo ngayon. Mahilig ako sa pusa… masarap sila panoorin lalo na pag naglalaro sila :)


  70. Meeya Said,

    ang cute naman ni muning! weebee bb. admin! na-miss ka namin! :) *muah*

    LP B&W sa MyWork
    LP B&W sa MyParty

    Meeya’s last blog post..LP26: Puti At Itim


  71. SOMETHING PURPLE's cucina Said,

    Maligayang pagbabalik :)

    eto ang aking lahok: http://www.elegancefoodandwine.com/2008/09/litratong-pinoy-11-itim.html


  72. stripe&yellow Said,

    Maligayang LP sa lahat!

    http://www.stripeatyellow.com/2008/09/litratong-pinoy-18-itim.html


  73. JO Said,

    eto po ang aking lahok… ang bagong laruan ng bunso ko…

    http://www.joarduo.com/2008/09/litratong-pinoy-puti-at-itim.html


  74. april Said,

    Ako rin po ay nagbabalik pagkatapos ng mahabang bakasyon :happylol:

    http://pinayphotos.net/wp/2008/09/puti-at-itim/


  75. kitty Said,

    hello, there! first time ko makisali sa dakilang LP, eto po ang aking lahok, maraming salamat sa lahat :happylol:

    http://kittys-haven.info/2008/09/litratong-pinoy-1-puti-at-itim.html


  76. Junnie Said,

    hindi pa huli…

    http://pic.blogspot.com/2008/09/itim-at-puti.html


  77. silentprincess Said,

    Ito po ang aking pahabol: http://silentprincess.philanime.com/?p=135


  78. carnation Said,

    Puede pa bang humabol? Ito po ang entry ko:
    http://sweetcarnation.blogspot.com/2008/10/pusang-itim-sa-puting-karton.html

    Sana maging magkaibigan ang pusa ninyo sa pusa ko kaya lang magkaiba sila.

Mag-iwan ng Komento

Paalala: Hindi po kailangan na ulit-ulitin ang pag-iwan ng komento. Salamat po.

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word