Q & A, ATBP.
September 29, 2008 by admin
Filed under General, News & Updates
Una sa lahat, humihingi po kami ng paumanhin sa mga nagpadala ng e-mails na hindi namin nasagot dahil kami po ay nasa bakasyon. Narito na po kami ngayon para sagutin ang inyong mga katanungan.
Q: “Bakit hindi nailathala ang aking komento sa linggong ito?”
A: Ang mga komento po ay hindi ‘moderated’. Sa mga mayroong multiple blogs na isinasali ay automatic na mino-moderate ito ng wordpress. Ganun din po sa mga iisa lamang ang blog, wordpress pa rin ang sumasala ng inyong iniwang komento.
May iba naman po sa inyo na automatic na sinasala as SPAM.
Nais lamang po naming iparating sa inyo na ginagawa po namin ang aming makakaya upang mailathala ang inyong mga komento. Pasensha na po kung medyo naaantala paminsan-minsan.
Q: “Maari bang sumali kahit hindi pa Oktubre? ”
A: Maaring maari po! Bagkus kayo po ay aming inanyahan na sumali at ipadala ang inyong impormasyon sa Oktubre upang kayo ay ganap na maging miyembro ng Litratong Pinoy. Sa katunayan ay kahit wala pang Oktubre, atin na pong inilagay ang pangalan ng mga bagong miyembro na maagang nagpadala ng impormasyon. Welcome po sa Litratong Pinoy! Sa mga nagsisali na po simula nuong Agosto, ipadala na po ninyo ang inyong mga impormasyon sa ating email.
Q: “Lumipat ako sa bagong blog. Maari bang pakipalitan na lamang ang aking URL sa listahan o kailangan ko pang magsimula ulit (sasali muna ng 2 beses)?”
A: Hindi naman po tayo mahigpit pa pagdating sa bagay na ito. Iliham na lamang po ninyo ang inyong bagong URL.
***ATBP***
- Panawagan po sa ating mga miyembro na ilang buwan na pong hindi sumasali sa ating lingguhang meme, inaanyayahan po namin kayo na muling magsisali! Kung kilala po ninyo ang mga nasa listahang miyembro na hindi nakakasali (maaring nanggaling sa bakasyon o ano mang dahilan) inyo po sana silang imbitahan muli na maging aktibo.
Sa darating pong panahon ay magkakaroon tayo ng paglilinis ng ating blogroll.
-Ang atin pong FORUM ay napaka-tahimik. Sa mga hindi po nakakaalam tungkol dito ay MAY FORUM PO TAYO na naghihintay sa inyong pagdalaw. Halina’t makipag kwentuhan at talakayan sa isa’t isa!
- Simula sa Oktubre ay sisimulan muling batiin sa pahinang ito ang mga magseselbra ng kanilang kaarawan!
Magandang araw po sa inyong lahat!



Salamat naman sa inpormasyon na ito dahil naisip ko rin sanang itanong kung kelan amgkakaron ng clean up ang ating LP directory,pero parang nasagot na rin dito.
LP: Yung mga dead links po ba ang tinutukoy ninyo? o mga inactive members lang? Anyway, huwag po kayong mag-alala dahil maglilinis po tayo sa darating na panahon.
aray.. ako po ay isa sa lagi na lang naka moderate ang comment haha.hay pasensya na po sa kakulitan ko haha.. i love you admin.
:beh:
rose’s last blog post..how to make puto
LP: i love you too, ms. Rose ha ha ha!
eh? may general error SQL ERROR [ mysql4 ] ang forum.
LP: Thank you for letting us know. A ticket was already sent to the tech department. Let’s hope it’ll be fixed soon.
madam, di na rin madalas ang mga moderated comments ngayon, napansin ko lang.
christine’s last blog post..By: Gretchen
Ito po ang aking entry sa linggong ito:
http://atrandomness.blogspot.com/2009/04/binibining-dragon.html
maraming salamat po.
hehehe… isa ako sa laging moderated ang comment
Linnor’s last blog post..Alam Mo Ba?