LP 24: Pilak
September 11, 2008 by panauhing_litratista
Filed under LP entries

Ang pilak ay isa sa mga mahahalagang metal na kadalasan ay ginagamit sa pag-gawa ng alahas at pera. Ngunit bilang isang ina, nakakatawang isipin na ang kulay na pilak ay mas madalas kong nakikita sa kusina. Oo, hindi man gawa sa tunay na pilak, ang mga kagamitan sa kusina kagaya ng kutsara, tinidor, kaldero, atbp. ay kadalasang gawa sa metal na kulay pilak.
Bakit nga kaya ganito na lamang ang kasikatan ng kulay pilak kung gamit kusina ang pag-uusapan? Pati ang dating kulay ginto o tanso na gripo ay nasapawan na ng gripong kulay pilak. Mas maganda nga naman. Mukhang ang pinaka-simpleng sagot ay dahil sa ideya ng kalinisan na dala ng ganitong kulay o metal.
Ako po si Roselle ng Reflexes, ang inyong panauhing litratista sa linggong ito. Magandang Huwebes.


