LP 21: Mithi
August 21, 2008 by panauhing_litratista
Filed under LP entries

Isang magandang Huwebes po sa lahat!
Ako po si Meeya (aka MrsPartyGirl), ang inyong panauhing litratista sa linggong ito. Tulad po ng naunang panauhing litratista na si Christine, lubos kong ikinagagalak ang maimbitahan upang simulan ang isa na namang maligayang linggo ng kodakan dito sa LP.
Ang nasa litrato naman po sa itaas ay ang aking nag-iisang anak na si Ninna.
Ito ay kuha noong siya ay isang taong gulang pa lamang at ako naman ay nagsisimula pa lang rin mag-aral ng potograpiya. Magpahanggang ngayon, si Ninna ang aking madalas na modelo sa aking mga litrato dahil, bukod sa ito ang aking paraan upang maiukit sa aking alaala ang kanyang bawat galaw, tagumpay, at paglaki, hindi yata ako magsasawang hulihin ang kanyang mga matitipid na ngiti.
Ngunit, noon pa man, hindi ko inasam na maging isang mahusay na potograper – ang maging isang mahusay na ina lamang ang aking tanging minimithi.
~~~

Narito ang tatlong kandila.
Kung bibigyan ko kayo ng tatlong kahilingan, anong mga mithi ang nais ninyong matupad?

