LP 21: Mithi

August 21, 2008 by panauhing_litratista  
Filed under LP entries

Isang magandang Huwebes po sa lahat!

Ako po si Meeya (aka MrsPartyGirl), ang inyong panauhing litratista sa linggong ito. Tulad po ng naunang panauhing litratista na si Christine, lubos kong ikinagagalak ang maimbitahan upang simulan ang isa na namang maligayang linggo ng kodakan dito sa LP. :)

Ang nasa litrato naman po sa itaas ay ang aking nag-iisang anak na si Ninna.

Ito ay kuha noong siya ay isang taong gulang pa lamang at ako naman ay nagsisimula pa lang rin mag-aral ng potograpiya. Magpahanggang ngayon, si Ninna ang aking madalas na modelo sa aking mga litrato dahil, bukod sa ito ang aking paraan upang maiukit sa aking alaala ang kanyang bawat galaw, tagumpay, at paglaki, hindi yata ako magsasawang hulihin ang kanyang mga matitipid na ngiti.

Ngunit, noon pa man, hindi ko inasam na maging isang mahusay na potograper – ang maging isang mahusay na ina lamang ang aking tanging minimithi.

~~~

Narito ang tatlong kandila.

Kung bibigyan ko kayo ng tatlong kahilingan, anong mga mithi ang nais ninyong matupad?

Comments

78 Responses to “LP 21: Mithi”
  1. Jeanny says:

    Magandang gabi po. Na ipost ko na ang aking Mithing Malupit para sa aking kaibigan.

    Jeanny’s last blog post..LP: Mithi

  2. Reflexes says:

    Maganda ang tatlong kahilingan. Pede ba dagdagan?

    Magandang Huwebes. Heto po ang sa akin (medyo huli na pero habol pa rin)
    http://manillapaper.com/2008/08/lp-wish-mithi/

    Reflexes’s last blog post..Mobile Musts

  3. ang sarap namang titigan ng batang ito.
    ang aking tatlong kahilingan ay hinabi ko sa isa…

    basta’t kami’y magkasama.
    http://coloredheart.blogspot.com/2008/08/lp-mithi-wish.html

    huli na naman! tsk, tsk… sali pa din. :*)

  4. Jay says:

    ayyyyy, sorry po loser sign pala yung emoticon ko akala ko peace sign sorry po talaga :)

    Jay’s last blog post..LP#21: Mithi (Wish)

  5. Girlie says:

    tamang tama, 3 din ang minimithi ko, naayos sa tatlong kandila mo.

  6. sardonicnell says:

    beautiful photo, adorable ninna!

    sardonicnell’s last blog post..Litratong Pinoy #21: Mithi

  7. hello mga ka-LP!!! sana ay makamptan nyo ang inyong mga mithi! eto ang aking akda :)

    http://kennykerol.blogspot.com/2008/08/lp-mithi.html

    carol bustos-santiago’s last blog post..LP Mithi

  8. Cookie says:

    ang cute naman nya!! sarap kurutin ng pisngi :)

    pasensya na at nahuli ako. eto ang lahok ko http://scroochchronicles.com/?p=493

    next week uli!

  9. evi says:

    cute ni ninna tulad ng mommy nya.

  10. Sreisaat says:

    I’m late… very late. Kaya heto na po:

    http://sreisaat.blogspot.com/2008/08/litratong-pinoy-00-mithi-wish.html

    Ms. Meeya, ang kyut ni Ninna! Wish ko rin na magkaroon na ako ng Ninna :)

  11. butchay says:

    napaka gandang bata…. and aking lahok ay tapos na rin!

    http://butcholle.blogspot.com/2008/08/lp-mithi-wish.html

  12. bluepanjeet says:

    di ko na maabot kasikatan ni Meeya haha. Magaling ang iyong larawan kapatid.

    Eto ang sa akin, huli man daw at magaling, wafu pa rin…

    after 2 months of without LP post, its finally here. may bala na uli ako. hehe

    http://bluepanjeet.net/1389/minimithi/

    bluepanjeet’s last blog post..Minimithi

  13. bluepanjeet says:

    hay kinain na naman ni akis

    bluepanjeet’s last blog post..Minimithi

  14. jeprocks says:

    Ang aking simpleng mithi… http://jeprocksdworld.com/lp-mithi/

    jeprocks’s last blog post..LP: Mithi

  15. iska says:

    Meron akong mithi pero hindi ko sasabihin…
    Sabi nila hangga’t hindi pa natutupad ay wag daw muna ipagsasabi. Tama ba yun? :lol:
    Ang cute ni Ninna :-)

  16. Mommy Sheng says:

    Mithi ko pong inyong tignan aking lahok sa temang Mithi..

    Mother Meeya, ang ganda kuha mo kay ninnay…

    Mommy Sheng’s last blog post..Mithi

  17. MegaMom says:

    Sobrang huling-huli na ang aking lahok! Sensya na po…
    http://megamomph.wordpress.com/2008/08/25/kalusugan-at-kinabukasan/

    Ang kyut ng litrato! Medyo pareho tayo ng interpretasyon, pero MEDYO lang. ;-)

    MegaMom’s last blog post..Kalusugan at Kinabukasan

  18. Thess says:

    Ninna, pakurot :love: Ms. Meeya, sorry po at super late ako, wala kasi akong internet connection. Happy LP sa lahat!

    my ENTRY

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking mithi, ang aking hiling para sa kanya. Maaring ako ay nalulungkot ngayon ngunit alam ko sandali lang [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled