Archive for August, 2008

Aug-28-2008

LP 22: Ayaw Ko

Sa dami ng mga taong tinatawag na “cam whore”, marahil ay natural lamang na may mga taong ayaw magpakuha ng larawan. Somehow it keeps the balance of nature, kumbaga. lolz

Ako man ay hindi mahilig magpakuha ng larawan. Masaya na ako sa likod ng aking camera. Sa totoo lang, dahil sa aking camera ay nalaman kong madami pa akong dapat na i-improve hindi lamang sa aking hobby kundi lalo sa aking pagkatao. Mahirap kung minsan ngunit kailangang tanggapin ang mga kakulangang nari-realize mo. Ngunit ang unang hakbang sa pagkatuto ay ang pagtanggap.

Ako po si iRonnie, ang panauhing litratista ng Litratong Pinoy sa temang “Ayaw Ko”. Maligayang Huwebes sa inyo!

Posted under L.P.
Aug-21-2008

LP 21: Mithi

Isang magandang Huwebes po sa lahat!

Ako po si Meeya (aka MrsPartyGirl), ang inyong panauhing litratista sa linggong ito. Tulad po ng naunang panauhing litratista na si Christine, lubos kong ikinagagalak ang maimbitahan upang simulan ang isa na namang maligayang linggo ng kodakan dito sa LP. :)

Ang nasa litrato naman po sa itaas ay ang aking nag-iisang anak na si Ninna.

Ito ay kuha noong siya ay isang taong gulang pa lamang at ako naman ay nagsisimula pa lang rin mag-aral ng potograpiya. Magpahanggang ngayon, si Ninna ang aking madalas na modelo sa aking mga litrato dahil, bukod sa ito ang aking paraan upang maiukit sa aking alaala ang kanyang bawat galaw, tagumpay, at paglaki, hindi yata ako magsasawang hulihin ang kanyang mga matitipid na ngiti.

Ngunit, noon pa man, hindi ko inasam na maging isang mahusay na potograper - ang maging isang mahusay na ina lamang ang aking tanging minimithi.

~~~

Narito ang tatlong kandila.

Kung bibigyan ko kayo ng tatlong kahilingan, anong mga mithi ang nais ninyong matupad?

Posted under L.P.
Aug-13-2008

LP 20: Liwaliw

wilderness

Magandang Huwebes sa inyong lahat! Isang karangalan para sa akin na maimbitahan na maging panauhing litratista dito sa Litratong Pinoy. Ako po ay si Christine na naka-base sa Sydney, Australia at matagal na rin na may blog, ang About Christine.

Natutuwa ako sa tema natin ngayong linggong ito dahil maraming pwedeng intepretasyon ang salitang ‘liwaliw’ o pwede ring ‘pasyal’, ‘lakwatsa’ o ‘pagsasaya’. Ako, kasama ng aking pamilya ay mahilig mag-liwaliw sa mga parks. May ilan na rin kaming napasyalan dito sa Sydney ngunit ang ibinahagi kong lahok ngayon ay kuha sa Kings Park sa Perth.

Masayang-masaya ako na nakapasyal kami doon. Talagang napakaganda ng lugar at maraming pagkakataon na makakuha ng maraming litrato. Ganun din naman ang saya ng aking pamilya na sadya rin mahilig sa kalikasan. Kayo ba ay mahilig rin sa mga parks tulad namin?

Maligayang pagliliwaliw!

Posted under L.P.