LP# 17: Sa gawing Kanluran
July 23, 2008 by admin
Filed under LP entries
Magandang Huwebes sa inyong lahat, mga kasama! Kumusta ang linggo ninyo? Sana naman ay maaliwalas ito, pati na rin ang panahon sa inyong mga lugar.
Katulad ko ba ay nahirapan din kayo sa tema nating ngayong araw na ito? Dahil ako po ay nahilo! sa kaiisip ng mga litratong ibabahagi sa inyo, mabuti na lang at may naitatago akong mga larawan na kuha nuong nakaraang taon…ito sila:
Ang bantog na STONEHENGE ng Inglatera. Bakit po naman Inglatera ang aking napili sa temang ito?
sapagkat ang Inglatera ay isa sa mga bansang umuukopa sa Kanlurang bahagi ng Europa.

Maulap at panakanakang umuulan noong Abril ng nakaraang taon nang ito ay aking mabisita kasama ang 2 kaibigan.

‘Impressive!’ iyan agad ang aking naisip ng makita ko ang mga naglalakihang bato na ito na tinatayang may anim na libong taon na mahigit ang tanda. Ito ay ayon sa mga archeologists na hanggang sa ngayon ay patuloy na tumutuklas sa tunay na dahilan bakit ito itinayo.

Ang mga larawan po ay aking nilinawan ng kaunti at pinatingkad. Narito po ang link ng STONEHENGE wikipedia para sa karagdagang kaalaman.

——————————————————————–
Iniimbitahan ko po kayong sumali sa ating EB sa darating na Agosto 9, 2008, huwag po mag-atubiling magpalista ng inyong mga pangalan. Malapit na!!


