LP# 16 : LUNTIAN
July 16, 2008 by admin
Filed under LP entries
Unang sumagi sa isip kaagad ay halaman para sa temang ito. Napakaraming luntian o berde sa ating kapaligiran ngunit napagpasyahan kong ang luntiang parte ng Liryo (tagalog wikipedia) ang ilahok sa Huwebes na ito.
Luntiang kulay na siyang nagbigay balanse sa ganda ng bulaklak na liryo.

mula sa tagalog wiki
Ang saring Lilium (Ingles: lily, lilium) ay mga mala-yerbang mga namumulaklak na halaman na karaniwang tumutubo mula sa mga bulbo (o mga bukba o sinibuyas)[1], na binubuo ng may mga 110 uri sa pamilya ng mga liryo[2], ang Liliaceae. Mahalagang halaman sila sa mga hardin dahil sa kanilang mga bulaklak, at maging sa larangan ng panitikan. May ilang mga bulbo ng liryo na kinakain ng mga tao. Tinatawag na mga tunay na liryo ang mga kabilang sa saring ito, habang ang ibang mga halaman na tinaguriang “liryo” o lily din ay hindi kaugnay sa grupong ito (halimbawa na ang mga kiyapo o apon, mga “liryong-pantubig”.)
Magandang Huwebes sa inyong lahat mga kasama! Huwag po ninyong kalilimutan na bisitahin ang isa’t-isa!


