LP #11: Kalayaan
June 11, 2008 by admin
Filed under LP entries
Malamang ay nagtataka kayo kung ano kinalaman ng aking larawan sa ating tema ngayon Huwebes? Inaanyayahan ko kayong basahin ang maikling kuwento sa ilalim ng larawan at malalaman ninyo kung bakit. Medyo kakaibang klaseng kalayaan lamang po ang aking akda sa Huwebes na ito.

Ang kapatid ko ay nagtatrabaho sa Gitnang Silangan kung saan ay nakilala nya ang isang mabait na kakabayan na kasama nya sa kumpanya. Itago na lang natin sa letrang R ang kasamahan sa trabaho ng kapatid ko. Base sa mga kwento ng aking kapatid, naging kaibigan nya talaga si R at pagpapatunay na lagi itong tumutulong kapag kinakailangan ng aking kapatid. Si R din ang matyagang nagbantay sa aking kapatid nang kinailangan operahan ito at mahimpil sa ospital. Para talaga silang magkapatid.
Subalit may gumulo sa isipan ng kapatid ko dahil isang araw ay kinausap sya ng masinsinan ni R at inihabilin lahat sa kanya ang usernames/passwords ng kanyang mga e-mail accounts, numero kung saan maaring tawagan ang kanyang ina at kapatid sa Pilipinas. Naghahabilin na ito at derechahang sinabi sa kapatid ko ang balak nya. Bukod kasi sa depresyon, may sakit din si R at may hinanakit sa ama na umiwan sa kanila nuong sya ay bata pa. Gusto na raw nya makalaya sa mga hinanakit at sama ng loob na dinadala nya. Hindi na raw nya kakayanin pa. Magmula nuon ay lagi na itong binabantayan ng kapatid ko, inaalo kapag nalulungkot, at tuwing libre sila sa trabaho ay niyaya na mag out of town para malibang. Ginagawa lahat ng mga kasamahan din sa trabaho ni R ang lahat para ito ay hindi makadama ng kalungkutan.
Hanggang sa inilipat sa ibang sangay ng kumpanya ang aking kapatid ng kanilang boss. At ang sangay ay nasa ibang bansa. May hinabilinan ang aking kapatid na tumingin kay R, na lagi itong aaliwin at subaybayan. Makaraan ang ilang buwan na pagkakalipat ng aking kapatid sa ibang bansa, isang dating kasamahan sa trabaho ang tumawag sa kanya. ‘Wala na si R’ sabi nito. Itinuloy nya ang ‘pangako’ nya. Nanlulumo at malungkot na tumawag sa akin ang aking kapatid para ihatid ang balita.
At ang nasa larawan sa itaas? Ganyan ang ginamit ni R upang makalaya sa sakit, hirap ng kalooban at isip na madaming taon nyang tiniis.
Ang tanong lang naming magkapatid ay: “Nakamtan nya kaya ang kapayaan matapos makalaya?”


Malungkot ang kwento ng kanyang kalayaan. Sana masaya sya ngayon.
Magandang Hwebes.
Em Dy’s last blog post..Presong Pusa
para sa akin, hindi. nakakalungkot isipin sa ganyan niya dinaan ang paglaya. nakakatindig-balahibo, ngunit totoo.
ang weird, dahil parang magkarugtong ang ating entries
may kasama din akong maikling kwento doon: Palayain mo ako
Iris’s last blog post..Wave bye-bye
kalungot naman itong ibang kalayaan.
nahirapan ako sa tema kaya naghiram ako kay pareng fermin…
magamdang huwebes sa lahat
Mahirap maarok minsan ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
Ito po ang aking lahok ngayong linggong ito — http://siteseer.blogspot.com/2008/06/freedom.html
Dr Emer’s last blog post..Freedom
huh? may kwento rin ako pero mas malungkot naman itong kwentong ito…btw, ang ganda pa rin ng larawan…happy LP to y’all!
ces’s last blog post..LP #11: i have a tale to tell
Sa totoo lang, naiyak ako. Oo, naging malaya nga siya sa mga problemang iniwan niya pero paano naman ang mga naiwan niya?
Ang akin naman ay may temang akma sa selebrasyon ng ating Araw ng Kalayaan. Opo, ngayon po ito at hindi noong Lunes.
Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating mga Pilipino.
Kalayaan- Freedom
julie’s last blog post..Kalayaan – Freedom
Oo nga… napaisip din ako kung tunay nga bang kalayaan ang nakamtan niya o mas matinding suliranin? Kaawa naman si R… Sana nga ay nagkaroon na nga siya ng tunay na kapayapaan.
Pinky’s last blog post..LP #11: Kalayaan
Ay naalala ko yang kwentong yan. napakaganda ng pagkakuha mo ng tali, kaso malungkot naman ang kwento behind. Dalawin mo na yung sakin para malaman mo yung sinulat ko sa flickr ko ^_^
*hikbi* nalungkot ako bigla sa lahok mo mahal na admin.. haaayy.
nagtatanong din ang aking kalayaan…
nakamit na ba ang tunay na kalayaan sa pagbubuwis ng buhay ng ating mga bayani?
http://peterahon.blogspot.com/2008/06/mabuhay-ang-kalayaan.html
ang larawan po ay isa sa mga kuha namin na nag EB sa Pilipinas, huling shot bago nag-paalaman…
Mabuhay po tayong lahat – malaya man o hindi malaya !
Nakakapanlumo
Palagay ko ay walang kapayapaan syang nakamit sa ginawa nya. May he rest in peace.
Thesserie’s last blog post..LP#11-Kalayaan
Magandang Huwebes po sa inyong lahat… Tila yata nagiging aktibo lang ako sa aking Blog kapag parating na ang araw ng Huwebes, ang araw nang pagsali sa Litratong Pinoy…
Ito po ang aking kontibusyon sa linggong ito…
http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/06/lp-11-kalayaan_11.html
Ang bigat sa puso ng iyong kwento. Nakakalungkot…
Sana’y maging maganda ang araw nyo.
Joy’s last blog post..LP #11: Kalayaan {Freedom}
isang maling lunas upang makamit ang kalayaang hinahangad…sana ay ayos na ang iyong kapatid pati na rin ang mga kapamilyang nagmamahal kay R.
ito po ang sa akin : http://manillapaper.com/2008/06/lp-freedom-kalayaan/
Reflexes’s last blog post..WS2: Barbecue
tragic pala ang kwento ng iyong kalayaan. nakakalungkot. siguro nga sa ibang mga tao katulad ni R ay matatawag na kalayaan ang kanyang ginawa.
Ms Admin nakakalungkot naman ang kuwento mo. Mahirap talaga kapag ikaw ay nawalan ng pag-asa sa buhay. Minsan akala mo eh ang kamatayan lang ang tanging solusyon sa iyong mga suliranin. Sana nawa’y nakamtan nga ni R ang kalayaang hinahanap niya.
Clicking Away’s last blog post..LP011 – Kalayaan
Nakakalungkot….totoong nakalaya siya sa lahat ng kalungkutan pero sayang ang buhay niya na hindi nman siya ang dapat magwakas nito…Wala ng pagkakataon na maging masaya pa o ayusin ang mga gusot…
Ecclesiastes 9:5 ”For the living are conscious that they will die; but as for the dead, they are conscious of nothing at all, neither do they anymore have wages, because the remembrance of them has been forgotten. 6 Also, their love and their hate and their jealousy have already perished, and they have no portion anymore to time indefinite in anything that has to be done under the sun.”
Ay sorry mahaba pala, maraming silbi ang lubid at isang nakakalungkot na silbi nito ay ang pagputol sa buhay…
http://mirageasusual.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan-freedom.html
malungkot isiping ginagawa ito ng iba pra makalaya sa kanilang mga dinaramdam o pasakit – sa aking pananaw ito ay di paglaya bagkos ito ay pagtalikod o pagsuko sa hamang hinaharap o pinagdaanan.
malungkot isiping ginagawa ito ng iba pra makalaya sa kanilang mga dinaramdam o pasakit – sa aking pananaw ito ay di paglaya bagkos ito ay pagtalikod o pagsuko sa hamong hinaharap o pinagdaanan.
masyado naman atang masakit ang mga pangyayari. hindi ko masasabi kung may kapayapaan nga ba.
http://bluepanjeet.net/1199/ang-tunay-na-kalayaan/
bluep’s last blog post..Tree Hundredth
ang alam ko naikuwento mo nga sa kin to dati… kalungkot naman…
narito na ang aking lahok para sa kalayaan…
lino’s last blog post..kalayaan…(freedom)
Malungkot ang naging paraan nya upang makamit ang kanyang kalayaan. Sana ay makamit n’ya ang kapayapaan.
jules’s last blog post..LP #007: Kalayaan
nalungkot ako sa kwento ng kalayaan nya pero napakagandang larawan pa din. bravo sayo at maligayang huwebes!!! :yay:
http://www.wifeynibangis.com/2008/06/litratong-pinoy-9-free.html
what a tragic story… nakakalungkot naman… kalayaan nga ba itong maituturing?
magandang huwebes sa’yo…
nakakalungkot at nakakakilabot ang storya, lalo na nang nalaman ko kung ano yung litrato!
ibang klaseng kalayaan naman ang lahok ko ngayon.
http://www.mysurfergirl.info/2008/06/litratong-pinoy-3-kalayaan.html
Sana nga ay malaya na siya. Sa isang pelikulang napanood ko, sinabi na yan nga daw ang “the greatest form of escape.”
Ang aking lahok ay nakapost na po:
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/06/kalayaan.html
Sana dumaan po kayo. Salamat.
ShutterHappyJenn’s last blog post..Kalayaan
Ako’y nalungkot sa iyong kwento. Sana’y nakamtan nya ang hangad na katahimikan at kalayaan.
Ito naman ang aking kontribusyon…
http://maver.wifespeaks.com/2008/06/lp-11-kalayaan.html
Napakalungkot naman ng sinapit nya. Sana nag-isip-isip muna sya bago nya yun ginawa. Marami namang paraan para maibsan ang mga ganoong klaseng mga hinanakit eh.
Ito nga pala ang lahok ko sa linggong ito..http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
Cookie’s last blog post..Weekend Snapshot : Macopa
malungkot. pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagagawa ng iba ang ganun
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Kalayaan
nakakalungkot naman ang kwento…naging malaya nga sya dito pero dun kaya sa pinuntahan nya ay malaya kaya sya…
minsan mas naiisip natin na tumakas n lng dahil akala natin yun ang magpapalaya sa atin yun pala m
as magiging mahirap pala ang lhat
ito ang aking lahok sa linggong ito… http://shamainereyes.blogspot.com/2008/06/lp-11-kalayaan.html
happy huwebes sa lahat…:)
emoterang nurse’s last blog post..LP # 11 Kalayaan
Isang malungkot na paraan upang makamit ang kalayaan. Ilan pa kayang katulad ni R ang umaasam sa kalayaan at katahimikan? Sana naman po hindi sa ganoong paraan. Malungkot at nakakasaling ng puso.
meron na rin po akong kalayaan.
http://pixelminded.wordpress.com/2008/06/12/lp9-kalayaan-freedom/
Happy Independence Day!!!
FickleMinded’s last blog post..LP#9- Kalayaan (Freedom)
ang lungkot naman.
pero ang ganda ng larawan.
nakakalungkot na kinailangan nyang gawin ang ganon. life should have been lived and seized every moment.
bb. admin, ang husay nanaman ng kuha mo. nakakainspire ka =)
gandang umaga! nakalahok din! paumanhin at hindi ako nakasali ng nakaraang linggo.
happy LP sa inyo! =)
haze’s last blog post..LP#11: Kalayaan
ay nakakapanlumo naman iyan hikbi.
eto ang aking lahok: http://www.stripeatyellow.com/2008/06/litratong-pinoy-4-kalayaan.html
maligayang LP sa lahat! :love:
Checking lang po kasi di pa lumalabas comment ko. Eto uli lahok ko http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
Cookie’s last blog post..Weekend Snapshot : Macopa
maligayang araw ng kalayaan, mga kababayan!
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy8kalayaan.html
fortuitous faery’s last blog post..under my umbrella
kinilabutan ako sa istorya na ito, nakakapanghinayang, nakakalungkot, madaling sabihin bakit nya ginawa iyon pero alam ko iba pag ikaw na ang nasa lagay nya. Pang MMK ang istorya na ito ah..
sayang wala akong lahok sa linggong ito..
nakakapanlumo naman ang kwento mo hikbi.
eto ang aking lahok: http://www.stripeatyellow.com/2008/06/litratong-pinoy-4-kalayaan.html
Maligayang LP sa lahat! :l:
magandang huwebes. wala akong imahe ng bandila tocommerate the kalayaan ng pinas today but i used a different image. you can check it out here:
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
ingat laha! happy LP sa lahat! I think i missed two entries and am glad am making it today at malapit ring hindi dahil wala akong bandila na image.
sunshine’s last blog post..Litratong Pinoy – Kalayaan
maituturing nga kayang tunay na kalayaan ang nakamit ni R? nakakalungkot ang paraan na kanyang ginawa upang maging isang ‘malaya.’
narito na rin po ang aking mga lahok. isang mapagpalayang huwebes sa ating lahat! mabuhay!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #11: Kalayaan
nakakalungkot naman ang kwento na yan… sana nga mahanap nya ang kapayapaan…sana…
eto nga pala ang aking lahok:
http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-kalayaan.html
kathycot’s last blog post..her new pet
lubos na nabagabag ang aking kalooban sa kuwentong ito. nakakalungkot.
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #11: Kalayaan
sana’y huwag nang madagdagan pa ang mga taong katulad ni R na pagkitil sa sariling buhay ang nahanap na solusyon upang palayain ang sarili.
maligayang huwebes sa inyong lahat.
Mapped Memories’s last blog post..LP #11: Kalayaan (Freedom)
Kalayaan nga ba iyon? Nakakalungkot naman ang kwento. Napakabigat siguro ng mga dinaanan talaga ni R para isipan niya ang ganoong pamamaraan para makalaya.
Heto naman ang aking lahok: Kalayaan Ko: Hipon!
http://wifelysteps.com/2008/06/12/kalayaan-ko-hipon/
toni’s last blog post..Kalayaan Ko: Hipon!
Ano ang tunay na pakiramdam ng bayang malaya? Tayo ba’y tunay na malaya?
Sasagutin ko dito…ngunit ang mga litrato ay naririto.
Maligayang araw ng Kasarinlan!
Napakalungkot naman ng kinahinatnan ni R. Sana nga nakamtam niya ang kalayaan na minimithi niya.
Andito po ang lahok ko…
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Kalayaan
nakkalungkot.. hinde ko maisip kung bakit nakakaya nilang saktan ang sarili nila.. wala ako sa lugar para mag judge, hinde ko rin alam ang tunay na dahilan.. siguro meron talagang mga taong hinde na kayang pasanin ang sakit na nararamdaman nila at ang tingin nilang lunas ay mga ganitong bagay
nkakalungkot isipin na nawalan sya ng tatag ng dibdib para harapin kung ano man ang gumugulo sa isip nya.. pero hinde ko sya masisisi.. atleast, at peace na sya.. wala ng iintindihin at iisipin pa..
eto po ang entry ko para sa linggong ito
http://revolutionmotion.com/?p=1072
happy indepence day.. sa june 12!!
napakalungkot naman ng iyong salaysay… masakit sa puso na ang ating mga kababayan ay nakararanas ng ganito habang malayo sa mga mahal sa buhay… mabait ang iyong kapatid at nagmalasakit sya kay R. Mabuhay siya!
Magandang araw mga ka-lp!
p.s. pasensya na po di ako nakaikot kasi (ubo-ubo ubo)….
bawi na lang po ako ngayon!
nandito po ang aking lahok:
http://www.litratongpinoy.com/lp-11-kalayaan/