LP #11: Kalayaan

June 11, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Malamang ay nagtataka kayo kung ano kinalaman ng aking larawan sa ating tema ngayon Huwebes? Inaanyayahan ko kayong basahin ang maikling kuwento sa ilalim ng larawan at malalaman ninyo kung bakit. Medyo kakaibang klaseng kalayaan lamang po ang aking akda sa Huwebes na ito.

lubid.jpg

Ang kapatid ko ay nagtatrabaho sa Gitnang Silangan kung saan ay nakilala nya ang isang mabait na kakabayan na kasama nya sa kumpanya. Itago na lang natin sa letrang R ang kasamahan sa trabaho ng kapatid ko. Base sa mga kwento ng aking kapatid, naging kaibigan nya talaga si R at pagpapatunay na lagi itong tumutulong kapag kinakailangan ng aking kapatid. Si R din ang matyagang nagbantay sa aking kapatid nang kinailangan operahan ito at mahimpil sa ospital. Para talaga silang magkapatid.

Subalit may gumulo sa isipan ng kapatid ko dahil isang araw ay kinausap sya ng masinsinan ni R at inihabilin lahat sa kanya ang usernames/passwords ng kanyang mga e-mail accounts, numero kung saan maaring tawagan ang kanyang ina at kapatid sa Pilipinas. Naghahabilin na ito at derechahang sinabi sa kapatid ko ang balak nya. Bukod kasi sa depresyon, may sakit din si R at may hinanakit sa ama na umiwan sa kanila nuong sya ay bata pa. Gusto na raw nya makalaya sa mga hinanakit at sama ng loob na dinadala nya. Hindi na raw nya kakayanin pa. Magmula nuon ay lagi na itong binabantayan ng kapatid ko, inaalo kapag nalulungkot, at tuwing libre sila sa trabaho ay niyaya na mag out of town para malibang. Ginagawa lahat ng mga kasamahan din sa trabaho ni R ang lahat para ito ay hindi makadama ng kalungkutan.
Hanggang sa inilipat sa ibang sangay ng kumpanya ang aking kapatid ng kanilang boss. At ang sangay ay nasa ibang bansa. May hinabilinan ang aking kapatid na tumingin kay R, na lagi itong aaliwin at subaybayan. Makaraan ang ilang buwan na pagkakalipat ng aking kapatid sa ibang bansa, isang dating kasamahan sa trabaho ang tumawag sa kanya. ‘Wala na si R’ sabi nito. Itinuloy nya ang ‘pangako’ nya. Nanlulumo at malungkot na tumawag sa akin ang aking kapatid para ihatid ang balita.

At ang nasa larawan sa itaas? Ganyan ang ginamit ni R upang makalaya sa sakit, hirap ng kalooban at isip na madaming taon nyang tiniis.

Ang tanong lang naming magkapatid ay: “Nakamtan nya kaya ang kapayaan matapos makalaya?”

Comments

85 Responses to “LP #11: Kalayaan”
  1. Marites says:

    nakakapanlumo at nakakapanghinayang ngunit nasa tao talaga ang pagdedesisyon sa kung paano tatakbo ang kanyang buhay. Sana’y natamo niya ang kapayapaan sa kabilang buhay. Magandang Huwebes mga ka-LP!

    Marites’s last blog post..Happy 110th Independence day, Philippines!

  2. alpha says:

    maligayang araw ng kalayaan.

    http://alphadf.com/2008/06/12/lp-kalayaan/

    alpha’s last blog post..Bathroom Pics.

  3. Kotsengkuba says:

    Up, up and away!

    Nakakalungkot naman. Akala mo sa mga telenobela lang may mga ganyang kwento pero nakakalungkot kapag personal mo na itong nasaksihan. Ayoko naman ng ganyang experiences ;-)

    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0824 » Kalayaan

  4. Meeya says:

    nyehhh ang morbid! :( sln na lang po.

    MyMemes: LP Kalayaan
    MyFinds: LP Kalayaan

    Meeya’s last blog post..LP11: Kalayaan

  5. Meeya says:

    sa aking mga kapwa pinoy, isang maligayang araw ng paggunita ng aking kasarinlan para sa ating lahat. :)

    MyMemes: LP Kalayaan
    MyFinds: LP Kalayaan

    Meeya’s last blog post..LP11: Kalayaan

  6. christine says:

    nalungkot ako, miss LP. :( God bless his soul.

    http://strawberrygurl.com/2008/06/12/lp-11-kalayaan-freedom/

    christine’s last blog post..LP 11: Kalayaan (Freedom)

  7. ayen says:

    Umabot pa ko sa ika-12 ng Hunyo. :) Maligayang Huwebes!

    Litratong Pinoy: Kalayaan

    ayen’s last blog post..Litratong Pinoy: Kalayaan

  8. dang says:

    kumusta sa lahat ng myembro! naghanap ako ng larawang kuha ko sa pilipinas upang icelebrate ang kalayaan subalit wala akong makita, pawang magaganda ang mga lahok at tunay na nakapag iisip makauwi sa pilipinas kong mahal..eto na lang muna ang lahok ko at sana ay nagustuhan ninyo! maligayang huwebes..!!!
    http://dangcharlie.blogspot.com/2008/06/lp-kalayaan.html

    dang’s last blog post..LP – Kalayaan

  9. Ate Sienna says:

    Nakakalungkot pero parang mali… sana ma-abot na nya ang katahimikang ninanais nya…

    Eto po ang lahok ko para sa linggong ito ng “Kalayaan”
    http://www.manilena.com/photography/litratong-pinoy-11-kalayaan/

    At hahabol po ako sa nakaraang linggong “Pag-iisang dibdib”
    http://www.manilena.com/photography/litratong-pinoy-10-pag-iisang-dibdib/

    Maraming salamat po!

    Ate Sienna’s last blog post..Litratong Pinoy #9: Ihip Ng Hangin

  10. vanidosa says:

    Malungkot din ang kwento ng tema ko sa Kalayaan pero ang sa akin ay sana temporaryo lang.
    http://www.mariegvergara.com/?p=404
    http://vanidosa.blogspot.com/2008/06/lp11-kalayaan.html

  11. Tere says:

    Malungkot na kwento pero sana di naman humantong sa ganung paraan para makamtan nya ang kanyang kalayaan. Sana natahimik sya at di lalong nabagabag ang kanyang kaluluwa kung san man yung kaibigan ng kapatid mo.

    Eto pala ang lahok ko sa linggong ito (mawalan kami ng internet connection salamat sa PLDT at kaya ngayon lang ako akadalawa dito):

    http://www.chartherct.com/2008/06/12/june-12-indendence-day-araw-ng-kalayaan/

    Tere’s last blog post..New Bankerohan Bridge (Governor Generoso Bridge I) Now Open

  12. Eds says:

    hay! pasensya na at ako’g nahuli! It’s better late than never ika nga!

    Sana ay may makapunta pa sa aking entry ngayong linggong ito

    http://edsnanquil.com/?p=820

  13. Linnor says:

    parang mahirap husgahan ang ginawa nya. pero kung meron mang magbabalak ng ganoong paraan para makalaya, sana sumagi sa isipan na marami man tayong suliranin, wag sanang mawawalan ng pag-asa na balang-araw, makakamit din ang kapayapaan at kalayaang hinahangad

    Linnor’s last blog post..Kalayaan

  14. christine says:

    ang aking pangalawang lahok para sa tema ngayong linggo. :)

    BusyMom: LP1 Kalayaan

    christine’s last blog post..LP 1: Kalayaan (Freedom)

  15. MommyBa says:

    Nakakalungkot ang nangyari. :( Ipagdadasal ko na lang na sana nakamit na nya ang kalayaang hinahanap nya.

    Baka medyo huli na pag ako ay nag-post. Kelangan ko pa maghanap o kumuha ng litrato na ganito ang inspirasyon :)

    Happy weekend po sa lahat :) Dadalaw na lang po ako sa mga blogs ninyo :D

  16. scart says:

    weeeee Huwebes na naman at ngayon medyo maaga ako ng kunti kahit huli parin hehehe

    ito nga po pala ang aking lahok http://snapies.scarty.com/index.php?showimage=60

    Maganda po ang lahok nyo ngayon :)

    Maligayang HUwebes mga kapatid!

  17. Marites says:

    Sa wakas, natapos ko rin ang aking lahok..eto na po..
    http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-4-kalayaan.html

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy #4 Kalayaan

  18. naririto rin ang aking lahok. pasensya na at nahuli…
    http://aborrowedlife.wordpress.com/2008/06/14/lp-no-11-kalayaan/

    jerome aka bridget jones’s last blog post..LP No. 11: Kalayaan

  19. korky says:

    ang lungkot naman nang sinapit ni R. nakakalungkot din para sa pamilya at mga kaibagang iniwan nya.

    korky’s last blog post..LP #11 Kalayaan

  20. nina says:

    May kaibigan din akong nagpalaya ng kanyang sarili sa parehong paraan. Nadurog ang puso ko lalo ang mga mahal nya buhay na naiwan. Maharil ay nakalaya na nga sa kanilang problema.

    Huli na yong post ko pero meron na :)

    nina’s last blog post..LP – Pag-iisang Dibdib

  21. nina says:

    bakit kaya hindi updated ang comment plugin? :) eto ang link http://ninariccicruz.blogspot.com

    nina’s last blog post..LP – Pag-iisang Dibdib

  22. ay d ko pla napost dto ang entry ko sa temang ito..kya eto na: http://silentprincess.philanime.com/?p=99

  23. Lizeth says:

    nakakalungkot naman. sana ay mayroon pa syang ibang paraan na naisip..kasya sa kanyang ginawa. marami namang nagmamahal sa kanya.

    ———

    huli man…hahabol pa din: http://theluckywan.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-11-kalayaan.html

  24. hello hello!!! pasensya na at late na naman ako. eto ang entry ko para sa temang “kalayaan”

    http://kennykerol.blogspot.com/2008/06/lp-kalayaan.html

    carol bustos-santiago’s last blog post..LP Kalayaan

  25. colby says:

    ako din nahuli!! eto na po ang aking entry! sana maging maganda ang linggo ninyong lahat!

    http://strangebyday.blogspot.com/2008/06/lp-11-kalayaan.html

    colby’s last blog post..LP #11 Kalayaan

  26. Medyo malungkot naman ang kwento ng larawan mo. Sana ay makalaya tayong lahat sa mga bagay na nagpapahirap sa ating buhay.

  27. Dyes says:

    humahabol po! *hingal* kah! kah! kah!

  28. Chrys says:

    Haaay, medyo nahuli ako sa aking lahok, pan samantalang busy ang buhay ko ngayun, he he he, eto naman ang aking kontribusyon kahit na huli.

    Chrys’s last blog post..“Kalayaan”

  29. watson says:

    Napakalungkot naman ng kwentong ito… talagang desidido na syang tapusin ang lahat.

    watson’s last blog post..Litratong Pinoy #11: Kalayaan

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa Linggo ng Kalayaan ng Litratong Pinoy. Ang watawat na iyan at ang mga titik na naka ukit sa isang tableta ay pawang makikita sa Emilio [...]

  2. [...] kasalukyang tema sa Lingguhang Litratong Pinoy ay Kalayaan. Para sa iba pang piling larawan, bisitahin ang aking photoblog sa [...]

  3. [...] kasalukyang tema sa Lingguhang Litratong Pinoy ay Kalayaan. Para sa iba pang piling larawan, bisitahin ang aking photoblog sa [...]

  4. [...] ito para sa temang KALAYAAN. Para makita ang ibang mga lumahok, maari lamang na puntahan sila sa Litratong Pinoy. Posted in Litratong Pinoy, pictures | Comments [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled