LP #13: Pag-aaral
June 25, 2008 by admin
Filed under LP entries
“Ma, baon ko po? Ma-le-late na po ako sa school!”
Bukang bibig naming magkakapatid tuwing umaga kapag kumakaripas ng takbo at halos mahuhuli na sa pagpasok sa eskuelahan. Nang mga panahon na iyun, hindi namin naisip na ang mga magulang namin ay hindi laging may perang iaabot para lamang bigyan kami ng ‘baon.’ May mga pagkakataong kailangan liitan ang baon dahil sa kagipitan. Apat na batang sabay-sabay na nag-aaral ay sadyang mahirap na pasanin kahit na ang 2 magulang ay kapwang may trabaho. ” Magkaroon kami magandang kinabukasan“, tanging nais ng aming mga magulang.

Pribado o pampublikong paaralan, kapwa itong nangangailangan ng salaping pambayad upang mapag-aral ang mga anak. Saan mang dako ng mundo, taon-taon ay ang pagpapa-aral ang pinaghahandaan ng mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap na kumita ng pambayad sa paaralan.
Sa kasamaang palad ay hindi laging nasusulit ang paghihirap ng mga magulang. Hindi madaling tanggapin na ang iyong anak ay nawalan ng interes sa pag-aaral na konting panahon na lang ay magma-martsa na eto sa entablado upang kunin ang kanyang diploma. O bigla na lamang ito nag-uwi ng nobya na itinanan sa dahilang magkaka-apo ka na. O kaya naman ay napatalsik ng kanyang paaralan sa kadahilanang ito ay matagal ng nagbubulakbol at hindi pumapasok.
Sa kabilang banda, sadyang maraming magulang din ang binigyang ligaya ng kanilang mga anak na nagsikap at nagpakahirap upang makapagtapos ng pag-aaral. Mga anak na nakakaunawa ng paghihirap at sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang kinabukasan.
Pag-aaral. Tanging nais ng mga magulang na idulot sa kanilang mga anak.
Pag-aaral. Katumbas ay hirap at pasakit ng ating mga magulang.
Pag-aaral. Pag-igihan. At sana’y laging pahalagahan.
MAGANDANG HUWEBES SA INYONG LAHAT!!
——————————————————-
Para po sa hindi pa nakakapunta o nagrerehistro sa ating FORUM, i click lamang po ninyo ang dilaw na logo sa ating sidebar para madali itong mapuntahan.
At para din po sa hindi pa nakaka-alam tungkol sa ating Unang Opisyal na L.P. EB/Photo Op sa darating na Agosto 9, 2008, mangyari po lamang na bisitahin ang nakaraang akda or ang ating Forum para sa detalye. Yung mga gustong sumama, MAGPA-LISTA NA PO KAYO NG INYONG MGA PANGALAN!! Maraming Salamat!!



gusto ko ang larawan ninyo. ang baon kasama sa pangangailangan ng mga bata habang sila ay pumapasok. hindi ko naisip ito. ang naisip ko agad ay libro.
bago ako dito. ito ang una kong pagsali sa litratong pinoy.
http://rumplestilskin.wordpress.com/2008/06/26/litratong-pinoy-1-pag-aaral/
evi’s last blog post..Litratong Pinoy #1 – Pag-aaral
Ito ang aking lahok sa huwebes na ito –
http://www.joarduo.com/2008/06/litratong-pinoy-5-pag-aaral.html
huli na naman ako.. http://alphadf.com/2008/06/26/lp-pagaaral/
alpha’s last blog post..Let’s Bake.
huli man daw at magaling ay huli pa din :happylol:
sana ay maibigan nyo ang aking lahok ngayong linggo
http://www.wifeynibangis.com/2008/06/litratong-pinoy-14-when-east-meets-west.html
p.s.
bb admin, ako po ay taga pilipinas…
magandang araw. pasensya na po at late ako ngayon. :happylol:
panalangin kong pagigihang mabuti ng aking anak ang kaniyang pag-aaral at huwag siyang mawalang ng interes dito.
…magmana sana sa akin. hee hee.
happy huwebes!
may isa pa akong lahok.
may sumunod pa sanang sumali para hindi naman ako ang huli.
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #13: Pag-aaral
Ako’y umabot!
http://wifelysteps.com/2008/06/26/mga-aral-dulot-ng-kabuteng-mesa/
Toni’s last blog post..Mga Aral Dulot ng Kabuteng Mesa
Sabi nang aking nanay na noon daw nag-aaral sila ng elementarya eh 5 sentimo lang ang baon nila isang araw ayos na. Kaya noongmag-aaral na ako eh bibigyan ba naman ako ng 5 sentimos din, baka naman kako pwedeng dagdagan ayun ginawang 10 sentimos hehehe.
Isang magandang araw sa lahat.
http://luminosity.kadyo.com/?p=49
Pasensya na po at hindi ako nakadalaw last week. Kung me panahon kayo, pakidalaw na lang ang lahok ko last week at ngayong linggo
Sigurado akong pag bumisita ako sa mga bahay nyo ngayong weekend, marami akong makikitang magagandang litrato tungkol sa pag-aaral
huwebes pa lang po dito sa east coast! :beh:
narito ang aking koleksyon ng mga litrato para sa tema ngayong linggo! :hmm:
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy10pag-aaral.html
fortuitous faery’s last blog post..shear genius!
Pinay Valedictorian sa elementarya sa Toronto…ang galing galing!
http://pic.blogspot.com/2008/06/ang-galing-galing.html
yay, tapos ko na din ang akin.
naku ms admin, mahirap na nga mag ipon para lang mapaaral sa maayos na paaralan ang mga anak. at matindihang pag iipon ito. sang ayon ako sa akda mo, na may mga anak na hindi alam ang halaga ng pagpapaaral sa kanila ng mga magulang nila.
nakalahok na rin sa wakas. paumanhin at late dahil akoý may sakit.
happy lp sa inyo!
up na sakin… sanay masilayan nyo ang napakaganda kong anak sa kanyang unang araw ng eskwela…
napakahalaga talaga ng pag-aaral! ang aking lahok para sa linggong ito…
http://islfamily.com/?p=101
magandang araw sa inyong lahat!
tama ung sinabi mo!
eto nga pala ang lahok ko: http://kennykerol.blogspot.com/2008/06/lp-pag-aaral.html
narito ang aking litrato .. http://www.amazingsincebirth.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-aaral.html
uy dami moolah, pautang ^_^
pero tama ka, para lang makapag aral ngayon kelangan ng malaki laking pera, kaya inis na inis ako dun sa mga estudyante na pabaya, kala nila pinupulot lang ang pera na pinapag aral sa kanila.
Paumanhin po, huli ang aking lahok
http://etcetera-atbp.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-aaral.html
Salamat at isang maligayang huling linggo sa inyong lahat!
LP: Hanggang hindi pa po nagpapalit ng susunod na Huwebes, hindi po huli ang lahok nyo
sorry po late na naman.
but nakahabol pa rin..
naku.. magastos talaga.. lalo na dito sa U.S maswerte ang nakakapag kolehiyo ng walang pinansyal na tulong mula sa gobyerno, dahil ang nakakapag kolehiyo lamang dito malimit ay scholar o kaya mayaman
hay.. ewan ko kung paano na pag nagkolehiyo ang dalawa kong anak dito
eto po ang aking entry
http://revolutionmotion.com/?p=1127
better late than never — mine is up!
sunshine’s last blog post..LP – Pag-aaral
sorry at late po ulit ang lahok ko. eto na po
korky’s last blog post..LP # 13 Pag-aaral