LP# 12: ITAY
Gaya po ng nakikita ninyo, hindi Pinoy ang aking lahok na AMA. Ito po ang ama ng aking kabiyak, 83 taong gulang na po sya.
Tumatayong ina at ama sa aking kabiyak at kapatid nito sa nagdaang dalawang dekada hanggang sa kasalukuyan. Siya ang tipo ng ama na gagawin lahat para sa kanyang mga anak. Kayang kaya ninyang gampanan hindi lamang ang papel ng ama kundi lalo na ng ina. Nuong hindi pa nagsisipag-asawa ang mga anak ay kanyang ginampanan ang paglalaba, paglilinis ng bahay, pamamalengke, pagluluto, lahat ng trabahong ina at ang mga nabanggit ay normal para sa kanya. Sa aking pagkakaalam, walang pagkakataon na iniwan nya ang kaniyang pamilya simula ng sya ay magkapamilya para lamang sumama sa mga kabarkada na mag ‘relax’ sa pub na normal na ginagawa ng ibang kalalakihan dito. Para sa kanya, pwede kang mag relax na kasama mo ang buong pamilya mo. Kaya ganun na lang ang higpit ng kanyang relasyon sa aking kabiyak.
Nalagpasan ang 2 pandaigdig na digmaan. Nalagpasan ang hirap sa kalooban na mamatayan ng mga mahal sa buhay na higit na nakababata sa kanya. Kasalukuyang nilalabanan nya ang prostate cancer sa pamamagitan ng positibong pananaw pa rin sa buhay. Paminsan-minsan ay nakakaramdam ng pagkalungkot sapagkat hindi na nya magawa ang mga bagay na nagagawa nya nuong sya ay medyo bata pa. Alam nyo bang kung kakayanin nya lang ay araw araw nya ipagluluto ng paboritong pagkain ang aking kabiyak? Paborito kasi nya ang pagluluto.

Hindi man sya Filipino ay paborito naman nyang kainin ay ang ating TAPSILOG o TOCILOG o kombinasyon nito.

Sa aming bahay ay madalas yan ang iniluluto kapag dumadalaw sya. Paborito din nya ang sinigang na baboy, pritong daeng at adobo. Pinoy na pinoy, ano po?
Mabuhay ang mga Ama! Salamat sa inyong pangangalaga sa inyong mga pamilya.
*****************************************************************
Sa mga hindi pa po nakakaalam, ang ating FORUM ay bukas na po at lahat kayo ay inaanyayahan dito. Nasa sidebar po ang button, i-click nyo lang ito para madali mapuntahan.



Yu mga ibang silog, type din nya? Magandang Hwebes!
Em Dy’s last blog post..Para kay Tatay
Magandang Hwebes! Masuwerte tayo at okay ang mga biyenan nating lalaki!
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy – Itay
ihandog natin ang buong linggong ito sa mga ama…
bigla ako nagutom sa lahok mo mahal na admin
Tunay na dakila ang iyong biyenan! Sana ay madami pang lalaki ang sumunod sa kanyang mga yapak…
Pinky’s last blog post..LP #12: Itay
Magandang edad ang 83. Sa aking palagay ay napakarami nya na naipon ng mga salaysay sa buhay. Mabuhay ang iyong Itay!
Ang aking lahok — http://siteseer.blogspot.com/2008/06/dad.html
Dr Emer’s last blog post..Dad
Gandang Huwebes. ako’y nagbabalik.
napakadakila nyang biyenan. Saludo ako sa kanya.
Happy Father’s day sa kanya
Jeanny’s last blog post..LP# 12 Itay
syempre di pahuhuli ang tatay ko – Bagong Bayani – hehehe…
http://peterahon.blogspot.com/2008/06/ang-tatay-ko-bagong-bayani.html
salamat sa forum, tignan mo nga naman pinag-uusapan lang last week ngayon up na siya…
hmmm kapansin-pansin ba na puro LP na lang yata ang laman ng aking blog, well mukhang LP ang inspirasyon ko na mag-blog… sabi ko nga it a very enriching experience to be affirmed and notice thru LP.. di ba Buge and Lino…
o baka mapahaba sa forum na lang ang daldalan…
good wishes po sa lahat at maligayang Huwebes ang bilis ng araw isang linggo na rin pala ang nakakalipas ng lumisan ako sa Pilipinas…
Katakam-takam nga naman ang ’silog sa iyong kuhang larawan. Hindi nakakapagtaka na magustuhan nya yan. Magandang Huwebes sa lahat!
Heto po ang lahok ko: http://manillapaper.com/2008/06/lp-father-itay/
Reflexes’s last blog post..Reinventing
Isa syang huwarang ama at ama-in-loh
nakakagutom naman ang paborito nya. gusto ko tuloy magmidnight snack.
Ang aking lahok ay isa sa mga pinakapaboritong litrato ko ng aking mag-ama. Kuha ito bago magxenical ang aking supling. Hehehe!
http://maver.wifespeaks.com/2008/06/lp-12-itay.html
Maligayang LP sa inyong lahat ngayong Huwebes na ito.
Ang galing naman ng ama ni Mr. Admin! paborito ang tocilog! talgang pinoy na pinoy, nakakatuwa! ang cute! maligayang Hwebes muli sa lahat! AT mabuhay ang mga AMA!!!
ces’s last blog post..LitratongPinoy#12: Ang Haligi [Pillar]
Ang galing namn ng biyanan mo at paborito pa tocilog or tipsilog.Ang sarap nyan.
Nakakagutom!
http://sweetagring.com
Na miss ko tuloy ang aking ama. Anyway, eto na po ang aking lahok. Happy Father’s Day ating lahat.
Chrys’s last blog post..“Itay”
wow..i can only imagine the stories he can tell, 2 world wars and a cancer – napakakulay siguro ng kanyang mga salaysayin
ang aking lahok ngayong huwebes na ito ay narito…
http://pinoyandpinay.com/KuroKuro/?p=25
Sarap naman kasi ng tapsilog at tocilog kaya talagang magugustuhan ng iyong byenan. Ang adobo naman ay talagang subok na na gusto ng mga non-pinoys.
Maligayang Huwebes!
Mainam siguro siya kausap, sa dami ng kanyang mga naranasan sa buhay. Napakaraming aral siguro ang mapupulot mula sa kanya.
At dahil gusto niya ang mga -silog, aba, kakaiba kesa sa mga ibang banyaga.
Nga pala, ang ganda ng bagong “look” ng LP :happylol:
Heto po ang aking entry, ang aking asawa, nga lang nakatalikod kasama ang mga bata:
Tatay of my Children
julie’s last blog post..Tatay of my Children
ako rin paborito ko ang tocilog!!! hehehe…
maligayang araw ng huwebes, nakahain na rin po ang aking lahok…
lino’s last blog post..itay…
Ms Admin, tunay na kahanga-hanga ang iyong biyenan. Bihira lamang ang mga amang katulad niya. Kadalasan ay ang mga ama ay gumagawa lang ng mga trabahong “panlalaki.” Saludo ako sa kanya.
Hanga rin ako sa positibong pananaw niya sa kanyang sakit. Sana ay magwagi siya sa kanyang laban para marami pa siyang makaing tapsilog at tocilog. Yum!
Maligayang araw ng mga ama sa kanya at maligayang LP naman sa iyo!
Clicking Away’s last blog post..LP012 – Itay
golden years na pag nakatungtong sa 80… sana biyayaan pa sya ng maraming taon sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.
Linnor’s last blog post..Itay
eto pa ang aking isang lahok….
http://www.kathycot.com/2008/06/lp-itay.html
maligayang huwebes!
masarap ang tocilog! naway mabiyayaan pa cia ng mahabang masasayang taon!
ito ang aking isa ko pang lahok
http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-itay.html
kathycot’s last blog post..wordless wednesday
hello! ang sweet mo naman LP at ipinaghahanda mo sya ng kanyang paborito.
strawberrygurl’s last blog post..LP 12: Itay (Father)
Kasarap naman ng tapsilog na yan, nakakagutom. Ang kanyang positibong pagharap sa sakit ay tunay namang nakakamangha. Saludo ako sa kanya.
Ang aking LP ay nakapost na rin, sana makadaan kayo:
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/06/itay-father.html
ShutterHappyJenn’s last blog post..Itay (Father)
magandang umaga! ang sarap naman ng paboritong pagkain ng biyenan nyo.
maligayang huwebes sa lahat!
http://www.mysurfergirl.info/2008/06/litratong-pinoy-4-itay.html
ang daming unos na pinagdaraanan ng mga ama… ngunit sila’y matibay at matatag! hanga ako talaga sa mga ama!
magandang huwebes sa’yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/06/lp-12-itay.html
ito naman ang aking ikalawang lahok. magandang huwebes!
busymom’s last blog post..LP 2: Itay (Father)
Napakasuwerte mo at mabait si biyenan. nakakatuwa naman at kumakain siya ng lutong pinoy. bihira sa dayuhan ang ganyan.
Maligayang araw ng mga tatay sa lahat ng tatay!
ang ganda ng bagong look ng LP ha! i like it!
nakapost na po ang aking lahok! happy huwebes ^_^.
ettey’s last blog post..KALAYAAN NI ITAY
dakila talaga ang mga ama
salamat talaga sa kanila!
Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng ama! Masarap ng hilig na pagkain niya ah!
Eto ang aking lahok sa linggong ito:
http://www.chartherct.com/2008/06/19/litratog-pinoy12-itay/
Tere {Blessings in Life}’s last blog post..Colorful Afternoon Sky
sarap naman ng paboritong pagkain ni itay!
magandang huwebes sa lahat!
http://www.wifeynibangis.com/2008/06/litratong-pinoy-10-dada.html
happy father’s day to your FIL.
mine’s up too. :happylol:
http://pixelminded.blogdrive.com/archive/3.html
Nakasali uli ako salamat
http://www.aggietha.com/2008/06/19/lp-12-itay/
Aggie’s last blog post..LP 12: Itay
parang nawala yata ang una kong komento.. masarap ang tapsilog na inihahanda mo para sa iyong FIL. sigurado akong napapalit sya sa iyo lalo sa pag-aalala mo.
strawberrygurl’s last blog post..LP 12: Itay (Father)
Medyo mahirap para sa akin itong tema na ito.
anyway, belated happy father’s day sa mga tatay diyan.
nagutom ako sa pagkain. nakakatuwa naman na isang dayuhan eh nagustuhan ang ating silog series. hehe mukhang napakabait ng FIL mo.
gandang araw ng LP sa inyo! up na po ang entry ko.
haze’s last blog post..LP#12: ITAY
parang napaka-amo naman ng mukha ng iyong itay.
sana biyayaan pa siya ng mas mahabang buhay para makakain ng mas marami pang tapsi-tocilog.
MyMemes: LP Ama
MyFinds: LP Ama
Meeya’s last blog post..LP12: Ama
Sarap ng Tapsilog at Tocilog!
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/06/itay-father.html
ShutterHappyJenn’s last blog post..Itay (Father)
first time ko pong makisali rito.
sana’y malampasan ng iyong biyenan ang pinagdadaanan niya ngayong hirap. napakabuti nyang ama.
mabuhay nga ang mga ama! ^^
pinoy at heart si biyenan mo
mabuhay ang mga tatay!
up na po sa akin
Para sa itay ng buhay ko!
http://www.stripeatyellow.com/2008/06/litratong-pinoy-5-itay.html
nagutom naman ako sa peborit pud ni tatay.
http://alphadf.com/2008/06/18/lp-itay/
alpha’s last blog post..Confessions.
Nakakatuwa at pinoy na pinoy ang iyong biyenan pagdating sa pagkain. Bilib ako at na-train mo ang kaniyang panlasa.
Narito na ang una kong lahok: Bagong Ama
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #12: Ama
ang gandang lalaki ng iyong biyenan. dasal kong malabanan niya ang kaniyang sakit. nawa’y pagpalain pa siya lalo ng Diyos.
Ito ang pangalawa kong lahok: Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama
Mapped Memories’s last blog post..LP #12: Ama (Father)
Ang amang walang katulad. Tunay nga, walang katulad ang ating mga ama. At napakapalad mo at nagkaroon ka ng mabuting biyenan at ganun din sya…mapalad sya at nagkaroon sya ng ubod ng bait at responsabling manugang (tama ba Misis?)hehehe. Nawa’y madalaw nyo rin ang aking lahot sa linggong ito.
kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Itay
Maligayang pagbati sa mga Ama!!!! Sana ay patuloy ninyong itaguyod ang inyong mga pamilya. At mga misis, wag pasaway sa mga asawa…hehehe.
Ang aking lahok ay nai-post ko na po. Sana ay maibigan ninyo.
Kerslyn’s Comfort Zone’s last blog post..Litratong Pinoy: Itay
Happy Father’s day po sa lahat ng ama na miyembro ng LP at sa inyong mga ama rin!
Ang featured father ko naman ay hindi ko kamag-anak, eto sya:
http://www.thesserie.com/itay-vader-for-litratong-pinoy-12/
ipagpaumanhin nyo sana pero male-late lang ang pagdalaw ko sa blogs nyo
sarap naman ng ’silog! pinoy na pinoy na nga si Tatay! :happylol:
narito po ang lahok ko:
http://littlekitestudios.blogspot.com/2008/06/lp12-itay.html
medyo male-late din po ko sa pagdalaw sa mga kalahok gaya ni thess, pero siguradong iikot po ako
teys’s last blog post..LP#12 – Itay
Ang aking unang kalahok sa Litratong Pinoy…
http://www.arcskyline.com/caryl/2008/06/lp-itay/
happy fathers day to all!
Hu-waw ang sarap ng tosilog!!
Belated happy father’s day sa lahat ng mga tatay! =)
colby’s last blog post..LP #12 Itay
Magandang Huwebes! salamat naman at umabot ako sa pagpost ngayong huwebes na ito
korky’s last blog post..LP #12 Itay