LP#10 Pag-iisang Dibdib
June 4, 2008 by admin
Filed under LP entries
“Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isinubo na iduduwal kapag napaso” – ang aking lola

Hunyo. Ang buwan ng kasalan. May pagkakaiba ba talaga kapag sa buwan ng Hunyo ikinasal? Bakit ba napaka ispeyal ng buwan na ito at nauso ang tinatawag na June Bride? Sabi nga nila, ang pagpapakasal sa buwan ng Hunyo ay isang tradisyon na nagmula pa sa mga Romans na nagpauso ng pagpapakasal sa buwan ng Hunyo bilang pagbibigay pugay sa kanila Dyosa ng Kasal, si JUNO (O HERA naman ang tawag sa Greek.) Alam nyo ba na si JUNO ay kapatid at asawa ni ZEUS? At alam nyo din ba na itong si JUNO ay selosa? Talagang walang perpekto, ano po? Maging mga Dyosa ay may negatibong pag-uugali.
2 singsing, simbolo ng pag-sasanib ng dalawang pusong nagmamahalan. 2 singsing na nakalimutan kong linisin bago gamitin (kaya huwag nyo na masyadong silipin.) :blah:
Hindi ko na pahahabain, simulan na natin! Magandang Huwebes sa inyong lahat!

