PILIPINAS LITRATONG PINOY EB?
Napakagandang mungkahi po ito ni G. Pete Rahon:
“Siyanga po pala baka naman gusto ninyong mag-get-together ng June 12 mga LP members na nasa Pinas. I would be glad to meet you folks. Kodakan tayo para sa Kalayaan!”
Bakit po hindi natin gawin? Mag-iwan po kayo ng komento KUNG INTERESADO kayo para mapag-usapan at mapag planuhan ng maayos. Ang mga sumusunod po ang ating kakailanganin na maiayos:
- LUGAR
- PETSA
- ORAS
- ATBP.
Iwan nyo lamang ang inyong mga ideya …MUKHANG MASAYA ITO! :happylol:
Added: MAYO 28
Binasa ko po mga reaksyon ng mga interesado kaya naisip ko lang po na magbigay ng suhestyon para magkaroon tayo ng ideya.
Suhestyon lang po ang mga ito, bibigyan ko lang po kayo ng ehemplo
Pang isang-buong araw, kasama na introduction, photo ops. lunch, picnic at crash tutorials sa mag-mamagandang loob na mga propersyonal na miyembro:
HUNYO 7 (Sabado) o HUNYO 9 (Lunes, Holiday)
- 10am or earlier: Meeting Place : Makati or somewhere else – introduction, photo op (akyatin mga buildings, bahala na kayo humanap ng oportunidad)
- 11am – 12nn: Lunch (the shorter the better, diet muna)
- 12:30- 1: 30 pm: suggest kayo ng 2nd place to visit/photo op
- 2: 30pm – 3:00 pm: byahe, malapit lang ang lilipatan
- 3:00 pm – 5:00 pm: Intramuros? photo op
- 5:00pm – ? – byahe ulit
- 6:00 Roxas Blvd. Luneta – picnic, sunset shooting, etc.
- uwian na, bayarang ang tsuper ng jeep!
* Iba pang suhestyon ko ay: mag hire ng pampasaherong jeep para sa kalahating araw? Mas mahaba ang jeep mas maganda, para madami makasama. Isang dahilan din ay para hindi na mahirapan pa sa paghihintay ng masasakyan at magkaubusan ng oras. Para may pagsasabitan din tayo ng banner ni G. Pete Rahon, ha ha! Ang galing di ba?
Ambag – ambag na lang po ng pambayad sa jeep sa mga sasali. Or yung mga mababait nating miyembro na kahit hindi sasama sa EB ay …ehem…baka po pwede kayo tumulong sa ambag? isang sponsored post worth na ambag lang po. Kung pwede lang po naman. :love:
* Kung mayroon may oras (at budget na rin) ang ilan sa sasama, mag prepara ng pang picnic. Ex. Adobo, hindi nasisira yan abutin man ng ilang oras. Kung may cooler kayo sa bahay, bitibitin na rin at iwan na lang sa dyip.
Inuulit ko po, ehemplo lamang ito. Ilang araw na lang ay Hunyo na kaya sana ay magkasundo agad para sa ating EB!
Mga Interesado:
- Pete Rahon (Nasa Pilipinas mula May 29-June13)
- Nona (Nasa Pilipinas mula end of May- June
- Dragon Lady
- Carol Bustos Santiago
- Lino
- Buge
- Teys
- Ambo
- Ako din po (o ang aking representative)
- Ironnie (tentative)
- Jeprocks (tentative)
- JOIN KA NA!!
Flash!! Magandang balita po sa mga sasama sa EB. Mayroon po tayong posibleng maging panauhing pandangal na isang Propesyonal na Potograpo. Kung magkakasundo po tayo sa petsa at tumama sa kaniyang schedule, makakasama po ninyo siya at makikipag jamming po sya sa inyo ukol sa potograpiya.
Ang kanyang career po ay nagsimula nuong 1990, sa Amerika. Naging Ramp photographer po sya, Magazine photographer at ngayon po ay concentrated sa wedding photography.
Added: May0 29
SA MGA MAY INTERES NA SUMAMA, MAARI PO BANG MAG-IWAN KAYO NG MGA SUHESTYON NINYO? GAYA NG LUGAR NA NAIS NYO PUNTAHAN, ORAS ATBP. SA GANITONG PARAAN PO AY MARIRINIG ANG TINIG NG LAHAT AT MAKAKAKUHA TAYO NG IDEYA, UPANG MAKAGAWA TAYO NG KONKRETONG PLANO.
Salamat ng marami – admin


salamat po sa sa pag-pick-up ng mungkahi…
bakit hindi makigulo sa Luneta hehehe…
mainit pa ba…
o umuulan… sana mga bandang hapon…
potluck po tayo -
I am thinking of bringing a banner with me ng ating logo kung kaya – am about to leave Korea on the 29th of May and will be in the Philippines until the 13th… sana maka-piktyur ko kayo hehehe…
see you folks!
pete
hello bb. LP, g. Pete Rahon at mga katoto! ok naman po ako sa june 12 kaso lamang ay after ofc hrs pa… kung inyo pong natatandaan, ang independence holiday ay “inilipat” nang ating pangulo nang june 9 (para po sa isang long weekend). ako po ay naninilbihan dito sa intramuros area kaya’t ang lugar nang luneta ay ayos na ayos sa akin… gayunpaman, ang isa ko ring suhestiyon na lugar na maaaring sentro sa mga nagtatrabahong tulad ko ay sa lugar nang makati.
panghuli, ipagpaumanhin po na hindi ko pa nai-upload ang aking “tubig” na lahok magpahanggang-ngayon…. napakarami pong trabaho mula noong isang linggo! ako’y lubos na umaasang maihabol ko ito mamayang gabi o bukas. nawa’y makalahok din ako ngayong huwebes na darating. salamat po!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #7: Umaapoy
masaya ito! sang-ayon ako kay dragon lady. siguro mas ok kung mag-salo salo tayo sa medyo mas accessible sa mga ka-miyembro natin na nandito sa metro manila. makati, ortigas o kahit anong madaling puntahan ng kotse o public transpo. sana magkita-kita tayong lahat!
carol bustos-santiago’s last blog post..date night!
mukhang ok din sa akin ang luneta… tingin tingin na lang po ako dito sa update…
lino’s last blog post..world pyro olympics 2008…
wow, masaya iyan. Pauwi ako ng katapusan ng Mayo kaya lang june 8 ang balik ko dito sa Tsina. Sayang!!
Pero ganunpaman ienjoy niyo na lang ang pagtipon tipon, isulong ang LP! haha…
i just got the banner this afternoon, hehehe libre because our office has given lots of job to the company – kaya sana magamit natin…
nona too soon naman ang balik mo, well we don’t have definite date and time yet so give us your date so we can check with the rest of the folks…
bigay po kayo ng dates at definite place para makabuo tayo ng consensus…
salamat po..
Gusto ko din po sanang sumama pero hindi pa po ako sigurado kung aalis ako sa petsang iyan. Malalaman ko po siguro sa isang linggo. At kung hindi po ako aalis ay siguradong sasama ko!
Buge’s last blog post..Mga nakita, nadinig, naamoy sa La Union
naku, gusto ko ring makigulo, kaya lang baka mapadpad kami ng iloilo ng mga petsang iyon. Kung di kami matuloy, magpapaalam ako sa aking mister na mag-day off ako sa araw ng kalayaan. hi hi
teys’s last blog post..Some Rights Reserved
Wow ang saya. Sama ako dito!
Ambo’s last blog post..Sea Gypsies
Aba, aba, aba! Natural na ako’y sasama dito! Yey!
Gusto ko ang mga suhestyon mo, Miss Admin.
sasha’s last blog post..Time is important
Sali ako dyan! Sabihin niyo lang ang detalye na mapagkakasunduan ng majority at agree agad ako!
wish ko lang maka-join ako pero may pasok na kami sa school… inilipat po kase ang holiday.. dito na ang entry ko for this week
gandang ‘webes sa inyo!
jules’s last blog post..LP #006: Ihip ng Hangin
salamat sa ating admin at naka-synthesize na ang mga komento at mukhang sync-in ang mga naiisip natin. Mayroon pa tayong puedeng coach, photo-session di ba kewl!
Kahit half-day lang para naman ang kalahati ng panahon ay magugol sa ating mga mahal sa buhay lalo ang bakasyon ay inaasahan na panahon nang pagsama-sama – o why not a family photo picnic – para ma-appreciate nila ang ating pinagkakaabalahan sa internet, dalhin ang buong pamilya…
Anong tingin ng grupo:
petsa: June 9, 2008 (petsa ng holiday)
oras: 8:00 AM
lugar: Intramuros (sakayan malapit sa gate ng PLM – biyaheng Quiapo-Pier – tama ba?)
paano magkakaalaman – ilabas ang taktak LP – isabit sa leeg ang mga camera parang turista (ingat lang po), magsuot ng red o blue o yellow…
parang ang sarap sumama kaya lang nakakahiya naman na ang dala ko lang ay phone cam LOL
hayyyyy.
bluep’s last blog post..The early death of Pinoy Idol (Ep. 8, 9 & 10)
LP: Ginoong BLUEP, ang importante ay makilala ka at makilala mo rin ang mga magsisilahok na miyembro sa EB na ito, kaya sumama ka na! Saka wala sa camera yan, kundi nasa talento ng nasa likod nito =)
magandang idea! gusto ko sanang sumama kaya lang ang layo ko eh!
ettey’s last blog post..LP: IHIP NG HANGIN
LP:Naagahan ka ba sa oras? Maari namang humabol dahil gagawan natin ng programa para kada oras ay alam mo kung nasaan ang grupo.
Gusto ko pong sumali kaso hindi pa ako naisasali sa listahan ng mga litratista dahil hindi pa ako nakakapag-post ng dalawang sunod na linggo at hindi pa ako nakakapag-apply. Maari kaya akong sumali?
Jenn’s last blog post..LP – Ihip ng Hangin
LP: Maari syempre! Nakita ko naman ang iyong akda…hala, ipadala mo na ang impormasyon mo! =)
Ay ang saya nito kaso di yata ako makakapunta kasi malayo rin ako.
Tere’s last blog post..Pinoy Idol
LP: Taga saan po ba sila? Maari rin kayong magbigay ng inyong panukala na mga lugar na nais puntahan
ang daya naman,kung kelan ako umalis saka pa mag-e-EB :hmm: ,but anyway, i hope magenjoy kayong lahat. :l:
Pixelminded’s last blog post..WordlessWednesday#2-Philippine Lemon
Sa Unibersidad ng Pilipinas po kaya? Suhestyon lamang.
Joel’s last blog post..Aperture?
pwede po bang sumama ang bagong salta… 2 linggo palang ako nglalagay ng lahok at hindi prin inaaprubahan ang aking pagsali… kung hindi ay sna pagmasadan niinyo ang lahok ko sa araw na ito..
may titulo na “mahangin ba sa labas?” :happylol:
LP: Pwedeng pwede sumama syempre!! At huwag po kayo mag alala, matapos ma-review ay makikita mo agad ang iyong pangalan sa ating listahan. Konting pasensha lang po at mahina ang kalaban, ha ha ha!
Keep shooting
wow, EB ng LP, hindi po ba parang rush baka tayo magahol o magkulang sa oras ng preparasyon? (tanong lang po yan). Ang sarap sumama malayo rin ako eh.. Pero titignan ko ang magiging schedule natin at lkung saan gaganapin
LP: Tama lang naman ang tanong mo
Kung hindi man mangyayari ito ngayong Hunyo (pero nananatili akong umaasa na matutuloy syempre) uulitin natin ang ‘áttempt’ at gagawin natin ulit ito sa darating na mga buwan!
O sige Ginang LP sama ako. pero teka, dahil may pag ka OC ako, maari bang malaman kung magkano ang ating magagastos sa ambagan at ano talaga ang pinal na oras ng sa gayon naman ay makapaghanda ako at mabaak ko na ang aking alkanyang kawayan LOL
naku baka ma shock ang mga aatend sa halimaw na kanilang makikita haha.
bluep’s last blog post..Father’s Day Worries
LP: G.Bluep, maari ka bang magbigay ng suhestyon mo ng mga lugar na pupuntahan? Kung maari ay iyong gamitin ang ehemplo ko sa entry na may oras magmula sa simula ng pagkikita, paglipat sa mga lugar hanggang sa pagtatapos nito?
sa ngayon ay 2 pa lamang ang nagsaad ng mga lugar na kanilang gusto puntahan: Luneta, Intramuros at UP.
mga kasama sa LP,
naggaling po ako ngayong hapon sa Bantayog ng mga Bayani, katabi ng NAPOCOR na matatagpuan sa kanto ng Quezon Blvd. at EDSA. May mga kinuha akong mga litrato at maganda yung Museum nila. Hindi ko lang alam kung bukas sila sa holiday – June 9. Kung UP sang-ayon din ako dahil dito lang ako sa Loyola Heights, Katipunan nakatira. Kahit saan sa QC o Manila handa na po na iladlad ang banner na dala ko hehehe… Sumali na kayo! Join! Pagbalik sa Korea sana mayroon din kaming get-together, paing betchay… paramihin nati ang lahi-lipi ng LP sa Korea – sana magkaroon din ng EB dooon… o ayan – LP-EB Challenge saan man dako ng mundo hehehe…
I just thought sana magkaroon ng project ang grupo – coffee table type of book ba ng mga LP photos natin at ambag ambag tayo sa publication… puede kahit postcard size lang o kaya kung may advertisement support e kahit ga-magazine type – wishful thinking…
hehehe, daming naiisip, pero why not di ba – para naman hindi lang blog at web tayo – puededin na offline, in print at eye-ball…
mainit dito sa Manila sobrang humid – araw ng suweldo kung kaya’t punong-puno ng tao ang Gateway, SM (Cubao) maraming bakasyonista mula sa probinsiya, feeling ko walang rice crisis at anumang crisis subalit ilang lang naman ang mga nasa malls kumpara sa marmaing naghihikahos ( sorry po nagiging political na naman ako… can’t help but be socially observant to be more relevant, paumanhin heheheh… kasi nadala ako kay Jun Lozada, got a video of him when he spoke at the conference against involuntary disappearances)
anyway tomorrow morning off to Villa Escudero kasama ang mga delegates ng conference…
hi pete, ang ganda naman ng suggestion mo about the coffeetable book!
i like it!
siguro ang gawin natin, magpa-poll tayo ng 10 (or kahit ilan) of the best entries for every theme. for example, yung 10 na best hangin, 10 na best apoy, etc. tapos, aside from pinaka-magandang pics, pili din tayo among the great captions (kasi naman ang gaganda ng mga tula at essays na na-compose ng ibang members to go with the pics!). or something like that.
sana ma-compile ito in time for distribution sa 1st anniversary ng LP.
nakakatuwa ka naman pete, nakakahawa yung excitement mo.
Meeya’s last blog post..Minimalist
PETE! wala ka bang jetlag? ha ha ha! Nakapag libot ka na pala ng konti dyan, bilib ako sa iyo. May photo ka ba ng banner mo? Ipakita mo naman sa amin
Maganda ang suhestyon mo na coffeetable book, ganyan nyo kamahal ang LP ha! Ha ha ha, nakakataba naman ng puso. MEEYA- hayaan nyo, gagawa ako ng isang pahina at dito natin pag uusapan ang mga suhestyon ng mga miyembro. Sige planuhin natin ng maaga para maganda ang Unang Anibersaryo ng Litratong Pinoy.
Sa ngayon, ayusin muna natin pagkikita nyo dahil gahol na sa panahon.
mga kasama,
salamat sa pagtangkilik ng mungkahi…
magagand ayung mga larawan natin kaya sana may posterity copy para sa susunod na henerasyon hehehe… di natin alam anong itsura ng publication at photography 5-10 years from now…
ito po ang aking mobile number para sa mga gustong makipag-coordinate:
0915-938-7908
tawagan po tayo para ma-ayos natin ang plano…
:hmm:
mukhang hindi tayo makabuo ng common schedule…
panawagan po sa lahat na gustong magkita-kits…
tawaqgan lang po ninyo ako sa mobile…
ok yang coffee table book, may alam din po ako kung saaan pwede mag print nyan, sa may hidalgo sa quiapo, medyo mura sya compared sa mga mall…
ano na po ba ang final schedule naten? pwede ba magsama ng di member ng LP, kse yung friend na kasama ko sa haws di pa member ng LP kse wala pa syang blog pero nahawa na rin sa akin sa pagpipicture, hehehe.
ako rin po pwede ma reach sa 09178565180…
try ko makapag suggest ng schedule before the week ends…
lino’s last blog post..sunset at harbor view…
Kung sakaling mapabilang din ako sa mga litratista ng LP, ipinaaalam ko pong ako po ay sasama sa EB. :happylol: Magandang ideya ang coffeebook! Sana matuloy ang EB, isa itong magandang pagkakataon para makipag-bonding sa kapwa litratista. Ang aking numero ay 09214223400.
Shutter Happy Jenn’s last blog post..Pag-Iisang Dibdib / Wedding
Kung sa Lunes nga ang EB ay makakasama ko. At maganda din kung QC area dahil ako po ay manggagaling sa Commonwealth. Kung sa Manila naman ay pede din ako pero ndi siguro maaga dahil medyo tanghali na po ako magising. Hehe. Eto po ang number ko 0917.8564752
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Pag-iisang Dibdib
maraming salamat sa mga sagot, mukhang mas malapit na yata dito sa QC, what about you shutter happy jenn, any suggestions? Anyways, got your mobile numbers folks and will call you today to finalize plans. Friend/s of mine would like to join as well kaya kita kits sa Lunes, anong oras 8:00 AM Filipino time hehehe… (o DST pang abroad hehehe)… Tawagan po tayo… Lino handa (ID) mo lang ang mga maka-Kalayaan sites sa UP, hehehe…
magandang araw sa lahat! holiday ngayon sa Pilipinas at tuloy po ang ilang miyembro ng LP sa UP, Diliman ngayong 9:00 ng umaga para sa LP EB. Sa mga nagnanais humabol punta po kayo sa UP at tawagan lang po an mga lang po ang mga kasamang nag-iwan ng mobile dito…
Kodakan para sa Kalayaan! Mabuhay ang LP!
mainit na EB, tagtak, umaagos na pawis ang inabot namin nila buge, lino at aking mga kaibigan. Mula UP Oblation, ginalugad ang Chinatown, Jones Bridge, at nagpaalaman sa Lawton. Masaya ang naging Eb bagamat tatlo lang kaming taga-LP at syempre lalong dumarami ang mga naging suhestiyon at ideya para lalo pang maging exciting ang ating ugnayan on-line, tulad ng forum, bahaginan ng mga tips, resources at links kaugnay sa photography, atbp. Subaybayan na lang po ninyo ang aming blogs/websites. Pabor ang mga kasama sa coffee table book at pinasyalan ang isang shop na gumagawa ng mga coffee book.
Oy nomination sa bloggers award, dapat lahat tayo bumoto para sa ating grupo! BOTO NA !